Hindi ko naman alam na may ina-announced pala ang mga officer's kahapon, hindi ko kasalanan na late kami after break time na lang kami naka attend ng class.
Habang pasimple akong kumakain ay dumating na mga taong mataas ang antas dito sa H.M.A sinabi nila ang competition tapos may pipiliin daw sila. Dami talaga nilang alam sa buhay.
Break time namin mabuti na lang ay sabay kaming apat minsan lang kasi magkasabay dahil iba iba ang kanilang schedule. Alam kong sasali silang tatlo, nagulat pa nga si Dora ng cheer dancer pala ang nanay ni maleficent joke joke lang.
Masaya akong kumain habang ang tatlo naman ay nag uusap hindi ako nakikinig dahil bad makinig ang mga bata sa mga matatanda. Habang kumakain ay may nagsalita, napaigtad ako at tinignan kong sino ang tumawag.
"Sinasabi ko nga ba si swiper siya, pinahiya pa ako kahapon sa grocery store tsk, hindi kami bati." I whispered.
"Yucci tawag ka." Siniko ako ni Sania. Paulit-ulit naman ang isang 'to unli siya narinig ko naman eh, nagsasalita pa nga ako eh epal naman ng marites nato.
Malamig kong tinignan ko si Loki."Yes." I coldly said.
Yon oh! Galing talaga ni dora mag akting, talo ko na si kuya cardo mag acting. Aguy kabahan na siya.
"You drop these." Nilahad niya ang panyo sakin. I frowned, wala naman akong panyong dala eh, small towel ang dala incase na gusto kong maligo sa gripo ng dinidilig sa play ground. Masaya kasi pag malawak ang shower. Makakagala pa si dora.
"That's not mine." Hindi naman akin 'yan eh, baka napulot lang niya 'yan. Baka nagamit na ni swiper hindi pwede hindi kami bati.
"It's yours." Iba talaga ang lalaking 'to sabing hindi akin 'yan eh!
Ayoko na lang mag say kaya kinuha ko na lang ang panyo nang may pagaalinlagan, baka na punas ito sa pwet ng kung sino, Diosko mas hihilingin ko na lang na resurrection day na.
"Thanks?" Kahit ayoko tanggapin kinuha ko parin, ganon ako sa shunga bakit ba ako nag papauto sa lalaking 'to dahil mala greek god ang mukha niya? Huh asa siya.
Hindi niya ako pinansin at umalis na lang bigla. Aba hindi ko siya pinalaki ng ganyan! ay joke lang.
"Jerk." Kahit kailan hindi ko siya magugustohan. Makita man ni Dora ang bahay nila.
May sinabi si Sania pero hindi ko 'yon narinig, basta na lang hinampas ni Ace ang lamesa nila at padabog na umalis. Iba ding tong si Ace eh, nakikita kong pasulyap sulyap lang kay Esang. Iba talaga ang kaibigan mo matinik pa sa matinik.
Kinabukasan maaga akong nagising kumain ako at naligo, isang linggo ay isang beses lang kami magsusuot ng uniform dahil sa kurso namin. Iba din ang kay Esang at Tanya, si Sania naman ay maraming uniform dahil sa kurso niya.
I wear puting T-shirt na malaki at jeans, sneakers. Tinuckin ko sa harap ang T-shirt ko. Kumuha ako ng baon ko at umalis, marami akong dala marami akong binili nong isang araw eh.
Kinuha ko ang bag ko na mas marami pa ang pagkain kesa sa mga notebook ko.
Pasimple akong kumakain habang nag di-dicuss ang prof namin sa history, gusto ko sanang sabihan si Sir na hindi na naman kailagang balikan ang nakaraan kaso baka tumama ang eraser sa mukha ko.
Pinatayo ko ang libro namin para hindi ako makita si Sir tapos dahan dahan lang sa pagnguya baka marinig ng mga estudyante dito lagut na ako, palayasin pa ako ni Sir at itapon sa mars edi sasayaw na lang ako ng demetukusita ah ah.
BINABASA MO ANG
THE ONLY EXCEPTION
RomanceBILLIONAIRE SERIES #2 [ C O M P L E T E D ] Oleander, The Fragrant Killer. Two-faced assassin. Yucci's life is full of orders. She was controlled and manipulated by her own mother, but an unexpected man came. Making her heart beats so fast, giving...