Chapter 65- Vacation

3.2K 65 0
                                    

(Ria's POV)

Nandito na kami ngayon sa bahay at iniuwi na din namin si Myx, pwede na naman daw syang iuwi sa bahay eh :) Sobrang saya namin kasi ayos na si Myx at wala na din yung issue kay Rie at kay Ken.

"Anong gusto nyong food for dinner?" tanong samin ni Gab, sya kasi ang nakaassign ngayon eh

"Chicken curry!" sigaw ni Nix

"Agree ako" -Jem

"Keri lang. Miss ko na din yun eh" -Myx

"Okay, chicken curry for dinner. Dyan na muna kayo at magluluto ako" paalam ni Gab sa amin

Nagdaldalan lang sila habang nanonood ng tv. Hindi ko alam kung sasabihin ko kay Gab yung nakita ko kahapon o hindi na. Nakita ko si Charity at Xiv na naghahalikan sa may coffee shop eh. Siguradong masasaktan si Gab pag nalaman nya yun. Haaay. Naguguluhan ako. Pumunta ako sa kusina at pinanood lang si Gab na magluto. Nakakatuwa kasi marunong na kaming magluto, sa paglipas ng mahabang panahon natuto din kaming magluto nang kami lang :)

"Oh, bakit hindi ka nakikisali sa kanila?" tanong sakin ni Gab

"Gab, may sasabihin ako"

"Hmm, ano naman yan? Mukhang seryoso ah"

"Yeah"

"Tungkol saan?"

"Wala naman"

"Ano nga? Sabihin mo na" curious nyang tanong

"Gusto ko lang sabihin na masaya ako kasi kayo ang kaibigan ko. Walang araw na hindi ako sumaya ng dahil sa inyo :) Kaya salamat Gab"

"Oww, natats naman ako. Hahaha, akala ko naman kung ano na ang sasabihin mo eh. Kinabahan naman ako" Haaay, kung alam mo lang Gab. Pero ayoko nang malaman mo yun, mukha namang seryoso si Xiv sayo eh! At nakita ko naman na si Charity ang humalik at hindi si Xiv.

"Hahaha, sorry. Sige magluto kana dyan" iniwan ko na sya at nakisali na din kila Jem sa kwentuhan.

A month's later~

"Oh ano? Game na ba lahat? Baka naman may naiwan pa kayo huh?" tanong samin ni Gab

"Okay na naman yata lahat eh! Hmm, ay teka! Naiwan ko yung camera" sabay takbo ni Nix papasok ng bahay

"Ay nako naman si Nix! Malalate na tayo nito eh!" singhal ni Myx

"Hayaan nyo na, hindi naman magagalit ang boys eh" cool kong sabi. May vacation kasi kami eh! Kasama yung limang pinakamamahal namin. Eto yung napag usapan na vacation eh! Malapit na din naman kasi ang graduation :) Kaya nilulubos lubos na namin ang last year namin sa high school :3 Ano ba yan! Parang kailan lang ano? May gantihan na nagaganap pero ngayon, okay na ang lahat at nakasettle na.

"Okay na! Nakuha ko na!" sigaw ni Nix habang winawagayway ang camera na nasa kamay nya

"Sakay na kayo! Bilisan nyo na" atat na sabi ni Jem, kaya naman nagsisakay na kami. Hihi ^^ Excited na kaming lahat. 1day kasi ang itatagal namin dun sa resort.

Jae's POV

"Nasan na yung brief ko?" sigaw ni Max

"Tanga! Nandyan lang yun. Ang bulag mo talaga eh!" sigaw naman ni Xiv kay Max. Haaay, ano ba naman yan! Aalis na lang kami nagkakaaberya pa! Tss.

"Bilisan nyo na nga dyan! Baka kanina pa naghihintay sila Nix dun!" sigaw naman ni Ace na nagsusuklay sa harap ng salamin. Nasa bahay kami ni Xiv at nag iimpake na ng mga dadalhin namin para sa bakasyon sa resort nila Ken. At kanina pa nag iinit yung ulo ko sa mga hinayupak na toh -____-"

"Putcha! Hindi pa ba kayo tapos? Kanina pa nagtetecks sakin si Ria!" sigaw ko sa kanila

"Teka! Yung brief ko! Hindi ko makita. Baka wala akong magamit sa pupuntahan natin" sabi ni Max habang hinahalukay yung kama ni Xiv

"Hiramin mo na lang muna brief ko, Max" alok ni Xiv

"No need! Ayokong gamitin ang brief mo. Sandali na lang toh, mahahanap ko na din yung brief ko" sabi ni Max at patuloy pa din sa paghahanap. Jusko! Pati ba naman brief?

"Bobo! Dun sa maleta ko! Nandun na ang brief mo" sabi ni Xiv kay Max

"Mas bobo ka! Bakit mo pinapakialaman ang brief ko? Pinagnanasaan na ba ko ngayon ni Xedrell Ian Vincent Castro?" sabay ngisi ni Max kay Xiv. Nako, eto na naman tong dalawang toh

"Subukan nyo pang magsapakan, ako na ang gagawa! Bilisan nyo na nga dyan!" banta ni Ace, nagbilis naman sila ng kilos at eto ako nakatayo lang. Tapos na din kasi akong mag impake ng damit eh! At kanina pa ko kinikilig sa tinitecks sakin ni Riri ko <3 Sobrang bakla pakinggan, pero kinikilig kasi talaga ako eh!

Matapos nilang ayusin ang mga gamit nila, nagsialis na kami dala ang isang van. Nasa tagpuan na kasi sila Ria eh. Sana maging maayos ang bakasyon namin na toh :)

(Short Chapter lang)

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon