(Gab's POV)
"San naman tayo pupunta?" tanong ko kay Xiv, naglalakad kami ngayon sa kawalan :D
"May bibilhin lang tayo!"
"Ano naman yun?"
"Di ko alam yung tawag dun eh! Narinig ko lang kanina. Na .. na .. Ano nga ba yun? Tuhog-tuhog yata?" seryoso pa ang pagkakasabi nya nan. Kaso natawa ako sa reaksyon ng mukha nya eh! :D
"Hahahaha. Fishballs? Yun yata ang sinasabi mo eh! Taong bundok kaba?"
"Tsk. Heh! Tara na nga!"
Hinigit nya naman ako at nakita namin yung nagtitinda nung fishballs. Malay ko ba dito kay Xiv at naisipan na kumain ng ganito.
"Ano bang trip mo at gustong-gusto mong kumain nito?" tanong ko sa kanya
"Wala lang naman. Gusto ko kasing matikman toh eh! Curious ako sa lasa"
"Ahh. Kaya naman pala! Oh, ilan naman ba ang bibilhin mo?"
"Edi madami. Kuya pabili nga po" sabi nya dun sa tindero at nag-abot ng isang daan "Kuha ka rin dito Gab" aya nya sakin. Tumango naman ako at nakitusok na din.
"Hmm, ang sarap pala nito?"
"Masarap talaga yan!"
Busy kami sa pagkain ni Xiv nang biglang magvibrate ang phone ko.
Message from Myx<3
~Gab! Si Ken toh. Nasa ospital ako, puntahan nyo na kami. May nangyaring kakaiba eh!
Kinabahan naman sa ako tinext ni Ken at nagsend ulit sya ng message. Sinabi nya samin kung nasaan sila.
"Tara Xiv! Pupunta tayong ospital" sabay hila ko kay Xiv at pumunta sa sinabi ni Ken na ospital. Puro tanong naman si Xiv sakin. Kesyo ano daw ang nangyari, sino daw ang nasa ospital. Mamamatay na daw ba. Kulit!
"Xiv, mamaya kana magtanong! Kanina pa ko kinakabahan eh! Bilisan mo na lang ang pagmamaneho. Kahit paliparin mo na ang kotse mo basta makarating agad tayo sa ospital na yun!" sigaw ko sa kanya. Tumango naman sya at nagtext ako kay Ken pero no response na sya. Kaya lalo akong kinabahan.
Binilisan naman ni Xiv ang pagpapatakbo sa kotse nya at sa wakas nakarating na kami. Tumawag ako kay Ken pero unattended kaya naman nagpanic ako.
"Gab! Calm down. Dyan ka lang. Magtatanong ako sa mga nurse dito" tumango naman ako kay Xiv at umalis na sya
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Kinakabahan talaga ako eh!
"Sa ER daw Gab. Tara!" sabi ni Xiv sa akin at inalalayan ako sa paglalakad
Nakita ko sa labas si Ken at tinanong ang nangyari. Maga ang mata nya, siguro dahil sa kakaiyak.
"Si Myx. May nangyari sa kanya Gab" sabi ni Ken. Nang marinig ko ang pangalan ni Myx automatic na nagluha ang mata ko.
"Tell me Ken. What happen? Anong nangyari kay Myx? Ano?!"
"Nasagasaan sya"
"Ano?! Bakit? Kailan?"
"Nag-uusap kami eh! Then she walked away nang dumating si Rie"
"Damn it! Sino ba yang Rie na yan huh? Nang dahil sa kanya nagkaganto si Myx! Papatayin ko yung malanding babaeng yun pag nakita ko!" Nakakagalit talaga yung pesteng babaeng yun!
"Kapatid sya ni Jae, Gab. Walang namamagitan sa amin. Oo ex ko sya! Pero wala na ang lahat sa amin at parang kapatid na lang ang turing ko sa kanya. Namis-interpret lang ni Myx ang lahat. Na akala nya nakahanap na ko ng bago pero ang totoo sya at sya lang ang tanging mamahalin ko. Alam ng lahat yan" naluluhang sabi ni Ken. Di ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman niyakap ko na lang sya at hinagod ang likod nya.
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Fiksi RemajaThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...