Chapter Fourthy-Seven~Star! Star! Star!

3.5K 70 1
                                    

"Falling in love is different from Staying in love"

(Ria's POV)

3months na ang nakakalipas :) September na! And guess what? Were Officially Couples!

Nandito na ang List of Couples ..

The Mingming and Chuchu Couple! Gab and Xiv

The Pillows and Mallows Couple! Myx and Ken

The Mimibah and Dadabah Couple! Jem and Max

The Chichi and Chowchow Couple! Nix and Ace

at ang pinakasweet sa lahat! At ang pinakabongga na Couple! Ang BabyRiri and BabyRuru Couple! Hahaha :D

"Ber months na pala noh? Dama nyo na ba ang pasko?" tanong ni Myx

"Hahaha. Di pa masyado eh!" sagot ni Jem

"Tsaka. September pa lang naman eh! Baka mga October, madama na talaga natin ng bongga ang simoy ng pasko" singit naman ni Nix

"Ikaw Ria? Anong balak mo sa pasko?" tanong sakin ni Gab

"Hmm, wala pa eh! Undas na muna! XD" tapos nagtawanan naman kami. Nasa school kami ngayon at napakatamad ng mga teachers namin. Hindi kasi nagpapasukan eh! Ano kayang nangyari sa mga yun? XD

"Mukhang nagkakasayahan ang mga Baby namin ah!" sabi ni Ace at kiniss si Nix sa cheeks.

"Hahaha. Nag-uusap lang naman kami kung ano ang balak naming gawin sa Christmas" sabi ni Gab

"Tara magvacation tayong sampu!" sabat ni Xiv

"San naman?" tanong ko

"Sa may beach namin!" sigaw ni Jae. Eh? May beach pala sila? :) Nice yun! "Tsaka private naman yun eh! Walang napunta kaya mas maganda yun! Kasi tayong sampu lang ang nandun" dagdag pa nya

Pinag-usapan naman namin ang about sa plano namin na yun. Para ngang maganda yun :)

"Parang ang aga naman ang preparation natin" sabi ni Nix

"Haha. Chichi Ko, okay lang yan! Para nga makapaghanda agad tayo eh!" sabi ni Ace at pinisil ang dulo ng ilong ni Nix

"Lumayas nga kayo sa harap ko. Baka sipain ko kayo! Kanina pa ko nilalanggam eh!" sabi ni Jem kaya nagtawanan kami.

"Guys, saglit lang huh? May pupuntahan lang kami ng Baby Riri Ko" paalam ni Jae sa kanila at hinigit na ko palabas ng room namin. Eh? San naman kaya kami pupunta nito?

"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kotse

"Secret!" tapos humagikhik sya ng tawa

"Baby naman eh! May klase pa kaya tayo!" sigaw ko sa kanya. Pero syempre may lambing parin yan!

"Saglit lang naman tayo eh!" sabi nya at ipinasok na nya ko sa loob ng sasakyan nya. Umikot naman sya at sumakay na din sa driver's seat. Dont worry guys! May student license naman toh! Ewan ko nga kung paano nakakuha toh eh!

Busy sya sa pagddrive at ako naman ay nakatanaw lang sa labas. Pinagmamasdan ang bawat madaan namin. Tanging tugtog lang na nagmumula sa Ipod nya ang maririnig sa kotse.

"Baby, san nga pala tayo pupunta?" basag ko sa katahimikan

"Secret na nga muna. Ang kulit mo talaga eh! Hmm, I'm sure na matutuwa ka sa pupuntahan natin" sabi nya sakin at binigyan ako ng sobrang tamis na ngiti kaya nginitian ko din sya. Tumahimik naman kami ulit at wala na ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.

"Nandito na tayo" sabi nya at binuksan ang pinto ng kotse. Hmm, mall? Ano naman kaya ang gagawin namin dito? O.o

"Mall? Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya. Kasi kung magmamall lang din naman kami. Dapat mamayang uwian na lang. Pasaway talaga toh!

"Haha. Basta! Tara sa loob!" hinila nya ko at ako naman. Sunod lang din.

Habang naglalakad kami lumalaki ang ngiti ko.

"Oh! Sabi sayo eh! Matutuwa ka talaga!" sabi ni Jae sakin. Niyakap ko naman sya at maluha-luha ako. Ang dami! Ang daming stars! :)

(Jae's POV)

Kitang-kita ko kung paano nagkaron ng ngiti sa labi ni Ria habang papalapit kami dun sa dulo ng mall. Haha, madami kasing Stars :) Nagtanong-tanong kasi ako sa mga kaibigan nya kung ano ang gusto ni Ria at kung ano ang makapagpapasaya sa kanya. Isa lang ang sinagot nila. STAR daw! Kaya naghanap ako ng bilihan ng Stars.

"You like it?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga Star na stuff toys

"Yep!" sabi nya sakin habang nakatingin padin dun sa mga stuff toys

"Kumuha ka lang ng kumuha ng gusto mo"

"Talaga?" tanong nya sakin na nagniningning ang mata

"Oo naman. Basta para sa Baby Ko" ngumiti naman sya ng pagkalapad-lapad at kumuha ako ng cart para lagyan ng mga bibilhin nya. Ngayon ko lang sya nakita na ganto kasaya. Ganito ba talaga sya kaadik sa star? :D

"Mahilig ka talaga sa star?" tanong ko sa kanya habang tinutulak ko ang cart at sya naman ay walang humpay sa paglalagay sa cart.

"Yep! Matagal na! Ang cute lang kasi eh! Kaya nga yung aso ni Lj, star din ang pangalan eh! Stariray nga ang tawag namin eh!" kwento nya sakin

"Aso ni Lj? Bakit parang hindi naman namin nakita nung pumunta kami dun?" tanong ko sa kanya

"Pinapaalaga na naman yata ni Lj? Namimiss ko na nga yung aso na yun eh! Malambing kasi" sabi nya

"Ah. Kaya naman pala!" Lumingon lang sya sakin at ngumiti. I like the way she smiles at me. Kinikilig ako eh! Tsk. Ang bakla eh -___-" So what? Sa kinikilig ako eh! Bakit? Babae lang ba ang may karapatan na kiligin?

After 0987654321 Decade. Natapos na sya! Grabe ang pinamili nya T___T Parang malalagas yata ang pera ko dito ah!

"Ayan na lahat?" tanong ko sa kanya

"Hmm. Yup baby! Yan na lahat!" sabi nya sakin. Tumango naman ako at sinabi ko sa cashier na pakikahon na lang lahat ng yun.

"Sir. 19,379 po lahat" sabi nung cashier. Ouch! Ubos nga ang pera ko. Grabe si Ria! :3 Pero okay lang. Mahal ko naman eh!

"Here!" nag-abot ako ng 19,500 "Keep the change" dagdag ko at pumunta naman kami sa jewelry store.

"Baby, ano pang gagawin natin dito?" tanong nya sakin

"Hahanap lang ako ng necklace"

"Para san?"

"Ang dami mong tanong Baby Riri ko. Para sayo yun! Pakiss nga!" tapos kiniss ko sya sa noo.

Pumasok na kami sa jewelry store at tumingin-tingin ng mga necklace. Yung mata nya nagniningning na naman nang may makitang star na pendant :)

"Gusto mo nyan?" tanong ko sa kanya

"Hmm. Wag na! Ang dami mo nang nabili sakin eh! Nakakahiya naman" sabi nya sakin

"Haha. Okay"

Pagkasabi ko nun ay pumunta sya sa bilihan ng relo dun. Busy sya sa kakatingin eh! Haha.

"Miss. I'll buy that" sabi ko dun sa sales lady. Tumango naman sya at nilagay na sa kahon yung necklace tsaka ko binayaran. Nilagay ko na muna sa bag na dala ko para surprise mamaya :)

Busy padin sya sa kakaikot at kakatingin sa mga alahas kaya di nya namalayan na nasa likod na nya ko. Kaya naman niyakap ko sya mula sa likod.

"Hmm. Naglalambing na naman ang Baby ko eh" sabi nya sakin at humarap sya

"Mahal kasi kita. Pwede pakiss?"

Hindi pa sya nakakasagot ay ninakawan ko sya ng halik sa labi ..

"Baby naman eh! >///<" Haha. Namumula yung mukha nya! Ang cute nya talaga!

"Hahaha. Oh? Bakit Baby?" tanong ko sa kanya habang nakayakap padin sa kanya

"Nasa public place kaya tayo!"

"Okay lang yan!"

"Kasi naman eh!"

"Sorry na Baby Riri Ko. Tara na! Balik na tayo sa school" aya ko sa kanya.

Ang saya ko na ganito kami eh! Parang dati lang ah! :D Hahaha. Puro kami away at payabangan. Ngayon hindi na. True Love na ito!

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon