(Yas's POV)
Kasama ko ngayon si Nixxieannie Claire at Dylan. Nasa park lang kami ngayon kung saan ako nakita ni Dylan dati nung tinakasan ko si Xiv sa mall.
"Yas oh!" sabay abot sakin ni Claire ng sandwich
"Salamat"
"Hmm, matanong ko lang sayo, Yas" panimula ni Claire
"Ano yun? Sige, tanong ka lang"
"Bakit si Xiv ang boyfriend mo? Marami namang iba dyan?"
"Hahaha, bakit sya? Ewan ko. Basta, mahal ko sya. Kahit na minsan di nya naa-appreciate yung mga ginagawa ko" sagot ko
"Mahal mo ba talaga sya?"
"Yup! Mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sya. Kaya nga kahit ganito ang sitwasyon namin ngayon, tinitiis ko eh"
"Tama na nga muna yang kwentuhan nyo. Kumain na muna kayo" saway ni Dylan samin
"Hahaha, oy si Dylan! Anong meron? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Claire sa kanya
"Wala! Basta, kumain na muna kayo at mamaya na kayo magkwentuhan, para naman mabusog kayo. Diba?" sabi ni Dylan habang sumusubo ng pasta"Hoy! Don't speak when your mouth is full" saway ko sa kanya. Kasi naman, nagsasalita sya habang puno ang bibig nya. Pasaway!
"Sorry naman po" sabi nya
"Ehem! Hahaha, oo nga! Mamaya na tayo magkwentuhan, Yas" sabi ni Claire sakin habang nakangiti na parang aso. May kakaiba talaga sa babaeng to. Anong meron?
"Anong nangyayari sayo, Claire? Para kang tanga dyan" sabi ko sa kanya
"Wala"Tumahimik na lang kami at kumain. Kasi naman si Dylan eh! Ang awkward tuloy. Ang tahimik namin, eh yung ibang tao na nasa park lang ang naririnig ko.
(Dylan's POV)
Sa totoo lang? Naiilang ako sa pinag-uusapan ni Claire at Yas kanina. Tsaka nag-aalala kasi ako na baka madulas si Claire at masabi nya kay Yas na gusto ko si Yas. Gusto nyong malaman kung paano nangyari yun? Matagal ko na talaga syang sinusubay-bayan. Kung hindi nya lang naging boyfriend si Xiv, paniguradong liligawan ko sya at siguro .. Kami na ngayon. Kaso, hindi eh! Naging sila ni Xiv at hindi ko naman sya pwedeng sulutin sa leader namin kasi baka bukas pag gising ko, eh nasa hukay na ko. Okay .. Ganito kasi yun.
FLASHBACK >>
"Pre, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Max. Sya kasi ang kasama ko. Hinigit pa ako kung saan-saan
"Basta! Sunod ka lang sakin"
"Baka naman kalokohan to ha?"
"Hindi ah! Dyan ka muna. May pupuntahan lang ako dun" paalam nya sakin
Gabi na rin yun at wala na masyadong tao na dumadaan. Nandito ako sa labas ng isang bar, sa ilalim ng puno. Napansin kong may babae dun. Akala ko nga white lady eh! Nakaputi kasi sya then I decided na kausapin sya.
"Miss?" tawag ko sa kanya pero nakatungo lang sya
"Ahh, sino ka?" tanong nya habang nakatingin na para bang nasisilaw
"Ahh, ako ang iyong anghel" sabi ko sa kanya. Hahaha, as if naman na maniniwala sya diba? Pagttripan ko lang naman"Ha? Anghel ka talaga?" tanong nya habang inaaninag parin ang mukha ko
"Pffft. Ahh, ehem. Oo, anghel talaga ako. Ako ang anghel mo at nandito ako para sayo"
"Talaga? Sasamahan mo ba ko ngayong gabi?" tanong nya
"Ahh, oo. Sure! Bakit wala kang kasama?"
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Novela JuvenilThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...