(Jae's POV)
Haaayy! Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na Vampire si Riri pati na rin ang mga kaibigan nya >__<
"Umagang-umaga! Lalim ng iniisip mo" sabi ni Max na may hawak na kape
"Ah! Wala lang toh!" Sagot ko.
"Wala lang pero seryosong seryoso ang mukha mo? Sige na Jae! Kwento mo na yan" pagpupumilit ni Max.
Haayy nako. Hindi titigil toh hangga't hindi ako nagkkwentoo sa kanya -___-"
"Okay .. Si Xiv kasi eh! Problemado padin sa date nya. Inaya nya si Gab, kaso mukhang ayaw ni Gab eh!" Kwento ko sa kanya. Gumawa na lang ako ng maikkwento dahil hindi ako tatantanan nito.
"Yun lang? Tss. Ako gagawa ng solusyon dyan!" Sabi nya habang taas'baba ang kilay nya
"Ano namang gagawin mo?"
"Secret!"
Pagkasabi nya ay umalis na sya. Nagkakainan na sila Gab pati na rin ang mga lalaki. Si Ria naman ay tulala habang sumusubo ng loaf bread. Di parin sya nakamove-on dun sa nalaman ko? Diba dapat ako ang tulala ngayon? O_o Corny ah! Lumakad ako papunta sa kanya kaso hindi nya talaga napapansin ang nasa paligid nya.
"Riri. Uy!" Tapos pinitik ko sya sa noo na ikinagulat nya
"Aray naman Ruru! Bakit? Ano yun?" Tanong nya habang himas-himas padin ang noo nya
"Riri. Usap tayo" tapos hinigit ko sya papunta sa may kwarto
"Oh. Andito na tayo sa kwarto. Ano ba o Sino ba ang pag-uusapan natin?" Agad nyang tanong
"Totoo ba yung nakita ko kagabi? Yung may ano, yung may---"
"May pangil ako? Oo totoo yun" pagdudugtong nya sa sinasabi ko.
"Seryoso?"
"Anong seryoso? Seryoso na may pangil ako? Gusto mo ulit makita?" Tanong nya sakin
"Luh? Hindi ah. Joke lang Uhm. Pwede magtanong?"
"Ano yun?"
"Anong feeling na Vampire ka?"
"Feeling? Hmm. Okay lang naman parang tao lang din. Kaso ang hirap lang kasi dugo ang bumubuhay samin. Sila Gab, Myx, Jem at Nix pati na rin si Lj ay kumakain na ng pagkaing pantao. Ako na lang ang hindi" paliwanag nya
"Ahh. Riri, yung sinabi ko nung nakaraan na ako na ang bahala sa dugo na kailangan mo? Seryoso ako sa alok ko"
"Eh? Seryoso?" Gulat nyang tanong
"Yep! Kukuhaan kita sa bloodbank. Ipangako mo lang na hindi kana ulit papatay ng tao"
"Ah sige!" Nakangiti nyang sabi
"Pero dapat, pag kailangan ko ng dugo. Ibibigay mo kaagad?" dugtong pa nya
"Eh?"
"Bakit? Ayaw mo?" Nakapout nyang tanong
"Hehe. Sige na nga"
"Ay? Napilitan lang?" Nakapout padin sya. Hahaha, ang cute nya talaga
"Hindi ah. Sabi ko. Opo master!"
"Hahaha Thankyou. Tara na. Kain ulit tayo!" Haaayy. Gutom talaga.
"Ruru. Katulad ng sinabi ko sayo. Keep it secret Kasi pag may nakaalam na Vampire kami. Baka patayin nila kami. Kaya please Itago mo na lang ang lahat ng nalalaman mo"
"Ah sige. Dont worry hindi ko naman ipagsasabi ang nalalaman ko eh"
"Good. Tara na!"
(Max's POV)
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Novela JuvenilThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...