(JN's POV)
Ah. Hello! Nahihiya talaga ako, lalo na kay Ria. Kasi kung ano-ano ang sinabi ko sa kanya eh! Tapos yung ano .. Haaay, hinalikan ko pa sya! Pero hindi ko rin naman kasi kagustuhan yun eh! Kailangan nya kasi makainom ng dugo. Wala naman akong mahanap na pangsugat sa kamay ko kaya kinagat ko na lang yung labi ko hanggang dumugo para makainom sya ng dugo at di na manghina. Pero sinabi ko rin sa kanyang gusto ko sya. Patay ako nito!
Nandito na kami ngayon sa bahay nila. Nagtagal kami sa gubat kasi hinintay ko pang bumalik ang lakas ni Ria kaya inabot kami ng gabi.
**At the House
"Okay kana ba?" tanong ni Gab kay Ria
"Ahh, oo. Okay na ako. Magaan na ulit ang pakiramdam ko. Salamat kay JN" Nakangiting sabi ni Ria sabay tingin sakin, kaya nginitian ko rin sya. Hindi ba sya galit sakin? Sana hindi.
"Salamat naman at okay kana" singit ni Jem
"Siguro kayong dalawa ang nakita ni Myx sa vision nya!" sigaw ni Nix
"Ha?" gulat na sabi ni Ria sabay baling kay Myx "Anong nakita mo sa vision mo?"
"Hmm, dalawang tao lang. Yung isa nanghihina tapos tinutulungan nung isa pa. Siguro nga kayo lang yun. Masyado ring malabo eh. Hindi ko masyadong maaninag" kwento ni Myx
"Akala ko ... Salamat naman" sabi ni Ria
"Bakit Ria? May nangyari ba na hindi namin alam?" tanong ni Gab
"Oo nga, meron ba?" pang-iintriga ni Nix
"Ha? Ah. Eh. Wala! Wala naman! Ano ba kayo. Ha-ha. Bakit kayo ganyan?" kabadong sabi ni Ria na nakangiting aso
"Talaga lang ha?" nakangising sabi ni Jem
"Oo nga! Wala nga" sagot ni Ria
"Si Ria naman masyadong kabado eh! Binibiro ka lang namin eh!" sabi ni Gab na tumatawa "At nga pala JN, gabi na din eh! Dito kana lang muna matulog. Agahan mo na lang ang gising bukas para makapagbihis ka sa bahay mo"
"Okay sige! Dito na lang ako sa sala" sabi ko sa kanya
"Hindi ka pwede rito. Baka gapangin ka pa ng iba dyan eh" sabi ni Jem sabay lingon kay Nix. Hahaha, nakakatawa talaga sya
"Eh saan naman ako matutulog?" tanong ko
"Ah dun ka na lang sa kwarto ko tapos tabi na lang kami ni Gab sa kama nya" pag-aalok ni Ria
"Sure ka?"
"Oo, okay lang sakin and besides tinulungan mo naman ako eh! Bawi ko na lang din to sayo" sabay ngiti nya. Aww, ang ganda naman ng ngiti nya. Sana lagi syang ganyan, nakakainlove eh.
"Okay, tama na! Maaga pa ulit tayo bukas. Magpahinga na tayo" sabi ni Gab
"Goodnight!" sabay-sabay nilang sabi
"Goodnight din!" sabi ko sa kanila tapos nagpuntahan na sila sa mga kanya-kanya nilang kwarto. Hinatid na muna ako ni Ria sa kwarto nya kasi nga nakakalito ang mga kwarto nila.
**At Ria's Room
"Oh eto nga pala ang room ko. Ingatan mo ha? Mahal na mahal ko to. Lalo na ang mga gamit na nandito" sabi nya sakin
"Hahaha, ang ganda naman dito. Malinis ka rin pala sa kwarto mo"
"Oo naman! Si Jem at Nix lang naman yata ang hindi masyadong malinis sa kwarto eh. Pero minsan, hindi ko rin to nililinis at si Gab na lang ang nag-aayos"
"Ganon?"
"Oo, minsan lang naman yun kapag tamad na tamad ako" nakangiti nyang sabi
"Sige na, punta kana sa kwarto ni Gab" pagtataboy ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Teen FictionThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...