Chapter 53- Rie? The Mysterious girl
(Ria's POV)
Nandito kami ngayon ni Rie sa room nya. Ang bait nya talaga! Hahaha :D Mukhang magkakasundo talaga kaming dalawa :) Pero ni minsan hindi sya sakin nabanggit ni Jae.
"Magkapatid ba talaga kayo ni Jae?" tanong ko sa kanya
"Hahaha. Oo naman! Hindi ba halata?" tanong nya sakin "Maganda kasi ako" dagdag nya pa kaya naman natawa na lang ako sa kanya
"Hahaha. Oo nga! Maganda ka" pagsang-ayon ko sa kanya
"Magkaiba naman kasi kami ng nanay. I mean, magkapatid lang kami sa ama" Nagulat naman ako sa sinabi nya. Half siblings lang sila?
"Sa ama lang?"
"Yup!"
"Ahh"
"Wait lang Ria huh? Kuha lang ako ng potato chips sa kusina. Dyan ka lang. Tingnan mo na muna ang laptop ko" paalam nya sakin tsaka lumabas ng kwarto nya. May napansin din pala ako saming dalawa :D Ria ang nickname ko tapos Rie naman ang sa kanya baka naman may Rii, Rio at Riu pa XD Haha. Ang cute lang pakinggan, kaya siguro nagkasundo agad kami kasi magkatunog ang name namin. Napansin ko na parang ang tagal ni Rie -____-" Baka naman kinain na yun ng ref! Lumabas ako ng kwarto nya para tignan kung ano na ang nangyari sa kanya. Kaso wrong move yata.
"Ahh. Ano .. May .. I mean, susundan ko lang si Rie" nauutal kong sabi habang nakatingin kay Jae
"I'm half naked. Kaya ka ganyan" nakangising sabi ni Jae. Tsk! Bakit ba kasi sya nakatopless? Siraulo ba sya? Tapos ang ganda pa ng tambay nya sa pinto ng kwarto nya eh katabi lang yun ng kwarto ni Rie.
"Hindi ah! Dyan kana nga!" paglakad ko nadulas ako. Putcha naman kasi eh! Basang-basa sya kaya tumulo yung tubig mula sa katawan nya papunta sa sahig.
"You're okay?"
"Tinatanong pa? Ikaw kaya madulas? Ano ba naman kasing katangahan ang trip mo at lumabas ka ng basa? Ayan! Nadulas tuloy ako!" sigaw ko sa kanya habang nakasalampak padin sa sahig. Tumawa naman sya.
"Halika na nga!" binuhat nya ko na parang sa newly wed
"Hoy! Ano ba!"
"Wag kang magulo baka akalain ng mga tao dito eh inaano kita" napatahimik naman ako sa sinabi nya "You're blushing" sabi nya at ngumiti sakin
"Tss"
Binuhat nya lang ako at inilapag sa kama ni Rie. Nakakahiya talaga yung nangyari kanina eh! Tsk. Nadulas ako! Nakakawala ng poise eh!
"Masakit pa ba yang pwet mo?" tanong ni Jae, Wow huh?! Talagang tinanong pa!
"Malamang, tss" pagtataray ko sa kanya
"Haha. Alam mo? Kahit na ang taray mo ngayon, mahal parin kita" sabi nya na sya namang ikinatibok ng puso ko. Dugdug. Dugdug. Ano ba namang puso toh!
"O-okay. Ah ano .. Magbihis kana nga!" pagtataboy ko sa kanya. Baka kasi marinig nya ang tibok ng puso ko eh!
"Haha. Sige! Mamaya na lang" umalis na sya at naiwan akong nakatanga lang dun. Bakit ganon? Galit ako sa kanya eh! Pero bakit lumalambot ang puso ko kapag may ginagawa syang sweet sakin?
"Oy! Tulalang babae!" sabi ni Rie at kinaway-kaway ang kamay nya sa mata ko
"Ahh. Nakabalik kana pala!"
"May kinausap lang kasi ako kanina -- yung maid namin. Sabi ko maggrocery mamaya. Kasi mauubos na naman ang laman ng ref. Nga pala! Bakit ka tulala dyan?"
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Novela JuvenilThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...