(Nix's POV)
Masama ang pakiramdam ko >.< Yun lang ang masasabi ko sa ngayon. Ang tanga naman kasi ni Ace eh! Ano bang problema nya at iniwan nya ko sa playground? Pauwi na ko kanina ng biglang bumuhos yung ulan. Tumakbo na lang ako ng mabilis para hindi mabasa kaso walang talab eh! Inabutan padin ako ng ulan. Tsk! Pag naaalala ko yung nangyari kanina, naiirita lang ako eh!
Teka. Parang ang lambot yata ng hinihigaan ko? Nasan ako? Nagmulat ako ng mata at nakita ko na nasa isa akong kwarto. Teka paanong? Ah. Oo nga pala nawalan ako ng malay kanina.
"Gising kana pala eh! Ano? Ayos kana?" tanong ni Ace -___-" Bat nandito sya? Tsk.
"Ano naman sayo kung hindi pa ko ayos?" pagtataray ko sa kanya
"Tinatanong ko lang! Tsaka masama bang mag-alala sa Girlfriend ko?" Natigilan ako sa sinabi nya. Girlfriend?
"Ha-ha-ha. Girlfriend? Talaga lang huh? Diba't hindi naman totoo na mag-on tayo?!"
"Bakit?! Gusto mo ba totoo?" tanong nya sakin. Ano nga bang gusto ko?
"Hahaha. Totoo? Tototohanin mo? Eh simpleng pagbabantay nga lang sakin hindi mo magawa eh! Hinayaan mo pa kong mabasa ng ulan! Wala kang kwentang Boyfriend! Wala! Iniwan mo kong mag-isa dun! Hindi mo man lang inisip kung anong mangyayari sakin kapag iniwan mo ko dun! Paano kung narape ako? Paano kung may pumatay sakin? Paano kung naligaw ako? Hindi mo ba naisip yun huh? Ngayon mo sabihin sakin? Worth it ba na naging boyfriend kita? Worth it ba?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ko
"Nix" tawag nya sakin. Hindi na ko makapagsalita dahil hikbi na ko ng hikbi "Sorry Nix. Hindi na mauulit yun" sabay yakap nya sakin ng mahigpit, patuloy pa din ang agos ng luha ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? I feel safe with him.
Pagkatapos ng madrama naming scene. Tumayo na sya at kumuha ng damit ..
"Chichi ko. Eto damit oh! Suotin mo na muna. Basang-basa ka kasi eh! Sige labas na muna ako para makapagpalit ka" lalabas na sana sya kaso pinigilan ko sya
"Dito ka lang. Sa Cr. na ko magpapalit" ngumiti naman sya sakin at umupo dun sa kama. Pumasok naman ako dun sa Cr at nagpalit. Ang laki nung t-shirt eh! Hahaha. Pero ang sarap sa pakiramdam na nakapagpalit na ko
"Eto na" sabi ko sa kanya
"Ayan! Buti naman at nakapagpalit kana. Chichi ko, Sorry nga pala dun sa nangyari kanina huh? Di ko na uulitin yun" sabi nya. Sincere naman yung pagsosorry nya eh! Sige na nga. Papatawarin ko na sya
"Sige na Ace. Pinapatawad na kita" sabi ko at tumabi ako sa kanya sa kama
"Nix?" tawag nya sakin
"Yep? Ano yun?"
"Pwedeng usap tayo ng seryoso?"
"Uhm. Sige! Ano ba yun?"
"Make our Relationship Real" Huh?! Anong sabi nya?
"Ano yun Ace?" tanong ko ulit sa kanya
"Sabi ko. Totohanin na natin tong Relationship natin. Kung okay lang sayo"
"Ah Kasi .. Ano eh"
"Di mo naman kailangan na magmadali eh! Okay lang sakin kahit matagalan. Kung kailan ka na lang ready :)" Haayyss. Di ko alam ang isasagot ko sa kanya eh!
"Ok. Payag na ko" nanlaki naman yung mata nya
"Sure ka?"
"Yep"
"Weh? Talagang talaga?" tanong nya ulit. Kulit ng lahi nito ah!
"Yep! Ang kulit mo!"
"Nix. May aaminin ako sayo"
![](https://img.wattpad.com/cover/7552490-288-k685823.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Teen FictionThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...