Chapter 54- Wrong thoughts
(Jem's POV)
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko :( Mahal na mahal ko talaga si Max eh! Pero wala eh! Kailangan kong makipaghiwalay sa kanya. Bakit kasi sila pa ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga kasamahan namin eh! Bakit kung sino pa ang taong mahal mo yun pa ang dahilan ng pag-iyak mo.
"You really love him, right?" tanong ng isang stranger
"Yeah, I do loved him. Pero kailangan ko syang layuan eh! He'll give me harm"
"Harm? Bakit naman?"
"Basta" Teka nakikipag-usap ako sa isang stranger? "Pangalan mo?"
"Arthur, just call me Art" then he smiles at me "Friends" then he extend his hand
"I'm Jamicha Evelyn Mashia, Jem for short. Sure" tapos nakipagkamay ako sa kanya
"If you dont mind me asking, what's reason why you broke up with him?"
"Hmm, Revenge"
"Revenge? Bakit naman?"
"Kasi sinaktan nya ko dati kaya gusto ko this time sya naman ang masaktan ko, gusto kong gawin ang ginawa nya sakin dati" huminto ako saglit at pinag-isipan ang sasabihin ko "Pero. Mahal ko talaga sya eh! Mahal na mahal ko sya. Nagkamali ako. Akala ko magiging masaya ako pag nasaktan ko sya, hindi din pala. Akala ko makakapaghiganti na ko pag nakipagbreak na ko sa kanya. Mali pala. Kasi lalo lang akong nasasaktan pag nakikita syang nasasaktan. Art, maling-mali ako sa ginawa ko sa kanya" then my tears starts to fall
"Sige lang Jem, iiyak mo lang yan" sabi nya sakin at niyakap ako.
(Max's POV)
Pumunta ako sa likod ng school namin para magpahangin sana kaso nakita ko si Jem. Lalapitan ko sana sya eh! Kaso may nauna na sakin na asungot -____-" Pinakinggan ko lang ang pag-uusap nila ..
"If you dont mind me asking, what's reason why you broke up with him?" tanong nung asungot
"Hmm, Revenge"
"Revenge? Bakit naman?"
"Kasi sinaktan nya ko dati kaya gusto ko this time sya naman ang masaktan ko, gusto kong gawin ang ginawa nya sakin dati" Finally I heard it. Automatic akong lumakad palayo. Ang sakit pala na marinig yun sa taong mahal mo, na gumaganti lang pala sya ngayon sayo dahil sa ginawa mo dati na di naman sinasadya. Ang sakit sakit!
Seryoso na ko sa kanya eh! Mahal na mahal ko sya eh! Pero bakit nya ginagawa toh sakin? Sana pala hindi ko na lang sya minahal. Sana pala ganon na lang. I will be a Casanova again.
"San ka galing pre?" tanong sakin ni Xiv nang makasalubong ko sa hallway
"Wala. Aalis na ko. Punta akong bar, sama ka?"
"Wag na, may pupuntahan ako mamaya eh!"
"Sige! Kung susunod ka, text mo na lang ako"
"Okay"
Lalakad na sana ako paalis nang makita ko si Jem na naglalakad papunta sa kinatatayuan ko at katawanan nya pa ang asungot. Tsk.
Papalapit sila ng papalapit at bago pa man makalingon si Jem, hinigit ko na ang malapit na babae sakin at tsaka hinalikan.
"How disgusting, dito pa talaga" narinig kong sabi nung asungot
"Tara na Art. May pupuntahan pa tayo" sabi ni Jem at umalis na sila, humiwalay na naman ako sa babaeng hinalikan ko
"Para saan yun?" tanong sakin nung babae
"Sorry kung hinalikan kita. Haha, trip ko lang yun. Sige! Alis na ko"
"Teka!" rinig kong sabi nung babae pero hindi ko na lang pinansin at tumakbo na palayo ..
--
"Penge nga ng 2bote ng beer" utos ko dun sa bartender
"Pero sir, bawal kasi eh! Menor de edad pa lang kayo"
"Tsk. Bibigyan mo ba ko o ipapasisante kita?"
"Pero--"
"Pakitawag nga ng may-ari nitong bar! At ipapatanggal kita ngayon din!" tumango naman yung bartender at umalis para siguro tawagin ang owner nito. Tsk. Kitang badtrip ako eh! Babadtrip'in pa ko lalo. Makaraan ang ilang minuto, bumalik yung bartender.
"Yan po Miss yung nagpapatawag sa inyo" sabi nung bartender. Babae pala ang owner nito? Pagkaharap nya.
"Ikaw?!" sabay naming sabi
"Magkakilala po kayo?" tanong nung bartender samin
"Hahaha. Oo naman. Leave us alone, mag-uusap lang kami" utos ni Rie sa kanya
"Kailan ka pa nakauwe?" tanong ko sa kanya
"Secret! Ikaw pala yung siraulong umuorder ng beer" sabi nya sabay kutos sakin
"Ouch! Rie naman eh!"
"Ano bang mga problema nyo huh? Pati si Jae nagkakaganyan eh! Naghiwalay din kayo ni Jem?" tanong nya
"Huh? Hala ka! Paano mo--"
"Paano ko nalaman? Simple lang, kasi ... Secret!"
"Rie naman eh! I miss you bunso!!" at niyakap ko sya ng mahigpit at ginulo ko ang buhok nya
"Stop it Max! Hindi na ko bata!" sabi nya at inayos ang buhok nya na ginulo ko "So, tama ako? Na nagbreak din kayo?"
"Yeah. Hindi lang naman ako eh! Kaming lima"
"Hahahaha. Ayan! Mga loko kasi kayo eh! Kinakarma na tuloy kayo"
"Rie naman eh! Nga pala! Ikaw ang may-ari nitong bar? Teka, kailan pa?" tanong ko sa kanya
"Matagal na! Di nyo lang talaga alam. Hahaha"
"Ganon? Gusto mo tawagan ko si Xiv, Ken at Ace?"
"Sige ba! Miss ko na din sila eh"
"Wait lang"
Lumabas ako saglit ng bar para makontak sila Xiv kaso parang wrong move yata? Tsk.
"Sya yung kanina diba? Sya ba yung Max?" tanong nung asungot kay Jem at talagang nakaturo pa sakin. Psh.
"Yeah, tara na nga Art! Ang sama ng hangin dito eh!" sabay hila ni Jem kay asungot
"Wait Jem!" at hinawakan ko sya
"Do I know you?" tanong nya sakin ng walang emosyon ang mukha
"Sorry" nakatungo kong sabi
"Sorry for what? Eh hindi naman kita kilala" Ouch! :( Hindi nya daw ako kilala
"Ah. Okay" tsaka ko binitawan ang braso nya
"Max!" biglang may sumigaw sa likod ko. Si Rie pala "Ano na? Nakontak mo na ba sila Xiv?" tanong nya ng makalapit sakin "Opps, may kausap ka pala! Hello!" bati ni Rie kila Jem
"Hi. Miss, boyfriend mo ba toh? Ingat ka dito huh? Manloloko yan" sabi ni Jem at umalis na
"Ano? Okay ka lang?" tanong sakin ni Rie nang makaalis na si Jem
"Uhm, okay lang yata?"
"I know you're not. Ako na lang tatawag kila Xiv" tapos inagaw nya sakin ang phone ko. Bakit ganon? Gusto kong magalit kay Jem pero hindi ko magawa. MANLOLOKO? AKO? Kailan ko sya niloko? Eh wala nga akong nilanding babae habang kami eh! Kasi alam ko na magagalit sya. Yung acquaintance namin, hindi naman ako ang lumandi eh! Yung babae yun. Tsk. Iniwasan ko naman diba? Kaya ngayon nyo sabihin! Manloloko ba ko?
"Tara sa loob. Susunod na daw sila Xiv dito"
"O-okay"
Sumunod lang ako kay Rie sa pagpasok. Nakakainis talaga!
(an: Konting kendeng na lang :) Salamat sa suporta! Naappreciate ko talaga yung mga comments nyo. Nakakataba ng puso ♥ Who's Arthur? at ano ba talaga ang role ni Hershey Rie sa story na toh? Ano-ano ba ang alam nya? Find out! Vote, Comment and be FAN)

BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Teen FictionThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...