(Myx's POV)
Pabalik na kami ni Gab ng classroom nang bigla kaming harangin ni Ken at Xiv. Luh? Problema naman kaya nitong mga toh?
"Bakit?" tanong ko sa kanila
"Mag-uusap tayo" sabi ni Ken
"Tayo din Gab, may pag-uusapan" sabi naman ni Xiv kay Gab. Pumayag si Gab kaya naman pumayag na din ako kay Ken
"Sumunod ka sakin" sabi ni Ken at nagsimulang maglakad kaya naman sumunod lang din ako sa kanya
"San ba tayo pupunta?" tanong ko pero hindi nya ko iniimik kaya naman nanahimik na lang ako kesa naman sa dumaldal ako dito eh hindi nya naman ako pinapansin -____-"
Nakarating kami dun sa likod na parte ng school namin.
"Myx, hindi na ba talaga pwede? I mean, yung tayo? Hindi na ba mababalik yun?" seryoso nyang tanong sakin. Natameme naman ako sa sinabi nya kasi yun na yun yung gusto kong sabihin sa kanya. Buti na lang at nagmula na sa kanya yun.
"Ken, yan ang kanina ko pa gustong sabihin sayo eh! Na--" nainterrupt ang pagsasalita ko nang may biglang sumigaw
"KEN!" sigaw nung babae. Wait! Kilala ko toh eh! Yung kasama ni Ken nung ibinalik nila yung hairpin ni Ria! Tama sya nga yun. Hershey Rie? Yun yung name nya diba?
Lumapit naman sya samin at inakbayan nya si Ken -___-" Tsk.
"What's going on here?" tanong nya samin
"Wala naman Rie! May pinag-uusapan lang kami" sabi ni Ken "Ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong ni Ken sakin. Medyo nag-init yung ulo ko. Kaya iba na ang lumabas sa bibig ko.
"Sabi ko! Hindi na pwede! Ayoko na. Okay? Happy? Masaya kana naman sa bago mong girlfriend eh! Peste! Geh, una na ko sa inyo!" sabi ko sa kanila at tinalikuran ko na sila. Sinisigaw pa ni Ken ang pangalan ko pero hindi na ko lumingon pa. Dahil tuloy-tuloy na yung luha ko sa pagpatak.
Nakita ko yung back gate namin kaya naman lumabas na ko. Ayoko nang manatili pa dito sa school na toh. Hangga't maaari! Baka kasi lalo lang akong masaktan sa mga maaari ko pang makita. Habang naglalakad ako pumapatak padin ang luha ko, malabo na nga ang paningin ko dahil sa mga namumuong luha sa gilid ng mata ko eh! Hindi ko pinapansin ang nasa paligid ko. Wala na kong pakialam.
"Miss!"
"Oy! Miss!"
Di ko alam kung sino yung sumisigaw. Wala akong balak lingunin sya.
"Miss! Look out!"
Bago pa ko makalingon may sasakyan nang paparating sakin. Natali ako sa kinatatayuan ko and the next thing i know is .. It's all turned into black.
(Ken's POV)
"Anong problema nun? Tsaka new girlfriend? Sino yun? Ako ba? Hahahaha" pang-aasar ni Rie sakin. Tsk, kasi naman eh!
"Bakit kaba kasi biglang dumating?"
"Wala lang naman, nagddrama si Max eh! Kaya bumalik na ko dito, and I saw you kaya naman tinawag kita. May kausap ka pala. Hehe :D Sorry"
"Wrong timing ka naman kasi eh! Napagkamalan ka pa tuloy na girlfriend ko"
"Hahaha, girlfriend mo naman ako ah! Dati nga lang. It means EX mo na ko"
"Tama na nga yan Rie! Tara na" hihigitin ko na sana si Rie nang may biglang tumawag sa pangalan ko at hapong-hapo pa!
"Ken! Diba ikaw si Ken?" tanong sakin ng isang lalaki na naghahabol ng hininga
"Yeah, anong problema?"
"Girlfriend mo si Myx Perez diba?"
"We're not couple at all. Oh ano?"
"May nangyari sa kanya!" nabingi ako sa sinabi nung lalaki at natulala ako
"Ano? Pakiulit nga"
"May nangyari kay Myx"
Nagsimula na kong magpanic nang marinig ko na may nangyari kay Myx "What happen to her?"
"Sumunod kayo sakin"
Sumunod naman kami ni Rie sa kanya at nakakita kami ng tumpok na tao. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan akong malaman kung sino ang pinagkakaguluhan ng tao.
"Tabi! Tabi kayo dyan" sabay hawi nung lalaki sa tumpok ng tao. Lumingon naman sila sa amin at binigyan kami ng daan. Nakita ko si Myx. Kitang-kita ko sya.
"Oh God!" sabi ni Rie at napatakip ng bibig. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa nakikita ko. Si Myx, nakasalampak sa kalsada at naliligo sa sarili nyang dugo.
"Ken, ano?! Hindi mo ba sya tutulungan?" sabi ni Rie at kinuwelyuhan ako. Hindi parin ako makapaniwala na nakikita ko si Myx na ganito.
"Tabi!" sigaw ko sa nakapaligid sa amin. Dahil siguro sa takot nila ay gumilid sila. Binuhat ko naman si Myx at nagsimulang maglakad
"Dude! Wag mo syang buhatin. Baka may injured bone sya at lumala" sabi sakin nung isang lalaki
"Who do you think you are to command me huh?!" singhal ko sa kanya, hindi naman sya nakasagot at nalaman kong sya ang nakabangga kay Myx kaya naman nag-init ang ulo ko "So you're the reason why my girlfriend was lying on that stupid floor? You hit her with your damn car?!"
"Sorry, hindi ko sinasadya"
"Sumunod ka samin! Hindi pa ko tapos sayo!" sigaw ko sa kanya
Bumalik ako ng school at sinakay ko si Myx sa kotse ko. Pinasunod ko na lang din sila Gab sa ospital na pinagdalhan namin.
"What happen sir?" tanong sakin ng nurse
"Nabangga sya ng sasakyan. And will you please stop asking? Ipunta nyo na muna sya sa Emergency Room!"
"Ah. Opo! Opo sir" umalis na yung nurse at inasikaso na nila si Myx
"Why did you do that?" tanong ko dun sa lalaking nakabangga kay Myx
"Dude, hindi ko naman sinasadya eh! Aksidente ang lahat. Bigla na lang kasi syang dumaan eh! Tapos ayun, nabangga ko sya"
"Tanga kaba?! Edi dapat inihinto mo yang p*t*ang*n* mong kotse diba? Nasan ang utak mo?" Hindi na ko nakapagpigil at sinapak ko sya "May mangyari lang na masama sa magiging asawa ko, magkikita kayo ng maaga ni San Pedro!"
(CCM's POV)
I'm on my way home :) Namimiss nya na kaya ako? Kasi ako sabik na sabik na kong makita sya eh!
"Welcome home Miss. Charity Chiya Myn. How's your flight?" tanong ng isa sa mga katiwala namin sa bahay
"It's fine. Where's mom and dad?"
"In study room. But I think you need to take a nap"
"Nope! I'm okay"
Pinuntahan ko naman si Mom and Dad at nag-uusap lang silang dalawa.
"Hi!" bati ko sa kanila
"Oh baby, how are you? It's been a long time since we met" sabi ni mom at yumakap sakin
"I'm still pretty. Haha :D And yeah I'm fine. How's your life mom?"
"Haha, fine my dear. Take a rest baby; I know you're tired of your flight"
"Yeah, thanks mom and by the way. Hi dad, nice to see you after all this years"
"Me too"
After ng conversation namin ay pumunta na ko ng kwarto ko :) Wala silang ginalaw sa kwarto ko at halos ganon padin ang ayos simula nung umalis ako. Nakadikit padin sa pader yung mga picture namin together ni Xiv :) Haaay, kamusta na kaya sya? I hope he's fine. Hmm, puntahan ko kaya sya sa school nya? Ay! Baka naman busy? Hmm, final na talaga! Pupunta ako sa school namin dati :)
(an: Hi! Remember Charity? Omegesh! She's back. What will happen next? Tsaka ano na bang mangyayari kay Myx? :O Mamamatay na ba sya? Let's see! Vote and Comment for the next chapter to Epilogue! This will be ended soon)
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Ficção AdolescenteThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...