(Xiv's POV)
"Babe, nagpaalam pala ako kay mom na sa bahay mo muna ako matutulog ngayon. Pinayagan nya naman ako. So, makikitulog ako sa bahay mo ha?" sabi ni Yas habang kumakain ng pizza
"Ha? Pero babe. Hmm, kasi ano. Matutulog kasi sila Ken sa bahay mamaya eh! Tapos matutulog ka rin sa bahay? Ng ikaw lang ang babae? Hindi naman ako papayag nun baka kasi kung ano ang gawin sayo ng mga gagong yun. Alam mo naman yata ang mga ugali ng mga tukmol na yun diba?" sabi ko sa kanya
"Pero, Xiv.. Ngayon lang naman eh! Tsaka, pumayag na nga si mom eh! Sige na?"
"Hindi talaga pwede, Yas. Alam mo na, baka may ibang gawin sayo yung mga mokong na yun. Alam mo naman na concern ako sayo, diba?"
"Pero, kilala naman ako nila Jae, Ace, Ken at Max ah! Hindi naman yata nila gagawin sakin yung mga sinasabi mo?" nakapout nyang sabi
"Trust me, Yas. Hindi mo pa kilala yung mga yun"
"If you say so. Sige na nga, next time na lang" malungkot nyang sabi
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"
"Kasi naman eh! Minsan na nga lang, hindi pa matutuloy" pagmamaktol nya
"Okay lang yan. May next time pa naman diba?"
"Oo na! Basta pag dumating ang time na yun. Matutuloy na ang pagtulog ko sa bahay mo. Sana"
"Okay, kumain kana muna dyan"
Haaay, naubusan ako ng palusot dun ah! Si Miya naman kasi eh! Matutulog din sya sa bahay at nauna na kong naka-oo sa kanya. Kaya sya muna ang pagbibigyan ko. Next time na lang si Yas. May next time pa naman eh. Oy, di ako babaero ha? Sadyang lapitin lang talaga ng mga babae. Alam nyo na? Gwapo eh!
"Babe?" tawag ni Yas sakin
"Yes? Ano yun?"
"Hmm, labas ulit tayo bukas ha?"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Basta! Ako na ang bahay dun. Sama ka na lang" sabay kindat nya sakin
"Sige, payag naman ako! Basta ikaw" at hinawakan ko ang kamay nya
(Yas's POV)
Nandito kami ngayon ni Xiv sa mall. Ayaw nya kasi dun sa bahay nya eh. Ano kayang meron dun? Wala naman kasi kamingn gagawin dito sa mall eh.
"Babe, punta tayo dun oh! Bibili kita ng teddy bear" sabi nya sakin. So, tumango na lang ako para malaman nyang oo ang sagot
**Hear at bear's store
"Ano bang gusto mong color?" tanong ni Xiv sakin habang namimili sa mga bear
"Di mo alam ang favorite color ko?" taka kong tanong sa kanya
"Eh kasi nakalimutan ko. Wait lang, blue ba?"
"Hindi"
"Yellow?"
"Hindi"
"Violet?" tuloy-tuloy parin sya sa panghuhula
"Hindi rin"
"Pink?"
"Yung totoo? Alam mo ba talaga?" tanong ko
"Hehehe. Eh ano ba?"
"Pati ba naman ang favorite color ko. Favorite color natin, nakalimutan mo? Baka naman pati anniversary natin nakalimutan mo rin?" medyo naiinis na ko. Lahat na lang kasi kinalimutan eh
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Teen FictionThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...