Chapter Eleven Part Two~First Day At Detention

7.3K 166 6
                                    

(Gab's POV)

* Dismiss *

Yes! Finally di ko na makikita ang pagmumukha nung gago na yun. Makakalabas na kami sa room na to at di na namin makakasama ang mga gago dyan sa tabi-tabi.

"Haay, salamat at nakalabas na tayo dun! Grabe ang tensyon nyo kanina ah, gusto ko sana sumali kaso wala akong ka-away dun tsaka an--" naputol ang sinasabi ni Jem nang magsalita si Myx.

"Tahimik ka nga muna dyan, Jem. Kalalabas lang natin ang daldal mo na naman" sabi ni Myx. Haha, oo nga naman. Ang sakit kaya sa ulo nung mga yun. Makakauwi na rin kami sa wakas!

Humanda talaga sakin yung gagong Xiv na yun! Epal talaga kahit kailan eh! Ugh, kung hindi ako nakapagtimpi baka nakabulagta na yun.

Finally! We're home after a long hours of waiting sa detention room and it feels nice to be here!

"Hey girls! Kamusta naman ang first day of school ninyo?" tanong ni JN na kadarating lang. Haaay, kung alam lang nya kung ano ang nangyari, ang saklap!

"Haha, ayun ang saya naman ng first day namin" sabi ni Myx

"Sa loob ng detention!" sabay sabay naming sabing lima

"Hehe, pasyal ka minsan pag nakapasok ulit kami dun" ngising sabi ni Nix

"Nix!" saway ni Ria

"Chill guys! Joke lang naman yun, hehe. Syempre di na tayo babalik dun no'?!" sabi ni ni Nix at kumapit sa braso ni JN

Hmm, what's the meaning of that? Hmm.

"Magluto kana, gutom na ko." sabi ni Ria kay JN sabay walk-out palabas. Teka muna? Di naman sya kumakain nang pang tao na food ah? Baka dugo pa ng tao, pwede pang i-consider.

"Ako rin, gutom na" sabi naman ni Myx

"Yeah, me too" singit ko. Nagutom talaga kami sa loob ng isang araw na walang ginawa kung hindi ang magbangayan. Naalala ko na naman yung mga gagong yun. Tss, kaasar talaga sila. I swear!

(RIA's POV)

Tsk. Kanina pa ako naglalakad dito sa gubat, wala man lang akong mahanap. Gutom na ako or should I say .. uhaw? Di naman ako kumakain nang mga kinakain nila eh!

Wala masyadong tao dito. Hmm, malamang sa malamang kumakain na sila Gab ngayon. Buti pa sila nakakakain ng pagkain ng mga mortal. Eh ako? Hanggang chewing gum lang ba talaga?

Ang sakit na talaga ng ulo ko. Saan ba ko makakahanap ng dugo? Tell me! Nahihilo na ko, ilang araw na akong hindi nakakatikim ng dugo. Bwiset na buhay to.

"Ria?" nagulat ako nang may biglang nagsalita. Pagkalingon ko, nakita ko si JN.

"Oh, bakit?" cold na tanong ko.

"Hmm, anong ginagawa mo dito?" tanong nya. Duh? Baka naglalaro akong hide and seek. Baka lang naman. Tsk.

"Tsk. Malamang naghahanap ng makukuhanan ng dugo. Hindi ba halata? Ano bang klaseng tanong yan?" painis kong pahayag. Nanlabo ang paningin ko at nanlambot ang mga tuhod ko.

"Uy, ria? Ayos ka lang ba?" tarantang sabi ni JN sabay akay sakin

"Nanghihina na talaga ako JN, kailangan ko na ng maiinom" mahina kong bulong sa kanya

"Ah, ria? Dugo ko, pwede. Inumin mo ang dugo ko para makatulong sayo" sabi ni JN. Masarap ba dugo mo JN? Ay, putek. Bakit ba ganito ang iniisip ko?! Nakahawak na ko sa braso nya kasi hinang hina na ko at halos di na makagalaw. Kahinaan ng mga bampira ang hindi makainom ng dugo.

"Gago! Pa-paano kung mapa .. ha .. mak ka? Nahi .. hibang kana ba?" putol putol kong usal. Di na talaga kaya ng katawan ko kaya naman napakapit ako ng mahigpit sa damit ni JN.

"Oo! Gago na kung gago pero di ko kayang may mangyari sayo! Kasi ... GUSTO KITA! Oo, gusto kita. Narinig mo ba yun?!" Ha? Ano daw sabi ni JN? Di ko masyadong naintindihan yung sinasabi nya.

"JN, uy JN" tawag ko sa kanya. Naghahanap sya ng bagay na pwedeng ipangsugat sa kamay nya pero wala syang makita. Tinitignan nya ko ng mataimtim. Oh, para saan naman yun? Akala ko ba tutulungan nya ko? Pinilit kong imulat ang mga mata ko then I saw him biting his LIPS?! Kinagat nya yung labi nya hanggang sa dumugo. Uy, sayang yung dugo. Ang bango ng dugo nya ... gusto kong tikman.

"Ria, inumin mo na dali!" sabi nya na halata namang nasasaktan sa ginagawa nya

"Ayoko! Di ko kaya" painis kong sigaw. Pero -- di ko na talaga kaya. Ang bango ng dugo ni JN.

Unti-unti syang lumapit sa mukha ko hanggang sa lumapat ang labi nya sa labi ko pero imbis na mainom ko ang dugo nya, ginalaw nya ito at tsaka ko napagtanto na habang iniinom ko ang umaagos na dugo sa labi nya ay di ko namamalayan na hinahalikan nya na ako.Damn it! Di ko alam kung ano ba yung masarap. Yung dugo nya ... o yung halik nya.

(MYX's POV)

Wow! Ang sarap talaga magluto ni JN kahit kailan eh. Hmm, nga pala. Nasaan na kaya si JN at Ria? Kanina pa sila nawawala.

"Hey, nandyan na ba si Ria?" tanong ni Gab

"Wala pa eh" sagot ni Jem

"Saan na kaya nagpunta yun? Anong oras na eh! Kanina pa sya nawawala ah" nakapameywang na sabi ni Gab

"Hmm, baka naman magkasama na sila ni JN? Baka hinanap nya si Ria?" singit ko

"What do you mean?" taas kilay na tanong ni Gab

Bigla akong natigilan. Yung vision ko. Hmm, bakit kaya?

"Myx? Bakit?" nag-aalalang tanong ni Nix

Hindi ako nagsalita. Puro puti lang ang nakikita ng dalawa kong mata. Diretso lang ang tingin ko at pinipilit aninagin ang nakikita ko hanggang sa .. nagdilim ang paningin ko at tuluyang nawalan ng ulirat.

"Myx!" pagmulat na pagmulat ko si Gab agad ang nakita ko

"Letche naman Gab, aatakihin ako sa puso sa sigaw mo" gulat na sabi ko

"Anong nakita mo sa vision mo? Panganib ba?" usisa ni Jem

"Hmm, hindi eh. Parang .. parang .. Ewan ko, di ko gets kung ano eh. Basta parang dalawang tao yung nakita ko? Yung isa nanghihina tapos biglang may dumating na tao at tinulungan sya. Ewan! Basta yun lang, medyo malabo talaga" saad ko sa kanila

"Hmm, mukhang di lang sa panganib yan ah .. Hmm" sabi ni Gab

May point naman sya dun pero di ko talaga maaninagan yung nakita ko eh pero soon malalaman din namin kung ano at sino yun pero parang may duda na ko kung sino yun.

(An: Edited version)

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon