Chapter 52~ Break Up's II

3.3K 69 0
                                    

Chapter 52~ Break Up's II

(Ace's POV)

Ang sakit nung pagkakasapak sakin ni Nix. Pero aminado naman ako eh! Kasalanan ko! Tama lang siguro na sinapak nya ko, kasi ang bastos ko. Di ko man lang sya nirespeto. Hindi ko dapat ginawa yun sa kanya eh! Kasi dapat ang babae ay nirerespeto.

"I'm breaking up with you"

"I'm breaking up with you"

"I'm breaking up with you"

"I'm breaking up with you"

"I'm breaking up with you"

Paulit-ulit yan sa isipan ko. Hindi ako makapaniwala na maghihiwalay kami ng basta-basta. Hindi ko maisip na may ginawa akong mali sa kanya. Ginawa ko naman ang lahat eh! Ano pa bang pagkukulang ko? Wala naman yata eh! Meron pa ba? Tell me! Meron ba kong pagkukulang?

"Hindi ka rin ba makapaniwala?" tanong sakin ni Jae

"Yeah! Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari toh. Ang alam ko naman wala kaming problema eh! Tapos ganto? All of the time pinaglalaruan nya lang pala ako? Ha! Ang galing nya!"

"Ako din eh! Akala ko si Ria na talaga ang para sakin tapos malalaman ko na pinaglalaruan nya lang din pala ang feelings ko" pahayag na Jae. Nanahimik na lang kami pareho, walang gustong magsalita dahil pareho kaming nasasaktan. Si Xiv, Ken at Max umalis, hindi namin alam kung san ang punta ng mga yun.

"Nakausap mo na ba si Ria tungkol dito? Na kung ano talaga ang totoong dahilan? Kasi alam ko sa sarili ko na mahal nila tayo eh! Alam kong may mas malalim na dahilan kung bakit nila toh ginawa satin. At yun ang gusto kong malaman" sabi ko kay Jae, napag-isip naman sya sa sinabi ko.

"Sa tingin ko din eh! Pero ano naman kaya yung pesteng dahilan na yan?! At bakit kailangan pang madamay ang relationships natin?"

"Let's find"

Tumayo kaming dalawa at naglakad sa hallway ng Elite High. Katulad ng dati, nagtitilian na naman ang mga babae at alam na nga ng buong Elite Students na break na kami ni Nishaline at nung iba pa.

"Ang bilis talaga kumalat ng balita" bulong sakin ni Jae

Napansin naman namin na nagkukumpulan ang mga estudyante at nagtatawanan.

"Anong meron?" takang tanong ni Jae

Nang makita kami ng mga estudyante ay nagulat sila at nahati sila. Nakita namin si Ria "What happen to you?" tanong ko sa kanya

(Jae's POV)

"What happen to you?" tanong ni Ace kay Ria pero hindi naman ito sumagot at nagpagpag ng sarili nya. Tinalikuran nya kami at nagsimula nang maglakad. Di ko sana sya susundan kaso nakonsensya ako sa itsura nya. Puro harina ang buhok nya at may mga basag na itlog pa sa uniform nya.

"Ace saglit lang" paalam ko kay Ace at sinundan si Ria. Nang mapantayan ko ang paglalakad nya ay binitbit ko sya. Yung paa nya ay hawak ko. Yung upper part ng katawan nya ay nasa likod ko at yung lower part ay nasa harap ko. Ganon ang pagkakabitbit ko sa kanya.

"Let go of me!" sigaw nya habang hinahampas ang likod ko

"Ayoko"

"Ano ba Jae! Ibaba mo nga ako!"

"Manahimik ka na nga lang dyan! Pag hindi ka nanahimik ilalaglag kita"

"Edi ilaglag mo! Wala akong pakialam!" patuloy padin sya sa paghampas sa likod ko

"Itigil mo na yan Riri" pero di parin sya nagpapaawat at patuloy padin sa paghampas sa likod ko, kaya nainis na ko "Ano ba Ria! Sinaktan mo na nga ang puso ko pati ba naman katawan ko gusto mong saktan? Grabe ka naman! Bakit hindi mo na lang ako patayin?" iritado kong sabi. Kaya naman nanahimik na lang sya. Nakarating kami sa kotse ko nang hindi na sya umiimik. Tahimik na lang sya, siguro naisip nya din ang ginawa nya sakin.

"Get in" utos ko sa kanya ng maibaba ko sya

"Huh?"

"Ang sabi ko. PASOK!" sigaw ko sa kanya. Nataranta naman sya kaya pumasok sya agad. Pumasok na rin naman ako at umupo sa driver's seat.

Naging tahimik lang ang buong ride namin. Walang gustong magsalita. Kaya nakarating kami sa bahay ko nang hindi nag-uusap. Hininto ko na ang kotse ko at bumaba na. "Labas!" sigaw ko kaya naman lumabas na sya

"Nasan tayo?" tanong nya sakin

"Nasa bahay ko"

"Huh? Bahay mo? Anong gagawin natin dito?"

"Papalitan ko yang damit mo!" tapos tinuro ko ang damit nya

"Pero--"

"Wag kang mag-alala. Di kita gagalawin. Tara na" Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng mga maids ko.

"Sir, sino ho ito?" tanong ng isang maid sakin

"She's a friend of mine" sagot ko sa maid namin "Pakiayos nga sya. Paliguan nyo, pakainin nyo at damitan nyo ng ayos" utos ko sa kanila. Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang makasalubong ko ang kapatid ko sa ama na si Hershey Rie [Riye]

"Ria Shin, right?" bulong sakin ni Hershey

"Oh? Bakit?"

"She's your girl. Hahaha. Nakita ko lang naman sa laptop mo kanina" sabi nya sabay kindat. Tsk. Ang pakialamera talaga ng babaeng toh!

"Nako naman Rie! Napakapakialamera mo talaga! At bakit ka nga pala nandito? Akala ko nasa Tokyo ka? Anong ginagawa mo dito?"

"Napaka mo talaga!" hinampas hampas nya ko "Masama na ba na magpunta dito? Namiss kong asarin ka eh! Hahaha"

"Tss. Okay! Mamaya na tayo mag-usap. Gusto kong magpahinga muna"

"Okay. Hmm, si Ria na lang ang kakausapin ko" sabi nya sabay flip ng buhok

Nginitian ko na lang sya at nagtuloy-tuloy na sya sa pagbaba papunta sa kinaroroonan ni Ria. Haaay, kahit na sa ama lang kami magkapatid nun, magkasundong-magkasundo kami at hindi kami nag-aaway. Mas bata sya sakin ng isang taon pero kung umasta eh akala mo sya ang mas matanda. Bakit ganon? Gustong-gusto kong kausapin si Ria kaso hindi ko kaya, nahihiya ako. Teka! bat ako ang mahihiya? Eh diba dapat sya? Kasi sya ang may ginawang mali? Tsk. Mamaya na nga! Magbababad na muna ako sa bathtub.

(Ria's POV)

Di ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ni Jae at dinala ako dito sa bahay nya. Tss. Tapos para akong may malaking dumi sa mukha kung titigan nung babae kanina. Hindi ko sya kilala eh! Pero kausap sya ni Jae. Kapatid nya kaya yun? Mukha namang hindi, kasi ang ganda nun. SOBRA!

"Miss, amin na po ang damit nyo" utos ng maid nila Jae

"Ria na lang po" ibinigay ko sa kanya ang mga damit ko. Nasa banyo na ko ngayon at hinanda na din nila ang bathtub. Grabe! Amoy rose dito :) Ang bango!

"Sige Miss -- este Ria. Tawagin mo na lang kami mamaya kung tapos kana" sabi naman nung isang maid sakin

"Sige po"

Naramdaman ko naman na umalis na sila dahil nagsara na yung guest room. Ang lawak naman pala talaga ng bahay nila Jae! Kasi kada kwarto may bathroom at may bathtub pa! Nagsimula akong humiga dun sa bathtub at magrelax :) Ang sarap ng ganito. Pinikit ko lang ang mga mata ko at inenjoy angpagbababad.

Nagising ako sa pagkakaidlip ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa bathtub. Nagbilis ako ng pag-aanlaw ng katawan at nang matapos ay tinawag ko ang mga maids. Inabutan naman nila ako ng towel at inilapag ang isang short na maong at t-shirt na pink then the under garments. Agad ko namang isinuot yun at lumabas ng guest room. Nakita ko na naman yung kaninang babae.

"Hi Ria!" bati nya sakin. Nginitian ko naman sya. Bakit kilala nya ko? Did I met her before? Kasi parang hindi pa eh! Tumabi naman ako sa kanya sa sofa at nakinood ng pinapanood nya.

"Bakit mo alam ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya

"Secret! Haha. By the way, Ako nga pala si Hershey Rie! Kapatid ni Jae. You can call me Hershey or Rie, pronounce as RIYE"

"Ahh. Hi Rie! Hindi ko alam na may kapatid pala si Jae"

"Really? He didn't mention my beautiful name?" taka nyang tanong

"Hindi eh!"

"Hahaha. Hayaan mo na! Tara sa room ko. Usap tayo about girl stuffs" hinigit nya ko pataas sa room nya. Hahaha. Nice! Ang bait naman pala nito eh! Mukhang magkakasundo kami. Pero teka lang! Kapatid nya si Jae? O.o Weh? Di halata ah!

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon