(Max's POV)
Miss me girls? Hahaha. Sorry kayo! Mas namiss ko ang Jem ko :) Hahaha. Kanina pa naiinis sakin si Jem. Gustong-gusto ko talaga pag inaasar ko sya. Napakapikunin kasi eh! Naaalala ko tuloy yung dati, nung kami pang dalawa. Pero pwede namang maibalik yun diba? :) Basta pagsusumikapan lang!
"Honey!" sabi nung isang babae sakin. Luh? Honey daw?
"Sino ka?" tanong ko sa kanya
"Ihh. Honey naman eh! Nakalimutan mo na ba ko? Ako toh! Si Anne!" Anne? Hmm. Di ko tanda! Sino ba toh?!
"Huh? Miss, sorry huh? Pero hindi kita kilala eh!"
"You dont remember me?" sabay pulupot nya sa braso ko
"Remember you? Eh hindi nga kita kilala eh! Sino kaba?" Kakainis na toh! Baka makasapak ako ng babae ngayon!
"I'm your girlfriend. Diba sabi mo sakin nung nasa bar tayong dalawa. Boyfriend na kita? Diba? Sinabi mo yun!"
"Huh? May sinabi akong ganon? Bakit hindi ko maalala?"
"Nakakainis ka naman eh! I'm sure pag ginawa ko toh maaalala mo na ko" pagkasabi nya nun ay hinalikan nya ko sa labi. FVCK!
"Oh ano? Natatandaan mo na ba ko?" tanong nya. Pero bago pa ko makasagot sa tanong nya. Nakita ko na si Jem sa likod nya. Halatang gulat ang mukha ni Jem. Nakita nya siguro yung nangyari.
Susundan ko na sana si Jem kaso hawak-hawak parin nitong Anne yung braso ko.
"Wait honey! Where are you going?" tanong nya at hinigpitan pa nya lalo ang pagkakakapit sa braso ko.
"Ahh. Wala lang. Sino ka nga ulit?" tanong ko.
"Ako nga si Anne!"
Haaayy. Papalipasin ko muna ang galit ni Jem bago ko sya kausapin. Alam ko naman kasi na galit sya eh! Sana lang pagkatapos nito ay maging maayos pa kami.
(Jem's POV)
T____T Bakit ganon? Ang ganda ganda ng kain ko tapos sa paglalakad ko may makikita akong eksena na ganon! Yung may kahalikang ibang babae si Max?! Bakit ganon? Nasasaktan ako! Di ba nararamdaman ni Max na nasasaktan ako sa mga ginagawa nya?! Ano ba sya? Manhid?
Pumunta na muna ako sa may madilim na bahagi nitong venue. Iiyak lang ako :( Hindi ko na kasi kaya eh! Magsisimula na sana akong umiyak ng may nagsalita.
"Oh! Panyo!" sabay abot nya sakin ng panyo. Sa amoy pa lang ng panyo, alam ko na kung sino toh! Mahilig kasi sya sa matamis na pabango eh!
"Nixxy!" tsaka ako humagulhol ng iyak. Alam ko kasing makikinig sakin si Nix eh!
"Sya na naman ba ang dahilan ng pag-iyak mo?" tanong nya sakin. Kilalang-kilala talaga ako ni Nix eh! Alam nya talaga kung sino ang laging dahilan ng pag-iyak ko.
"Yep! I saw him with another girl. At ang mas malala! Kahalikan nya pa yun! Nixxy bakit ganon? Bakit ang sakit-sakit?" niyakap nya ko ay hinimas-himas nya ang buhok ko
"Alam mo Jemimi kung bakit ka nasasaktan?! Kasi nga mahal mo pa sya! At hindi mo kayang hindi sya mahalin"
"Paano ko ba maiiwasan na mahalin sya?"
"Hindi mo maiiwasan yun! Ano kaba! Pero pwede mong itama"
"Yun nga eh! Hindi ko alam kung paano ko gagawing tama ang lahat! Hindi ko alam. Wala akong alam Nix. Wala!" hinimas nya ulit ang buhok ko at pinunasan ang luha ko.
"Ssshh. Ano ba talaga ang problema? Yun ba yung nakita mo syang nakikipaghalikan sa ibang babae?"
"Oo! Ang nakakainis pa! Hindi nya man lang ako hinabol para humingi ng Sorry. Bakit sya ganon? Bakit?"
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Novela JuvenilThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...