Chapter Thirteen~Nix And Ace

7.6K 184 5
                                    

(Nix's POV)

By the way, nag-aayos na kami kasi papasok pa kami, remember? Tss, nakakatamad talagang pumasok eh! Bakit kasi kailangan ko pang pumasok eh.

"Myx, nakita mo ba si Ria?" tanong ni Gab

"Ha? Nandyan lang naman yun sa kwarto mo ah! Kasi ang alam ko, magkatabi kayong natulog kagabi"

"Hindi ko kasi sya napansin eh, ikaw Nix? Nakita mo ba?" tanong sakin ni Gab

"Hindi rin eh! Baka naman nauna na sa pagpasok?" sagot ko

"Paanong mauuna yun? Eh si Gab nga ang taga gising natin, teka .. Nakauwi na ba si JN?" tanong ni Jem

"Oo nga noh? Baka naman -- Oh my! Wag naman sana" Pagkasabi ko nun ay nagsipuntahan na kami sa kwarto ni Ria.

Para kami nakakita ng multo ... As in nanlaki ang mga mata namin sa nakita namin.

"RIA? JN?"

Nagulat naman silang dalawa nang marinig ang boses ko. Kaya napabalikwas sila.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanila

"Nix, let me explain. Hear me out" sabi ni Ria

"No, hindi ko kailangan ng explanation mo" sigaw ko sa kanya

"Nagtanong ka kung anong ibig sabihin nito.. Tapos, hindi mo kailangan ng explanation? Baliw lang Nix?" singit ni Jem

"Ano ba Jem! Kung wala kang masabi na maganda. Pwede bang tigilan mo ko?!"

"Okay" sagot nya

"Ahas ka Ria. Akala ko pa naman kaibigan kita tapos ganito? Tss, pare-pareho lang kayo" sigaw ko

"Nix, ano ba? Maghinay-hinay ka nga sa pagsasalita mo" sigaw sakin ni Gab. Tss, pati ba naman sya?

"At bakit? Totoo naman eh! Mas kakampihan nyo pa si Ria kesa sakin, diba? Mga wala naman kayong kwenta!"

Pagkatapos kong sabihin yun, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Natulala lang ako sa nangyari. Dahil sinampal ako ni Gab.

"Nix, di ko sinasadya"

Tumingin ako sa kanilang lahat at tumakbo palabas. Ayoko munang manatili dun. Di ako papasok, bahala na sila. Kaya ko naman ang sarili ko eh. Pupunta na muna ako sa tahimik na lugar. Ayoko na munang maalala yung nakita ko kanina.

(Ace's POV)
Hi! As usual, di kami papasok ngayon dahil sa nangyari sa detention. Tss, tsaka may bukas pa naman eh. Bukas na lang kami papasok. Nandito lang kami ngayon sa tambayan. Hahaha, natatawa nga ako sa pinag-gagagawa ng mga to eh! Lalo na kay Max, sayaw ng sayaw na parang baliw.

"Ano, gusto nyo ng beer?" tanong ni Xiv

"Wag na muna. Nakakatamad mag-inom eh. Coke in can na lang" sabi ni Ken

"Sayaw na lang tayo" pag-aaya ni Max

"Tss, tigilan mo nga yan. Mukha kang tanga! Alam mo ba yun?" sabi ni Jae kay Max

"Hahahaha! Inggit ka lang kasi. Sa gusto kong sumayaw eh, gaya ka na lang" sabi ni Max habang sumasayaw parin

"Ako na lang bibili ng coke" pagpiprisinta ko

"Ha? Ikaw ang bibili?" tanong ni Jae

"Oo, ako na ang bibili. Feel ko maglakad-lakad ngayon"

"Okay, eto ang pera oh!" sabay abot sakin ni Xiv ng pera

"Dyan lang kayo. Sandali lang ako tsaka treat ko na rin ang mga snacks" sabi ko sabay alis

Naglalakad lang ako. Nakakailang nga eh! Pinagtitinginan ba naman ako ng mga babae. Di lang ako sanay. Makapagsoundtrip na lang nga muna.

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon