Chapter Twenty-Nine~PART2 "House Of The Vampires"

4.9K 129 4
                                    

(Jem's POV)

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ni Max at bakit ganto sya sakin. May masama na naman ba syang balak sakin? Mahal ko sya! Mahal na mahal. Kaso natatakot ako na baka gawin nya ulit yung dati .. Na baka saktan nya lang ulit ako! At paglaruan ang damdamin ko :'( ayoko na kasing masaktan ulit eh! Tama na yung isang beses lang, kasi kung sasaktan nya ulit ako. Baka hindi ko na kayanin eh!

"Hey Jemimi. What you're doing?" tanong sakin ni Nix. Nakakagulat naman tong babaeng toh. Kung san-san na lang sumusulpot eh

"Sa tingin mo? Deserve nya ba ang second chance?" tanong ko sa kanya. Nandito nga pala kami sa terrace ng bahay, nakaupo lang.

"Ikaw ang tatanungin ko. Mahal mo pa ba?" medyo napatigil ako sa tanong ni Nix, mahal ko pa nga ba? Definitely, YES! Mahal na mahal ko pa din si Max hanggang ngayon. Sya ang first love ko eh!

"Yep"

"Kung mahal mo pa sya, give him a second chance. Pero magbigay ka na muna ng challenge sa kanya. Yung challenge na magpapatunay na mahal ka nya at seryoso sya sayo :)" Bakit ba ang daming alam ng babaeng toh?

"What kind of Challenge?" tanong ko sa kanya. Nahihirapan din kasi ako eh! Hindi ko alam kung anong challenge ang ibibigay ko kay Max

"Hmm. Mag-effort sya :) Para naman makita kung seryoso sya talaga sayo"

"Ganon?"

"Yep" nakangiti nyang sabi. Buti pa sya masaya na kay Ace samantalang ako nagssuffer padin.

"Kamusta na kayo ng Boyfriend mo?" tanong ko

"Okay lang naman"

"Mahal mo ba talaga sya?"

"Ah He-he-he Uhm, Oo naman" Ehe? Parang may mali sa sagot nya ah

"Sure kaba Nix?"

"Yep! Masaya naman ako sa kanya kasi mabait sya sakin at mahal nya ko. Yun lang naman ang mahalaga dun eh!" Nice! Buti pa si Nix :'( naiinggit ako sa kanya

"Nababasa ko ang isip mo Jem! Wag kang mainggit. Dadating din sayo ang taong magmamahal sayo :) Tara na nga sa loob!" pag-aaya nya sakin

Bumalik na kami sa loob at nakita namin na busy ang lahat sa paggawa ng decorations at sa pagpprepare ng foods

"Guys tama na muna yan :) Lunch na muna tayo" pag-aaya ni Myx

Nagsilapitan naman ang lahat at nagkuhaan na ng pagkain. Teka sino ang nagluto?

"Ikaw ang nagluto?" tanong ni Nix kay Myx

"Luh? Hindi ah! Hahaha. Si Cindy ang nagluto nyan. Isang masarap na Sinigang" sabi ni Myx

"Ang sarap!" ~Gab

"Asim!" ~Jae

Isa lang ang masasabi ko! Masarap talaga! As in masarap :) Haayy. Pagkain!

(Jae's POV)

Ang saya dito sa bahay nila Ria :D Ngayon ko lang nakitang nakangiti si Ria. Nakarecover na kaya sya sa pagkawala ni Jay North? Pesteng Jay North naman kasi yan eh! Makita ko lang yun. Babalatan ko sya ng buhay -___-#

Ang sarap kumain XD Nakakabusog! Pero bakit ganon?

"Riri hindi ka kakain?" tanong ko kay Ria

"Riri? San mo naman napulot ang pangalan na yun?" tanong sakin ni Ria, hahaha XD Naisip ko lang yun. Maganda namang pakinggan diba?

"Wala lang, ang ganda kasing pakinggan eh!" para namang nagtaka yung mukha ni Ria

"Hahahaha. Okay ako na si Riri tapos ikaw naman si Ruru :D Came from you're name Jhenrou. Cute din pakinggan eh!" nice! Ang galing naman.

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon