(Xiv's POV)
Simula nang makarating kami dito sa ospital, hindi na ko iniimikan ni Gab. Ano na naman kaya ang nangyari sa babaeng toh? Nagselos kaya sya kay Charity kanina? Hmm, pero wala naman syang dapat ikaselos eh! Mas maganda sya kay Charity para sakin :) At mas mahal ko sya kesa kay Cha. Nakaraan na lang naman kasi si Cha eh! At salamat kay Gab kasi nakalimutan ko si Charity nang dahil sa kanya.
"Tadaa! May foods na tayo guys! Then we bought green apples for Myx" sabi ni Nix nang pumasok sa room ni Myx.
Umupo sya sa tabi ni Gab at kinulit nya ng kinulit yun. Halata kasi kay Gab na may iniisip eh! Kanina pa kasi tulala.
"Wala ako sa mood Nix. Mamaya na lang" kalmado ngunit mataray na sabi ni Gab kaya naman di na sya kinulit pa ni Nix at tumabi na lang kay Jem.
"Mukhang may problema si Gab ah! May redtide ba yan ngayon? Ang taray eh!" bulong sakin ni Jae
"Tanga! Nagseselos yan. Nandito kasi si Charity. Nagkita kami kanina sa school nung pinagpaalam namin ni Gab si Myx para lumiban muna sa klase. Nagulat nga din ako kanina eh! Bigla kasing yumakap sakin si Cha" kwento ko
"Huh?! Nandito si Charity? As in yung first love mo?" di makapaniwalang tanong ni Jae
"Oo nga! Nandito nga. Kakauwi nya nga lang daw eh"
"Hahaha, masaya toh! Mamaya, celebrate tayo sa bar ni Rie"
"Pag maayos na ang lahat. Tsaka tayo magcelebrate" sabi ko kay Jae at tumango-tango naman sya
Hindi ko talaga maintindihan si Gab. Kanina pa sya hindi nagsasalita at ang tahimik nya lang.
"Gab, tara magpahangin sa labas" aya ko sa kanya
"Nope! Okay lang ako dito"
"Tara na!"
At bago pa sya nakatanggi ay hinigit ko na sya palabas ng ospital. Tahimik lang sya habang hawak-hawak ko ang kamay nya kaya naman dumiskarte na ko. I intertwined our hands. Nung una nagulat sya at babawiin sana ang kamay nya pero hindi ko sya hinayaan :) Nakarating kami sa tapat ng labas ng ospital at umupo dun sa may bench. Medyo maginaw nga lang.
"Giniginaw ka?" tanong ko kay Gab
"Medyo. Pero okay lang naman"
"Yakapin na lang kita" ipinulupot ko ang braso ko sa kanya, in short inakbayan ko sya
"Ang ganda ni Cha, ano?"
"Hahaha :D Selos ka naman?"
"Hindi noh! Bakit naman ako magseselos?"
"Kasi mas maganda sya sayo? Kasi mas hot sya? Kasi hmm .. Mas sexy sya?" sabi ko kay Gab. Nakita ko naman na umirap sya
"Thankyou huh? Para mo na rin akong nilait nun eh!" sarkastiko nyang sabi
"Hahaha :D Joke lang naman. Isa lang ang sasabihin ko sayo Gab. Kahit na sino pang mga babae dyan ang ipakilala sakin. Sayo lang ako titingin at ikaw lang ang mamahalin ko. Ano kaba! Mahal na mahal kitang bampira ka eh!" sabi ko sa kanya at pinisil ang dulo ng ilong nya. Nakita ko naman syang nagblush. Cute! "You're blushing Mingming ko"
"Stop it! Hindi kaya" sabay taklob nya sa mukha nya
"Ang cute mo nga eh! Kaya kita minamahal eh. Sige na, tanggalin mo na yang palad mo sa mukha mo" tinanggal nya naman yun at lumapit ako sa mukha nya para halikan sya
"Xiv naman eh! Ang dami kayang nagdadaan!" sabi nya sakin
"Hahaha, gabi na naman eh! Hindi na nila kita yan. Isa pa nga! Gusto ko, ikaw na yung kikiss sakin huh?"
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Novela JuvenilThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...