(Jem's POV)
Nandito kami ngayon ni Nix sa kwarto ni Gab. Ano pa nga ba ang ginagawa namin? Edi naglilinis! Hahaha XD Ang sipag namin noh? Mukha na daw kasing gubat tong bahay namin sabi ni Myx. Hmm, pero parang may napapansin ako kay Gab at Ria. Parang may tinatago sila sa amin, ano kaya yun? I need to find out kung ano yun.
"Oy Jem! Ano na naman ang iniisip mo dyan? Tulungan mo na muna ako sa paglilinis nitong kwarto ni Gab" sabi ni Nix habang nagwawalis
"Kaya mo na yan! Masipag ka naman diba?"
"Hindi ah! Ano ba Jem! Tulungan mo na ako nakakainis ka naman eh!"
"Kfine! Nakakainis ka naman eh! Kung kailan nag-iisip ako dun ka naman manggugulo!" sabay irap ko sa kanya
"Ano na naman ba kasi ang iniisip mo?"
"Wala! Oo na, tutulungan na kita"
Inayos ko na ang bedsheet ng kama ni Gab habang si Nix ay walang tigil sa pagwawalis at pag-aayos ng mga furniture dito sa kwarto ni Gab.
Tss, di talaga mawala sa isip ko yung pinag-usapan ni Gab at Ria. Tungkol saan naman kaya yun?
FLASHBACK >>
"Sure ka?" tanong ni Ria
"Yeah! Sure!" -Gab
"Hahaha, sige! Deal! Ako pa? Magaling yata ako dyan, hintayin lang nila ang araw na gaganti tayo sa kanila >:) Kawawa sila, lalo na yung lalaking nakausap ko kanina na myembro din nila" sabay ngisi ni Ria
"Bakit ano bang ginawa sayo?" tanong ni ulit ni Gab
"Binantaan ba naman ako na gaganti daw sila satin kaya maghanda daw tayo! Pwes! Hindi tayo uurong"
"Yan ang gusto ko sayo Ria eh! Hahaha, so okay na? Hindi mo na ko kukulitin sa kakatanong?"
"Hindi na! Kasi alam ko na ngayon at handa na akong pumatay ulit"
END OF FLASHBACK <<
Ayan yung mismong narinig ko dun sa dalawa, siguro nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap ng marinig ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may patayan na involved dun. Bakit kaya ayaw nilang sabihin samin? Tss, mamanmanan ko muna si Gab at Ria! Titignan ko kung saan sila pupunta at kung ano-ano ang pinag-uusapan nila. Kasama din kaya si Myx? Baka naman may alam din sya! Mamaya tatanungin ko sya.
"Oy Jamicha Evelyn Mashia ano na naman ba ang iniisip mo? Matatapos nga tayo nyan sa ginagawa natin" singhal ni Nix
"Panira ka sasapakin na talaga kita!"
"Ano ba kasi yang iniisip mo huh? Nestea mo na yan!"
"Nestea?" taka kong tanong
"Tanga! Syempre share mo na!" sigaw nya
"Aba malay ko bang share yung ibig sabihin ng nestea mo" (_ _ #) Minsan talaga nakakatopak si Nix
"Hahaha, baba din kasi ng bundok pag may time!" sabay tawa nya ng malakas
"Bundok? Eh kung ilibing kita sa bundok?"
"Joke lang naman Jem! Kwento mo na kasi, ano ba yan huh?"
"Basta mamaya ko na ikkwento at sila Gab na ang magsasabi nito mamaya!"
"Aww, sige na nga!" sabay pout nya
"Tumigil ka na nga dyan! Sige na linis na tayo!"
Naglinis kaming dalawa ni Nix at lumipat na sa ibang room para maglinis. Hmm, magpaalam kaya ako kay Nix? Magmamasid muna ako kay Gab at Ria. Try ko lang kung may malalaman ako.
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Roman pour AdolescentsThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...