Chapter 51- Break Up's

3.4K 79 4
                                    

Chapter 51- Break Up's

(Nix's POV)

Hindi pupwede tong ginagawa nila Ace! Aba! Masyado nang marami ang napatay nila na kasamahan namin. Hindi kami papayag na ganito ang mangyari sa mga kasamahan namin!

"Girls! Bilisan nyo na. Papasok na tayo" tawag ni Gab sa amin. Hanggang ngayon pare-pareho kaming wala sa mood. Kailangan na talaga naming magdesisyon.

Bumaba na naman kami lahat at nagtungo sa school namin. Nakaabang naman yung limang prinsipe sa gate at hinawakan kami.

"Hi Gab ko" sabi ni Xiv at ngumiti kay Gab

"Baby Ria ko" -Jae

"Myx kong maganda" -Ken

"My Jem" -Max

"Sweetie Nix" sabi ni Ace

Pare-pareho kami ng reaksyon. Tinitigan lang namin sila ng walang emosyon. Nagtaka naman sila kaya binitawan ang mga kamay namin. Tumuloy-tuloy lang kami papunta sa garden ng school. Hindi kami aattend ng klase.

"Gawin nyo na ang dapat gawin" sabi ni Ria samin

"Maling-mali na ang ginagawa nila" sabi naman ni Myx na halatang nagpipigil.

Tahimik lang kami sa garden na nag-iisip at dumating ang mga inaasahan namin.

"Hi Girls!" bati samin nung mga pesteng lalaki

Tinignan lang namin sila saglit at nag-iwas na ng tingin.

"Nix, may problema ba tayo?" tanong sakin ni Ace hindi ko sinagot ang tanong nya sakin. Naiinis parin ako pag inaalala ko yung ginawa nila sa mga kasamahan namin.

"I'm breaking up with you" straight kong sabi sa kanya

"Huh?"

"Sabi ko .. I'm breaking up with you Adevance Carl Ethan Go. Bingi kaba? o sadyang slow lang talaga?"

"Haha. Is this a kind of a joke? Kasi kung oo, hindi nakakatawa"

"You really think so? For your information. Hindi ako nagjojoke at pwede bang layuan mo na lang ako huh? Nakakasawa kana kasi eh! Gusto ko naman ng ibang lalaki. SAWA NA KO SAYO. Di ka naman tanga para hindi maintindihan yun diba?" sabi ko sa kanya. Haaay. Sorry Ace! Sorry. Kasalanan mo toh! Kasalanan nyo kung bakit namin ginagawa tong bagay na toh.

"You can't do this to me Nix. Ayoko! Mahal kita" sabi nya at lumapit sakin tsaka ako niyakap

"Let go of me. Whether you like it or not! Break na tayo. Hiwalay na! Split! Ganon. Okay?" sabi ko sa kanya at tinanggal ang pagkakayakap nya sakin at tumayo. Bago pa ko makaalis ng tuluyan, nagsalita na din sila Gab.

"Break na din tayo Xiv. Ayoko na sayo. Hahaha. Uto-uto ka naman? Naniniwala ka talaga na mamahalin kita? Tss. Nananaginip ka lang yata. And by the way, thankyou huh? Nag-enjoy akong makipaglaro sayo. Sa susunod ulit huh?" sabi ni Gab. Hindi naman nakapagsalita si Xiv at halatang nagpipigil ng luha. Really? Umiiyak din pala ang katulad nya? Haha. Nice!

"Me too. Sorry Jae! Ang sarap mo lang din kasing paglaruan eh! Ang bilis mong maniwala sa mga bagay-bagay. Thanks din sa time mo! Next time laro ulit tayo huh? At dapat hindi kana maging Loser" sabi ni Ria

"Don't tell me. Pati ikaw?" sabi ni Ken habang nakatingin kay Myx

"Yeah. Sorry to tell you. Hindi talaga ikaw ang bagay sakin. Isang Diyosa at isang Loser na katulad mo? Nah-uh! Hindi pwede yun!" sabi ni Myx habang nakangisi

"Hindi! Hindi pwede toh Myx!" sigaw ni Ken

"Pwede toh! Ginagawa ko na nga diba?"

Napanganga na lang si Ken sa mga sinabi ni Myx. Siguro, hindi nya inaasahan na ganon ang sasabihin ni Myx. Tahimik lang kasi madalas si Myx eh! At seryoso kaya nagulat sya.

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon