Chap50- Killing

3.2K 78 2
                                    

Chap50- Killing

(Xiv's POV)

Hindi ko padin talaga mapaniwalaan na ganito na kami ngayon. I mean, dati lang puro away kami. Hahaha. Naaalala ko pa nga yung unang pagkikita namin ni Gab eh! Yun yung kasama nya yung mga kaibigan nya. Si Ria, Myx, Jem at Nix dun sa hide-out namin, nung dumaan sila.

Unang kita ko pa lang sa kanya namangha na ko. Ang angas kasi ng dating nya at parang palaban talaga. Di ko din malilimutan yung scene naming dalawa. Napatumba nya ko sa isang suntok nya lang. Grabe! Babae ba talaga si Gab? Nakakatuwa lang alalahanin yung mga panahon na yun. Dati kasi binabalak lang namin maghiganti, kaso wala eh! Nahulog kami sa kanila at tuluyan nang minahal yung mga babaeng yun na akala namin ay hindi namin makakasundo.

"Oy! Anong iniisip mo dyan? Ang lalim nyan ah! Mind if you share" panggugulo ni Max sa pag-iisip ko

"Paki mo ba? Lumayas ka nga sa kwarto ko" tapos ay tinaboy ko sya. Pumasok naman yung tatlo pa sa kwarto ko. Tsk. Tumambay na naman tong mga toh sa bahay ko -_____-"

"Yow! Ang saya nung foundation kahapon noh?" sabi ni Jae. Tapos na nga pala ang foundation namin. Ang dami ding nangyari na maganda :) May mga henna tattoo pa nga kami eh! Nakalettering yung pangalan ng mga girlfriend namin.

"Oo nga eh! Nakakapagod na masaya!" sabat ni Ken

"Maiba nga! San nga pala kayo nanggaling ni Myx?" usisa ni Max kay Ken

"Nagdate. Tapos ay hinatid ko sya sa kanila at nagstay ako sa bahay nila"

"Kayong dalawa lang?" walang kabuhay-buhay kong tanong

"Oo"

"Baka naman--"

"Hoy Max! Magtigil ka dyan sa kadumihan ng utak mo! Walang ganong eksena!" dipensa agad ni Ken. Tss. Defensive! Wala pa namang sinasabi si Max

"DEFENSIVE" sabat ni Ace. Haha. Nandito pala toh? Akala ko wala. Di kasi nagsasalita eh!

"Nandyan ka pala?"

"Actually. Clone lang ako ni Ace eh!" sarkastiko nyang sagot. Hayst! Si Ace nga naman -____-" Masakyan nga ang trip nito.

"Ahh. Nasan naman yung totoong Ace?" tanong ko ulit. Yung tatlo naman ay nakatingin lang saming dalawa ni Ace

"Yun ba? Wala na eh! Pinatapon ko na sa planetang Mars"

"Good!"

"Para kayong mga tanga dyan! Tara! Gala tayo" aya ni Jae

"San tayo?" tanong ni Max

"Sa hide-out na muna. May pag-uusapan pala daw tayo sabi nung mga ka'gangmate natin"

"Ah. Sige"

(Gab's POV)

Nakakapagod na araw! Para kaming mga lantang gulay. Si Ria nakalupasay sa may carpet namin at nagddrawing. Si Myx naman nasa may upuan nakataas ang dalawang paa habang nagbabasa ng libro. Si Jem naman nagnanail polish at si Nix nagkukutingting sa laptop nya. Ako? Eto nakaearphone lang. Nagssoundtrip lang.

"Hahahaha" biglang tawa ni Nix kaya napatingin kami sa kanya. Grabe huh? -___-" Nakaearphone na ko pero rinig ko parin sya!

"Hoy! Ano yan?" tanong ni Jem sa kanya

"Wala naman. Mga meme's lang ng mga netizen" sabi ni Nix at nagpakabusy ulit.

"Gab, gusto mo ng nail polish?" tanong sakin ni Jem

"Sige!"

Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang isa kong kamay "Jem, wag mong i-murder ang kuko ko huh?"

"Shunga! Hindi ah! Tiwala lang Gab!"

Busy kaming lahat nang may biglang nagdoorbell ..

"Ako na ang magbubukas" sabi ni Myx at tumayo para tignan kung sino yung nasa gate. Bumalik naman agad sya at kasama nya ang isa sa mga kasamahan namin.

"Gab!" sigaw ni Leah. Isa sa mga Vampire na kasama namin

"Oh?"

"May bago na namang pinatay ang mga Gangster. 29 lahat ng napatay na Gangster. Pero mas marami ang namatay na kasamahan natin na Bampira. 46 lahat ng namatay na Bampira" tuloy-tuloy nyang kwento. Parang nawala ako sa katinuan sa narinig ko. Ano?! 46 lahat? Ang dami nun ah! P*ta!

"ANO?!" sigaw ko

"Ang dami kasi nila eh! Kumpara samin. Tsaka kasa-kasama na naman nila yung limang leader nila" kwento nya pa. Lalong nag-init ang ulo ko sa narinig ko. LIMA? LIMANG LEADER?

"Ano?! Limang leader?" pasigaw na tanong ni Ria. Kitang-kita ko na galit na galit din sila Ria

"Isa lang ang may pasimuno nito!" sabat ni Nix

"Ang Five Prince!" sabay-sabay naming sabi. Hindi pwede toh! Madami na silang pinatay sa amin. Ewan ko ba! Pero parang naglaho lahat ng nararamdaman ko kay Xiv matapos kong marinig ang mga sinabi ni Leah sa amin.

"Tara na! Pupunta tayo dun!" sabi ko sa kanila at nagpatuloy sa paglabas ng bahay. Hindi ko na papayagan pang may mamatay ulit na kasamahan namin!

Nakarating kami sa kampo namin at kitang-kita ko ang mga katawan ng mga patay na Bampira. Nakakagigil!

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Myx sakin

"Bukas na bukas din hihiwalayan natin ang grupo ni Xiv! At papatayin natin sila!"

"Papatayin talaga natin sila?" tanong ni Nix

"Oo! Papatayin natin sila! Hindi ko na mapapayagan pa na may mamatay ulit na kasamahan natin!"

"Oo. Papatayin natin yung mga yun! Hindi ako magmamahal ng katulad nilang walang awa! Hindi naman sila ginagalaw tapos bigla bigla nilang papatayin ang mga kasamahan natin?! Aba! Punyetang yan! Hindi makatarungan yun!" iritableng sabi ni Ria

Buo na ang loob namin! Eto na ang totoong paghihiganti namin sa kanila! Bukas na bukas din! Magsisimula na kami! Hindi na tama ang ginagawa nila sa mga kasamahan namin! Mas nangingibabaw ang GALIT namin sa kanila kesa sa PAGMAMAHAL!

Tinulungan lang namin ang mga kasamahan namin na linisan ang mga patay na bampira. Ang daming nag-iiyakan. Hindi naman kasi madali na mamatayan eh! Kaya magbabayad yung mga punyemas na gangsters na yun!

"Gab, anong gagawin nyo patungkol dito?" tanong samin ng isa sa mga matatanda samin

"Kami na ang bahala na pumatay sa mga gumawa nito sa inyo. Ipaghihiganti namin ang mga kasamahan natin" sagot ko

"Sana nga ay magawa ninyo ang nararapat"

"Gagawin namin ang dapat" sabat ni Jem

Nagtinginan naman kami at kita kong naging pula ang mata nilang apat. Parang hindi na kami makapaghihintay pa ng bukas! Gusto kong ngayon na patayin sila Xiv! Ngayon na!

(an: Revenge is here! :))

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon