Chapter Six~Plan for My Revenge

11.8K 342 6
                                    


(Dylan's POV)

Annyeong haseyo! Ako nga pala si Dylan Garcia :) Nice to meet you readers!

Anong meron at tumatawag si Xiv? Siguro babae na naman ang problem nito, kasi lagi naman saking nalapit toh pag babae ang problema eh

"Xiv, napatawag ka? Anong meron?" tanong ko sa kanya

"Kailangan kita! May iuutos ako sayo, importante toh! Pumunta ka na ngayon dito sa bahay!"

~end of call~

Oh diba bastusan lang? Binabaan agad ako ng phone, di parin talaga nagbabago toh eh!

**Xiv's House

"Oh ano na naman ang problem mo?" bungad na tanong ko sa kanya

"Pwede hinay-hinay lang? Masyado kang excited eh!" inis na sabi ni Xiv

"Okay, so ano ba talaga ang problem? Babae na naman ba?"

"Oo babae nga!" sabay pokerface nya

"Oh anong nangyari?" natatawa kong tanong

"Natalo nya ko"

"Huh? Natalo san?"

"Sa laban namin, tinalo ako ng isang babae. Isang babae lang talaga! How idiot!"

"Haha, talaga? Anong klaseng laban?"

"Suntukan, gyerahan, sapakan. Yung ganong laban"

"Natalo ka? Si Xedrell Ian Vincent Castro? Natalo ng isang babae lang sa isang dwelo? Walang halong biro?"

"Nang-aasar ka ba talaga?" sabay tingin nya sakin

"Di ah! Nagtatanong lang naman"

"Sinabi ko na diba? Kailangan ulit-ulitin? Masyado ka naman yatang unli"

"Tss, oh ano nangyari?" tanong ko ulit

"Ayun nga! Natalo nga ako sa dwelo namin, tapos mukha akong dalmatian dahil sa black eye ko na gawa ng Gab na yun!" pasigaw nyang sabi

"Anong gusto mong gawin ko?"

Manmanan mo siya, manmanan mo sila! Sila ng mga kaibigan nya dahil hindi pa ako tapos sa kanila! Kailangan nilang pagbayaran ang mga ginawa nila sakin, este ginawa ni Gab!" sabay evil laugh

"Kala ko ba yung Gab lang ang may kasalanan sayo? Bakit pati ang mga kaibigan nya idadamay mo pa?"

"Kasama na din sila dahil kaibigan nila yung Gab na yun. Malas lang talaga nila dahil nadamay pa sila dahil kay Gab" sabay tawa nya na naman .

Sabihin nyo nga sakin, ano ba talaga ang problema ng isang toh? Baka naman may sayad na toh! Nako, malala na yata toh! Tss, mahirap toh XD

"Xiv, sigurado ka ba?" paninigurado ko

"Oo naman, kailangan kong magantihan ang babaeng yun. So, ano na ang plano?" nakangiti nyang tanong with matching taas baba ng kilay nya.

"Ganito ang plano .. Aalamin ko muna ang lahat sa kanila, para naman may alam ka sa background nila. Malay mo mga dati pala yung lalaki tapos nagpasex change lang para maging babae. Hahahaha"

"Seriously dylan, ano nga ang gagawin?"

"Yun nga! Aalamin muna natin ang mga background nila"

"Tapos?"

"Tapos? Hmm, di ko pa alam! Hehe, basta sasabihin ko naman sayo eh!"

"Sige aabangan ko yan, maghintay sila sa paghihiganti ni Xiv! Ang leader ng gangster!"

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon