Chapter Thirty-Two~ What Is The Meaning Of This?

4.7K 126 2
                                    

(Third Person's POV)

"Myx? Ken? Anong ginagawa nyo?" napaayos naman si Myx at Ken ng makita kung sino ang nasa pinto

"A-he-he. Nix mali ka ng nakita huh?! Yung totoo kasi nyan ay sinu---" di na napagpatuloy ni Myx ang sinasabi ng magsalita si Nix

"Nope. It's okay. Sorry sa pag-interupt ko. Maiwan ko na kayo dyan" sabi ni Nix at isinara ulit ang pinto

"Tsk. Kasalanan mo toh eh! Kung hindi mo lang kasi pinagtripan ang mukha ko edi sana hindi tayo makikita ng ganon ni Nix. Kaasar ka" inis na sabi ni Myx kay Ken

"Hah! Ako pa? Eh sino kaya ang unang nangbaboy sa mukha? Diba ikaw? Sa may computer ko binababoy mo yung picture kong gwapo dun" Okay. Walang sawang sisihan lang ang gagawin ng dalawang toh.

"Pwede ba tama na ang kakadada mo dyan? Wala din naman kasing mangyayari eh! Nakita na tayo ni Nix sa ganong posisyon. Kausapin mo na lang sya mamaya" sabi ni Ken at humilata sa kama

"Okay. Whatever!"

Pumunta naman si Myx dun sa may tapat ng computer at nagprint pa ng mga flyers.

Wala naman sa sarili si Nix na naglalakad papunta sa kusina ng bahay ni Ken

"Akala ko ba magkaibigan lang sila? Eh bakit ganon yung scene kanina?" tanong ni Nix sa sarili at patuloy padin sa paglalakad

"Chichi Ko! Anong iniisip mo?" automatic naman na napatigil si Nix sa paglalakad at tinignan ng masama si Ace

"Ace. Pwede ba!" inis na sabi ni Nix

"Ano yun Chichi ko?" nakapout na sabi ni Ace

"Get Lost! You Chowchow! Layas" sabay handsign ni Nix ng chupii

"Pinapaalis mo ba ko? Ayaw mo na sakin?" tanong ulit ni Ace. Halata naman sa mukha ni Nix na naaasar na sya sa pinaggagagawa ni Ace

"Nang-aasar kaba?" kalmadong tanong ni Nix pero halata na nagpipigil sya ng asar nya

"Nope. Chichi naman!"

"P*TA! Sabing lumayas ka eh!" sigaw ni Nix

"Hahahahaha. Asar talo ka talaga Nix! Joke lang. May kailangan lang talaga ako sayo" patuloy padin sa pagtawa si Ace kaya yung mukha ni Nix ay ganito -____-"

"Anong kailangan mo sakin?"

"Uhm. Pano ba mag-aya ng babae para sa Acquaintance?" tanong ni Ace

"Yun lang?"

"Yep"

"Just ask her kung pwedeng maging Date sa Acquaintance. Pumapayag naman ang mga babae pag ganon eh" sabi ni Nix at tumungo sa Ref at kumuha ng bottled juice

"Sa tingin mo papayag sya pag inaya ko sya?" tanong ulit ni Ace

Uminom muna si Nix ng juice bago sumagot "Yeah. Papayag naman yung girl kung maayos kang makikiusap" sabay inom ulit ni Nix ng juice

"Nix?" tawag ni Ace

"Yep?"

"I want you to be MY DATE" matapang na sabi ni Ace. Nagulat naman si Nix kaya napatitig lang sya kay Ace

(Ace's POV)

"I want you to be MY DATE" sabi ko kay Nix, hindi agad sya nakasagot at tinitigan lang ako "Hey Nix? Ano? Ano ng sagot mo?" tanong ko ulit sa kanya

"Hahahahaha. Palabiro ka talaga Ace! Wag mo nga akong pagpractice-an. Geh! Maiwan na kita dyan" sabay layas? San ang hustisya dun? Ang tingin nya pala dun practice lang? Ang Slow talaga nung babaeng yun. Sya naman talaga yung yayayain ko eh. Parang tanga .. Mamaya na nga lang. Tumambay muna ako dun sa kusina ng bahay ni Ken at uminom ng beer

Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon