(Charity's POV)
Di ako nakatulog ng maayos eh! Ang hirap talaga dito sa ospital :3 Taga bantay lang ng baby.
"Cha, di kaba dito nahihirapan? Kung gusto mo umuwi kana muna" sabi sakin ni tita Nely
"Nope tita. Okay lang po ako. At tsaka ang sarap-sarap kayang magbantay ng cute na baby" hawak ko kasi ngayon yung baby nya
"Nakakahiya naman kasi sayo eh! Kakarating mo lang tapos nandito ka ngayon imbis na nagpapahinga ka"
"Okay lang tita. Ano kaba! Para namang naiba kapa sakin? Eh ikaw nga ang nag-aalaga sakin nung bata pa ako"
"Hahaha, natatandaan mo pa pala yun?"
"Oo naman" lumapit ako sa kanya at iniabot yung baby nya. Time na kasi para i-breast feed nya yung baby. Baby boy nga pala ang panganay nya. David nga ang name eh! Biblical name :)
"Tita Nely, natatandaan mo pa ba si Xiv?" tanong ko sa kanya
"Hmm, yung boyfriend mo dati?"
"Yeah!"
"Oo naman! Tanda ko pa yun. Sakin ka nagkkwento eh. Ano nga palang nangyari sa inyo nun?"
"Wala na kami tita. Simula nang umalis ako ng bansa"
"Bakit? Nakipaghiwalay ba sya sayo?"
"Nope! Ako po ang nakipaghiwalay"
"Teka! Bakit naman?" gulat nyang tanong
"Si Dad kasi eh! May ipapakasal sakin nung mga panahon na yun at tinakot nya ko para hiwalayan si Xiv"
"Tapos? Anong nangyari?"
"Nakipaghiwalay ako. Baka kasi saktan nya si Xiv eh! Ayoko namang masaktan yung taong mahal ko. Kaya kahit na masakit sakin na makipaghiwalay sa kanya. Ginawa ko padin, para din naman kasi sa kapakanan nya yun eh!"
"Haaay, sorry Cha! Wala man lang akong nagawa para pigilan yun"
"Nope! Okay lang tita. Atleast ngayon masaya na si Xiv. Pero namimiss ko talaga sya! Lalo na yung mga bonding namin dati" nilapag nya naman si baby David sa kama. Nakatulog na din kasi eh!
"Pwede pa din naman diba?" sabay upo nya sa gilid ng kama at tumabi naman ako sa kanya
"Sana nga tita. Pwede pa! Pero hindi eh! Meron na kasing ibang nagpapasaya sa kanya eh!"
"May girlfriend na sya?"
"Opo! Nakita ko sila kahapon. Magkasama sila. Maganda yung girl. Gab ang pangalan nya"
"Girlfriend palang naman eh! Ang asawa nga naaagaw eh! Boyfriend pa kaya? Wag kang mawalan ng pag-asa! Malay mo mahal ka padin ni Xiv, diba?"
"Sa tingin ko. Mahal nya si Gab"
"Paano mo naman nalaman? Nasa'yo ba ang puso ni Xiv?"
"Sa tingin ko lang. Kasi grabe si Xiv kung makapagprotekta sa kanya eh! Tsaka nakikita ko naman sa kilos ni Xiv na mahal nya si Gab eh!"
"Cha, hangga't hindi mo sinusubukan yung gusto mong subukan hindi mo malalaman yung totoo. Malay mo naman! May gusto pa sayo si Xiv at panakip butas nya lang si Gab. Bakit hindi mo i-try na tanungin si Xiv?"
"Natatakot ako tita, baka kasi mapahiya lang ako. Tsaka masaya na naman sya eh! Bakit ko pa sya guguluhin?"
"Ikaw ang bahala. Kung ako sayo. Susubukan kong alamin yung totoo. Kung hindi na maibabalik yung dati, edi okay. Mas maigi nang may ginawa ka kesa naman sa tumunganga ka lang dyan at pinapanood mo yung taong mahal mo na sumasaya sa piling ng iba" then she tap my back
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Teen FictionThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...