(Myx's POV)
Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari. Basta ang alam ko lang at malinaw sakin ay .. MAGKAKAGALIT sila. Kailan kaya magiging maayos ulit ang pamilya namin? Tsaka, hindi pa nagsisink-in sa utak ko yung 'Revenge' na word. Haaay, ang tanga naman kasi ng mga gangsters na yun eh! Bakit isa pa sa mga kasamahan namin ang pinatay nila? At yung mataas pa! Ang bobo talaga nila. Ayan tuloy, mapapadali ang buhay nila. Kawawang mga nilalang. Mga engot kasi eh! Anyway, ang nagsink in lang yata sakin ay yung mga tao na susundan namin ..
Gab kay Xiv
Ria kay Jae
Jem kay Max
Nix kay Ace
at sakin si Ken
Hahaha, kung sinuswerte nga naman! Dun pa ako napatapat sa laiterong yun! Akala nya, patay sya sakin ngayon. Gagantihan ko sya sa mga katangahan nya.
"Ano? Ayos na ba yung pagkain na pinapadeliver?" tanong ni Jem
"Hindi pa po madam" sabi ni Gab
"Tsk. Ang tagal naman yata! Bakit ba ang tagal nyan? Sasapakin ko yung delivery boy ng fastfood na yan eh!" pagmamaktol nya
"Sa matagal eh! Anong magagawa?" asar na sabi ni Gab
"K. Aalis na muna ako! May bibilhin lang ako sa labas" pagpapaalam ni Jem
"Okay sige! Bilisan mo lang at baka mamaya nandito na yung pagkain" sabi ni Ria
"Baka nga maunahan ko pa yang delivery boy eh! Sa sobrang kupad nya"
Umalis na si Jem at kaming tatlo ang naiwan dito sa bahay. Bahala sila sa buhay nila. Basta neutral lang ako at wala akong kakampihan. Kasi naman, pareho silang may mali. Kung sino pa ang nagsasaway dati, yun pa ang taga-panguna ngayon ng gulo. Ewan ko sa kanila.
(Jem's POV)
Hindi ko na talaga makakayanan na manatili pa dun sa bahay habang nandun yung Ria na yun. Wag lang talaga magpakita sakin yung Jay North na yun! Kasi hindi talaga ako magdadalawang isip na patayin sya! Pangako.
Nandito ako ngayon sa kalsada, naglalakad. Wala kasi akong magawa eh! Bibili na lang muna ako ng softdrinks. Agang-aga ano? Wala kayong pakialam! Trip ko magsoftdrinks sa umaga eh. Baliw nga kasi ako.
**Mini store
"Ate, pabili nga ng softdrinks. Yung nasa can. Sprite" sabi ko
"Eto na oh" sabay abot nya sakin
Pero pagtalikod ko ...
"Look who's here? Hahaha" sabi ni Max. Kung minamalas nga naman
"Tabi nga! Ang laki mong bara sa daanan eh" sabi ko at binangga sya
"Teka nga!" sabay hawak nya sa braso ko
"Bakit? What do you want? Ha?" tanong ko
"What do I want?" he rephrase
"Bingi ka? Tagalugin ko pa ba? Anong gusto mo?"
"I WANT YOU" sabi nya sabay ngiti
"Me? Are kidding? Bitawan mo nga ako engot!"
"No, I'm not"
"Who do you think you are?" inis kong tanong sa kanya
"Me? Well, I am Maxell Adrian Xeb. The one that make you fall in love"
"Really? Patawa ka! Harap ka nga muna sa salamin. Pwede? And will you please let go of me? Baka mahawaan ako ng virus mo! Engot!" sabay higit ko braso ko at lakad palayo. Bakit? Sino ba sya para hawakan ako? Ang kapal naman ng mukha nya!
BINABASA MO ANG
Vampire Girls Vs Gangster Boys {Completed}
Teen FictionThis is a Story of a Group of Vampire who fell in love with a Group of Gangster. At first the Vampire Girls just want a revenge because their Leader died because of a Group of Gangster who killed it. Then, they didn't know that they're falling in lo...