Nineteen

103 4 0
                                    

Nineteen

"A-Axel?" Halos hindi niya marinig ang tawag ko dahil napupuno ng luha ang mata niya at agad na lumapit kay Alex.

Biglang pumasok sa isip ko lahat ng sinabi niya, that he has a twin brother and it's sick. Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko at unti-unting lumabas sa kwartong 'yon. Nakauwi akong namamaga ang mata at dumiretso sa kwarto at nagkulong.

Monday at dali-dali akong kumilos upang pumasok sa school. Naglalakad na ako sa kahabaan ng hallway papasok sa klase nang makaramdam ako ng kakaibang tinginan sa akin. Is it because I take the crown?

Hindi ko na lamang pinansin ang lagkit ng tingin nila at nagpatuloy sa pagpasok sa room at naupo. Napasulyap ako sa katabing upuan at napasinghap, mukhang hindi siya papasok.

[Flashback]
Sunday

Bitbit ko ang flower na binili ko sa flower shop at fruits nang makita ko si Axel sa labas ng room ni Alex.

Nagulat pa siya ng makita ako sa labas.

"P-Paano mo nala–" hindi ko siya pinatapos pa sa sasabihin niya.

"I was the one who call the ambulance yesterday. I'm also Alex friend." Nagiwas siya ng tingin sa akin at nahahalata kong alam na niya na magkaibigan kami.

Tipid ang ngiti ko at iginaya niya na ako sa loob ng kwarto, hudyat na ng pumasok sa loob. Sinunod ko ang gusto niya. Pagpasok ko sa loob ay naabutan kong nakaupo si Alex at napangiti ng makita ako.

"Nandito ka pala..." sabi niya ng may malawak na ngiti. Naiilang siyang tumingin sa akin, mukhang na-inform na siya ng Parents niya about sa nangyari kahapon.

"I'm sorry for what happened yesterday." Hingi niya ng paumanhin. I shook my head. "Pinakaba pa kita." biro niya.

Dahan-dahan kong inilapag sa mesa ang dala ko at masama siyang tiningnan. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may sakit ka pala. Pinapunta pa kita sa pageant ko ng di man lang nalaman na delikado pala 'yon para sayo."

Nginitian niya ako ng malapad. "Its okay, Atleast nang dahil sayo nakalabas ako 'diba? I didn't even imagine na makakapanood ako ng pageant simula ng malaman kong may sakit ako. And that was all because of you. Thank you." Napangiwi na ako at unti-unting napangiti..I don't know pero nakakagaan talaga ng loob kapag kausap ko si Alex.

He laughed like he usually do when we were talking at para bang nakakalimutan kong may malubha siyang sakit. Ilang beses niya 'rin akong inaasar dahil sa pag-iyak ko kahapon ng malaman kong may sakit siya. He even exaggerated my expression when I call the ambulance. Mukhang naikwento sa kanya ni Tita lahat ng pagkatakot ko sa nangyari at wala na lamang akong nagawa kung hindi ang mapangiti sa pagpapatawa niya. After an hour ay nagpaalam na 'rin ako and he then called Axel outside.

"Ax, pwede bang pakihatid na lang si Riel sa sakayan ng Taxi?" bilin niya kay Axel. Mabilis akong umalma sa gusto niyang mangyari. Nakakahiya at kaya ko naman ang sarili, nakarating naman ako 'ritong magisa kaya, kaya ko na ang sarili ko.

Napatingin ako sa nakahalukipkip na si Axel, he looks sad while looking at us. "No, hindi na kailangan, kaya ko naman ang sarili ko." Sagot ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla ng hilain ni Axel ang kamay ko kaya wala akong naging choice kung hindi magpaalam kay Alex.

"He needs to rest." Sabi niya. Binitawan niya ang kamay ko at sinabayan ako sa paglalakad. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang binabagtas namin ang daan patungong sakayan ng Taxi. Ang daming naglalarong tanong sa isip ko ngunit nawalan ako ng lakas upang magtanong.

Gusto kong malaman kung alam niya bang magkaibigan kami ni Alex? Alam ba ni Alex na magkaklase kami? At magka-seatmate pa? Sa daming gustong itanong ang isip ko, hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Napatigil ako sa paglalakad sandali at nahahalata ko ang bigat sa bawat hakbang ni Axel, ibang iba sa nakikita ko sa school.

Nang makarating sa sakayan ng Taxi ay isang napaka-tipid na ngiti ang binitawan niya at walang emosyong nagpaalam sa akin. Hindi ko siya matanong kung okay lang siya dahil alam ko namang hindi.

[End of Flashback]

Breaktime na nang maramdaman ko ang pagakbay sa akin ni Gus.

"Kamusta ang aming Miss Winston?" Asar niyang salubong sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dire-diretso lang ang hakbang patungong cafeteria.

Kanina ko pa talaga napapansin ang mga kakaibang tingin sa akin ng aming schoolmates, pati kaklase ko during discussion kanina ay iba din ang tingin at nagbubulungan. Nagtataka din ako dahil wala man lang nagco-congratulate sa akin sa room. Last Friday, all of them were happy with my achievments.

Binulungan ako ni Gus. "Do you have any idea what are they gossiping?" Tanong niya sa akin. Nagkibit balikat ako.

Naupo ako sa cafeteria at hinayaang umorder si Gus ng pagkain namin nang maningkit ang mata ko dahil sa anim na mga babaeng pumapalibot sa akin at binuhusan ako ng hawak nilang juice. My eyes widen habang damang-dama ang malamig na juice na gumagapang sa aking uniforme. Are they bullying me? Ganito na ba ngayon manalo sa pageant? Imbes na congratulatory ang matanggap mo e' pambu-bully?

Naihampas ko ang kamay ko sa mesa at masama silang tiningnan. "What are you all doing!" Sigaw ko dahilan upang makuha ang atensyon nilang lahat. Lumapit na 'rin sa akin si Gus at pinapakalma ako. Biglang humalukipkip ang isa at dinuro-duro ako.

"Tell us! Tell us the reason why you transfer here!." Matapang na sabi nung naka-blonde ang buhok. Naningkit ang mata ko at nakukutuban kung saan papunta itong komprontahang ito.

Nanahimik ako at hindi nagsalita. Inismiran ako nung isa pa at dinuro-duro. "See guys, all of the information that has been posted to our school forum is all true."

"What kind of post?" Sabat naman ni Gus. Ito ba yung dahilan kung bakit iba ang tingin nila sa akin pagpasok ko palang dito sa school.

"About her being a murderer..." tuluyan ng nanginig ang kalamnan ko sa narinig at napatakbo sa kawalan. Narinig ko pa ang paulit-ulit na tawag ni Gus ng pangalan ko ngunit nagfa-flashback sa akin ang lahat, all of the judgment eyes na pilit kong tinatakasan sa Surigao.

I even saw Samantha being happy for framing me. I even saw her devilish smile. It's haunting me again, her words that are buried deep in my heart. Her accusation, the feeling that I've been trying not to awaken are slowly eating me up...all of it.

Nagkulong ako sa isang cubicle at pinipigilan ang panginginig ng aking kamay. No! Hindi, paano nila nalaman? Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang sinasabi nila sa school forum at tuluyan na namang nablanko ang isip ko. Nanginginig ang kalamnan kong binabasa ang nakasulat doon. It's coming back again... the feeling of me wanting to run away again.

Anong gagawin ko Mom? Dad? It's haunting me again.

Please stop them...

Afterwards I heard an endless whisper outside and they were all talking about me. They are judging me without even knowing the truth. 

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon