Thirty One
After we ate lunch ay nagpaalam na 'rin si Axel sa akin for his meeting. Naging abala ako buong maghapon, mas dumoble rin ang mga outpatient ko sa hapon 'yon. Maya't maya rin ang tawag sa akin sa ER kaya nararamdaman ko na ang pagod ko sa buong maghapon. Naglalakad ako patungong coffee shop ng makasalubong ko si Gus, mukhang bibili rin siya ng coffee niya.
"Balita ko nanliligaw na daw sayo si Axel." makahulugan siyang ngumingiti na wari'y sinasabi sa aking dream come true na ito.Napairap ako at nag-order ng hot mocha latte, tinanong ko ri si Gus ng kan'ya at isang hot amerikano ang sabi niya. Nang magbabayad na, hiningi ko na ang pambayad sa kan'ya. He just smirked at me at nilabas ang credit card niya kaya 'yon rin ang binigay ko sa cashier.
"So..." pauna niya sa akin. "How did it happen? He contact me earlier that he wants to go to your office and he said he will work there. He's asking me kung bawal daw ang ganoon or may protocol ba tayo about sa ganoon." Nagkibit-balikat lang ako habang hinahawakan ang aking batok at minamasahe.
"He ask my parents yesterday for permission na manliligaw daw siya sa akin" Biglang nag-ngising aso si Gus sa gilid ko na para bang amaze na amaze siya sa ginawa ni Axel."I didn't know, courting was still a trend these days, huh? '' he said amusingly. "So this is how Axel win a girl huh?" Hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niya, kinuha ko ang coffee naming dalawa. Naghanap ako ng mauupuan at may nakita naman akong pangdalawahang table. Nilapag ko doon ang coffee naming dalawa at naupo. Hinilot-hilot ko ang aking sintido habang naupo naman sa harap ko si Gus.
"Straight ang duty mo?" tumango kaagad ako sa tanong niya.
"So hindi ka pa nakapag-pahinga?" pagod ko siyang tiningnan at uminom ng kape ko.
"So, I guess this is why Axel wants to work in your office. The second version of your parents or baka mas malala pa." I smirked at him at uminom ulit ng kape.
"Anong oras ka uuwi? Susunduin ka ba niya?" Pang-uusisa sa akin ni Gus.
"I don't know Gus, ang daming pasyente. Possible pa na baka mag-proxy ako sa operation ni Apolo at naka-leave daw ngayon." Pagod kong sagot sa kanya.
Narinig ko ang pagsinghap niya at uminom ng kape. Mabuti at tahimik pa naman ang cellphone ko. Mukhang hindi pa ganoon ka busy sa emergency, kaya ninamnam ko muna ang pag-inom ng kape. Naigala ko ang paningin ko sa paligid at ngayon ko lang napansin na marami palang kumukuha ng picture ko. May nakita pa akong kumakaway sa akin kaya nginitian ko na lang rin pabalik. Sa sobrang pagod ko, hindi ko man lang napansin na pinagpi-pyestahan na pala ako.
Napansin ni Gus ang tiningnan ko kaya sumulyap din siya. "In just an instant you became a star." he said and smirked..
Tiningnan ko ang oras at 5 o'clock na pala ng hapon. Tahimik ko lang na ininom ang coffee ko nang makarinig ako ng bulong-bulungan sa paligid. Kunot ang noo kong nilingon iyon at ganoon na lamang ang pagkakatigil ng mapansin ang presensya ni Axel na papalapit sa amin. Narinig ko ang sipol ni Gus sa harap ko but my eyes fixed on Axel's brooding aura. Hawak niya ang coat sa kan'yang kaliwang kamay habang nakapasok naman ang kanang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Napalunok ako at nagiwas ng tingin.
Napainom nalang ulit ako ng kape nang mapansin kong hinila ni Gus ang isang upuan sa malapit at umupo sa tabi naming dalawa.
"Done with your work?" salubong na tanong ni Gus sa kanya."Meeting..." pagtatama ni Axel. Tiningnan ako ng ni Axel at kinuha ang pansin ko.
"Riel, what time will you go home? Do you want to eat outside or in your condo? Magluluto ako." Nanlaki ang mata ko sa casual ng way ng pagkaka sabi niya. Hindi tuloy maitago ang ngiti ni Gus sa harap ko. Nagtama ang tingin namin ni Axel at naghihintay siya ng sagot ko.
I clear my throat. "Uhm. I still don't know Axel, baka mag-overnight ulit ako ngayon" bigong tugon ko.
"What?" Inis niyang usal niya at igting ang panga'ng tiningnan si Gus sa tabi niya.
"Can you do something about it Gus? She's not sleeping for almost 24 hours and maybe 48 hours if she will be on duty again later."
"If only I could have done anything Axel, I would have done it already. This is really the reality of being a Doctor Axel." Napasinghap si Axel sa sinabi ni Gus.
"I'm okay Axel. I'm used to it. No need to worry."
"B-but-damn it!" he said frustratingly.
"Don't worry, we can just eat our dinner outside. " pampalubag loob ko sa kan'ya.
"That's not my point. I want you to rest, you look so tired, Riel." Napatikhim kami pareho ni Gus. Alam kong sanay na sanay naman ako sa working hours ko at ganoon rin si Gus, kaya siguro ganito si Axel dahil first time niya akong makitang ganito ka-busy. Even my parents is so worried for me dahil sa ganitong set up ko sa trabaho.
Pero anong magagawa ko, this is the nature of my work. This is how I saved the lives of the people.
Magsasalita na sana ako nang biglang tumawag si Liya sa akin, saying that we have an incoming ambulance in the lobby dahil puno ang Emergency.
Hindi ko na naubos ang kape ko at tumakbo na ako sa Lobby. Saktong paglabas ko ay ang paglabas ng portable bed na nakahiga ang pasyente. She's having a heart attack kaya walang pasubali akong umakyat sa bed at nag-perform ng cpr sa pasyente habang dini-discusss sa akin ng paramedics ang mga blood pressure niya etc. Nasa loob na kami ng lobby ng magtama ang tingin namin ni Axel at nakatayo na siya habang seryosong seryosong ang ang titig sa akin.
Nararamdaman ko ang tagaktak ng pawis sa aking noo habang nagpe-perdorm ng cpr sa pasyente. After a second ay tumigil ako at pinakiramdaman ang pulse rate niya sa kanyang leeg at napa-hinga ako ng malalim ng maramdamang bumalik na ito. Bumaba na ako sa portable bed at hinayaan na silang pumunta sa ER.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina upang magpaalam."Sorry guys, emergency lang, I need to go. Titingnan ko kung makaka-singit ako para sa dinner Axel." Hindi siya nagsalita, naantili ang titig niya at namamangha sa natunghayan. Kumibot ang aking labi at nagtatangka na sanang kunin ang coffee nang bigla siyang lumapit sa akin, halos magdikit na ang katawan naming dalawa dahil sa sobrang lapit niya. My eyes lifted at him, my mind and body froze as he closed our distance lovingly.
"I'm so.." pumikit siya ng mariin "...so in love with you, Riel" he said it like a whisper to my ear. My lips parted, nanghina ang tuhod ko sa narinig mula sa kanya at parang hinahampas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...