One
Basang basa ko ang disappointments sa mga mata ng aking mga magulang. At hindi sila makapaniwala na nagawa ko 'yon at gustuhin ko mang ipagtanggol ang aking sarili, nanatili na lang akong tahimik. What for? Hindi rin naman sila naniniwala sa akin.
Paggising ko kinaumagahan, naabutan ko sila Mom and Dad na nag-aasikaso sa pagpasok samantalang diretso naman ako sa hapag..
It's Monday, at isang linggo na akong panay kulong lang sa kwarto. Bago lumabas ay lumapit muna si Mom sa akin at may inilapag sa tabi.
Nagtama ang tingin namin, alam kong galit pa rin siya sa akin dahil hanggang ngayon, wala parin silang nakuhang matinong sagot mula sa akin.
"Its your new uniform. I also prepared your bag, kunin mo na lang sa sala. Be ready by 9 o'clock am. Ihahatid ka na lang ni Manong Noli sa school mo." Tahimik akong napatango sa sinabi ni Mom. Tipid ang binigay na ngiti niya sa akin at tuluyan ng umalis. Si Daddy ay hinalikan muna ako sa ulo at nagpaalam na rin.
After ko kumain, nag-handa na 'rin ako sa pagpasok. Makaraan ng ilang minutong paghahanda, natapos na ako at kinuha na ang bag na sinabi ni Mom na may note na nakalagay.
3rd Year - Kindness (Ms. Del Monte- Adviser)
I crumpled the note at itinapon sa basurahan. Hindi nagtagal ay pumarada na rin sa pinto ang sasakyan na maghahatid sa akin sa school. Tahimik akong nakaupo sa likuran habang nakamasid sa dinaraanan.
After 30 minutes huminto na ang sasakyan sa tapat ng school. I open my phone at baka'y nagtext sila Mom ngunit wala akong nareceive. I know they're still upset.
Maayos akong nagpaalam kay Manong at dire-diretso ang pasok sa loob. Bago sa paningin ko ang buong school kaya ina-analisa ko muna ang nadaraanan ko. Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng tawag at ganuon na lang ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang caller.
Gus Calling...
"Where are you? I was informed by Tito Rio na dito ka daw sa school namin mag-aaral?" tanong niya on the other line.
Palihim akong napangiti sa sinabi niya. Mabuti na lang at may kakilala naman pala ako dito.
"Kakapasok ko lang sa gate ng school, ikaw? Tour mo ko dito mamaya after your class."
"Gate din ng school." Saad niya. Kaagad kong ibinaba ang kanyang tawag dahil may narinig akong nagtitilian sa aking likuran. Maging ang mga babaeng nasa unahan ko'y halos patakbong nagtungo doon. Ano to? Some sort of popularity?
Paglingo'y napangiwi na lang akong makitang nagku-kumpulan na sila habang pinagpi-piyestahan ang dalawang lalaking patungo sa pwesto ko.
Tinitigan kong maigi ang isang lalaki at natawa na lamang ako ng makitang si Gus yung isa. Yung isa ay di ako gaanong pamilyar.
Nagtama ang tingin namin ni Gus at agad lumapad ang ngiti niya ng makita ako. Patakbo pa siyang lumapit sa akin.
"Riel!" tawag niya sa akin.
I smiled and waved my hands. Nang nasa harap ko na siya ay nakatanggap kaagad siya ng batok mula sa akin. Kitang-kita ko ang mga kakaibang tingin sa akin ng mga babaeng nanunuod.
"I told you to call me Ate Riel, diba?" Napakamot siya sa ulo at binigyan ako ng malawak na ngiti. Nag-peace sign pa ang loko.
Lumipad agad ang kamay niya sa balikat ko. I pouted in front of him, mariin siyang tiningnan at nginuso ang mga babaeng nakatanaw sa amin.
"What's with them? Don't tell me–" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin at ibinida niya kaagad ang mukha niya. Kapal!
"I'm a heartthrob in this school kaya it's a natural for me na bata-batalyong babae ang sumasalubong sa akin kahit saan ako magpunta." Inismiran ko lang siya sa pagbida-bida niya sa kanyang sarili. I rolled my eyes on him. Napaka-presko talaga ng isang ito.
May lumapit sa aming isang lalaki, ito yung kasama niya kanina na pinagkakaguluhan 'rin.
"By the way, Axel, this is Riel" sinamaan ko kaagad ng tingin si Gus dahil sa tawag niya sa akin "I mean Ate Riel pala. Psh! Isang taon lang naman ang tanda niya sa akin." Bulong bulong niya pa sa tabi ko. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.
Naglahad ako ng kamay sa lalaking nasa harap ko to formally introduced myself. "Hi, I'm Chessy Riel Salazar." Pakilala ko ngunit tiningnan niya lang ang kamay ko na animo'y may bacteria 'roon at nilampasan ako. My lips parted at what he did.
.Si Gus naman ay tinapik lamang ang balikat ko habang nakatanaw lang sa naglalakad na lalaking 'yon.
"Hayaan mo na lang Riel, snobber talaga yon." Ipinagkibit balikat ko na lang ang tinuran niya at hinayaan na lamang ito. Marami pa akong dapat isipin kaysa aksayahin ang oras para sa lalaking 'yon.
"Sinabi ng Ate Riel ang tawag mo sa akin 'e. Gusto mo sumbong kita kay Tito Jasper?" inis na litanya ko kay Gus na agad umiba ang timpla ng mukha, nagpa-sweet pa sa tabi ko.
"Teka saang room ka ba? Samahan na kita para di ka na maligaw pa." Pag-iiba niya ng usapan.
"3rd Year - Kindness" sagot ko.
"Tamang-tama! Magkatabi lang tayo ng room. Wait. kaklase mo si Axel!" Sinimangutan ko siya. Yung snobber na yun? Tsk.
"Hindi bale, wala naman akong balak makipag-kaibigan dito. At pwede ba, iwas-iwasan mo ko, when were here. I just want to keep a low profile until I graduate. Okay?"
Ewan ko ba, mukhang walang paki-alam itong lalaking ito sa mga sinasabi ko. Hinila niya ako papasok sa building namin at kahit pinangako ko sa sarili kong maging low profile ay mukhang malabong mangyari dahil sa lalaking ito. Paano halos lahat ng mga mata ng kababaihan ay nasa amin. Haist!
Isa-isang nagsipasukan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga klase samantalang si Gus ay nasa tabi ko parin at hindi ako iniiwan.
"Pumasok ka na nga sa klase mo." Pangungulit ko sa kanya.
"Wala pa naman ang teacher at baka di mo makilala si Ms. Del Monte." Napasinghap na lang ako sa kakulitan niya. Hindi nagtagal, dumating na 'rin ang teacher niya kaya wala na siyang naging choice kung hindi ang pumasok.
Augustus Jerl Madrigal, son of Tito Jasper and Tita Elren.
Kalaunan ay dumating na rin si Ma'am Del Monte. Binati niya ako at isinabay na sa pagpasok sa loob ng room.
"By the way students, we have a new transferee from Surigao." Tumingin sa akin si Ma'am Del Monte at inilahad sa akin ang harapan, hudyat na magpakilala ako.
"Good Morning, I'm Chessy Riel Salazar, from Surigao. I hope we get along well, 'yon lang." Pakilala ko.
Nginitian ako ni Ms. Del Monte at itinuro ang aking upuan. Sinunod ko na lang siya at naupo sa tabi ng nakayukong lalaki na nakamasid sa bintana.
Pagkaupo ko ay kumuha kaagad ako ng notebook upang i-take note ang mga idi-discuss ngayon. My phone also got vibrated kaya masama akong tiningnan ng katabi ko. Ang sungit!
"Put it on silent." He said in a cold voice.
Sinamaan ko siya ng tingin at napasinghap habang sinusunod ang gusto niya.. I pursed my lips while I am tuning my phone in silence.
Igting ang panga kong binalik ang tingin sa klase, kung minamalas ka nga naman. Talagang siya ang magiging katabi ko? Naghanap pa ako sa paligid ng vacant seat pero wala! Wala akong choice kung hindi ang magtiis dito.
By the way his name is Axel Morata, my new seatmate.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomansaChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...