Twenty Seven

109 4 0
                                    

Twenty Seven

Balisa ang isip ko habang inaayos ang pinamili. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapalabas sa condo ko. Sinulyapan ko ulit siya at nakaupo siya sa sofa habang nagmamasid sa buong unit ko.

Napalunok ako bago ko binasag ang katahimikan naming dalawa.

"T-Thank you for the coffee earlier." Sabi ko. Tiningnan niya ako ng mapanuri habang nakahalukipkip sa sofa.

"Ngayon ka lang nakababa?" Nagtaka ako sa tanong niya pero marahan akong tumango.

"I've done that 1 week ago. You must be so busy...." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hindi ko na tuloy maitago ang ngiti ko. Did he expect me to go to coffee shop every day?

"...after all being a doctor is very busy profession" dugtong niya pa. Mabuti at naiintindihan niya. Kaya nga halos sila Mom ay hindi matigil ka-paalala sa akin na kumain.

Nang matapos ako sa pagaayos ng aking pinamili, nilabas ko na 'rin ang mga gagamitin kong ingredients sa lulutuin kong adobo.

Humarap ako sa kanya at nahihiyang nahuli ang titig niya sa akin.

"By the way did you eat–" hindi ko natapos ang sasabihin ng biglang sumilay ang ngiti niyang kitang-kita ang dimple. Argh! That dimple again!

"Nope. Di pa ako kumakain." Mabilis niyang tugon na wari'y kanina pa naghihintay sa tanong kong 'yon.

Hinayaan ko siya sa may sala habang ako ay abala sa pagluluto. Makaraan ng ilang minuto, natapos na ako kaya tinawag ko na 'rin siya.
Naiilang akong nakatingin sa kanya habang hindi niya maitago ang mga ngiting umupo sa harap ko.

"Hindi ko alam na marunong ka pala magluto." aniya.

"Hindi naman, natuto lang nung college since naka-dorm ako that time." sagot ko.

Kumuha na siya ng kubyertos upang tikman ang hinanda kong pagkain kaya nakatutok ang reaksyon ko sa kanya. Halos hindi ko magawang kumurap habang kinakabahan sa lasa ng luto ko.

After a second of examining him isang napakalakas na palakpak ang pinakawalan niya with matching thumbs up na nagpangiti sa akin. Bigla akong natawa sa reaksyon niya. It's so genuine na parang ngayon lamang siya nakatikim ng adobo sa tanang buhay niya.

Tahimik kaming kumakain at wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Nang matapos ay nagulat ako dahil bigla siyang tumayo at nag-prisentang magliligpit. Te-teka!

Mabilisan niyang kinuha ang pinggan ko at kumindat pa talaga sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko sa ginagawa niya "Let me handle this..." para akong tumakbo sa milya-milyang layo dahil sa bilis ng tibok ng aking puso. Hindi ako papayag na makuha niya ako sa ganoong paraan. Kinuha ko ulit ang pinggan at hinarangan siya sa sink ng condo ko.

"You're a visitor, ako na dito." Nagtama ang tingin naming dalawa at kitang-kita ko ang mapanukso niyang mga tingin sa akin. He started to unbutton his shirt at itinaas ang dulo nito hanggang sa kanyang siko. He look so manly, God! Natigilan ako sandali dahil sa nasaksihan at pilit na ibinalik ang sarili sa reyalidad. Natuon ulit ang atensyon ko sa ginagawa niya at mukhang handang-handa na niyang kunin sa mga kamay ko ang pinggan, ngunit nauna ko na siyang tinalukuran at inilapag na lamang ito sa sink. Suko na ako! Dahil sobrang makulit siya ipapaubaya ko na sa kanya 'yan. Ayokong marinig niya ang pagwawala ng puso ko habang naghuhugas siya.

Napakalakas padin talaga ng epekto sa akin ni Axel even before at hanggang ngayon, akala ko marami ng magbabago since napakatagal naming hindi nagkita ngunit sa tuwing nagtatagpo ang landas namin ay para akong ibinabalik sa nakaraan.

Tahimik ko siyang pinagmamasdan at sinusuri ang napakalapad niyang likod na nakaharap sa akin.

"By the way kamusta sila Tita?" bulalas ko. Nakita ko ang pagkakatigil niya sa kanyang ginagawa at hindi nagsalita. Nag-iwas siya ng tingin at mukhang ayaw niyang pag-usapan ito. Baka hindi pa siya handa na i-open si Alex sa akin ulit.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon