Three

196 14 0
                                    

Three

Nasa loob na ako ng sasakyan nila Gus habang katabi ko naman siya. Binuklat ko ang librong kinuha ko sa library nang bigla ko na namang maalala ang nakita ko kanina.

Nilipat ko ang pahina ng libro at nagtanong kay Gus.

"Gus?" Tawag ko ng pansin niya.

"Yes?" Aniya habang busy sa kakapindot ng cellphone.

"May girlfriend na pala si Axel?" napahinto siya sa ginagawa at tumingin sa akin, seryoso.

"Si Axel?" Tanong niya ulit kaya tumango ako habang ang mata ay nasa libro.

"Walang girlfriend 'yon, ni hindi nga marunong tumingin sa babae 'yon." Natigil ako sa pagbabasa dahil sa sinabi niya. Walang girlfriend? 'E sino pala yung nakita ko kanina?

Huwag mong sabihing secret girlfriend niya 'yon at dapat walang nakakaalam?. Napaisip ako, bakit naman? Bakit kailangan pang ilihim kung nagmamahalan naman sila noong babae?

Pinukol ako ng tingin ni Gus. "Why?" Makahulugan niyang tanong sa akin. Isinawalang bahala ko lang ang mga titig niya at bumalik sa pagbabasa nang magsalita na naman siya.

"Why? Dont tell me?" may nanunuyang ngiti ang namuo sa labi niya "Type mo?" hindi ko siya pinatapos at marahas kong sinarado ang libro.

"Don't jump into conclusion, nacurious lang ako." Saad ko at tumunghay na sa bintana ng sasakyan at dinama ang tanawing nadaraanan. Hindi na 'rin naman siya nangulit dahil bumalik ulit ito sa pagce-cellphone niya.

Masigla kaming binati ni Tita Elren nang makapasok na ang sasakyan sa gate. Unang lumabas si Gus na malapad ang ngiti sa kanyang ina, sumunod din naman ako. Binati ko agad si Tita na nakaabang sa amin sa bukana ng bahay, ngunit mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko si Tito Jasper na nakahanda na ang dalawang kamay upang yakapin ako. Natawa ako, mas masigla pa ang greetings niya ng makita ako kaysa kay Gus.

Nilakhan ko na 'rin ang hakbang ko at niyakap si Tito pabalik. "How are you? Okay ba pakikitungo sayo ng anak ko?" Bungad niya akin.

"Okay naman Tito, medyo habulin lang talaga ang anak mo sa school." Saad ko.

Humalakhak si Tito sa sinabi ko. "We'll, kanino pa nga ba magmamana?" pagmamalaki niya. Umiling ako at iginaya na niya ako sa loob ng bahay.

Hindi nagtagal, dumating na din sila Mom and Dad. Pupunta din sana si Tito Raiden kaso biglang may emergency sa office. Ganoon din si Tito Jel kaya kami-kami na lang ang naruon.

Pagod na pagod kong inihagis ang aking bag sa sahig at dumiretso sa banyo upang makapag-linis. Gusto ko na sanang matulog kaso bigla kong naalala ang assignment na pinapagawa sa amin. Kaya no choice ako kung hindi imulat ang aking mata ng ilan pang minuto.

After ko maglinis ng katawan ay nagbihis kaagad ako ng pantulog. Kinuha ko na 'rin ang bag sa sahig at ipinatong sa study table. Binuksan ko ang bintana upang makalanghap ng sariwang hangin. I open my study lamp at naupo, habang sinimulan ng buklatin ang mga libro. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat nang makaramdam ng antok. Nagpasya muna akong bumaba sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom nang mapansin kong gising pa si Mommy at mukhang may ginagawa sa kusina.

Nasa tapat na ako ng refrigerator nang huminto si Mom sa kanyang ginagawa at ibinigay sa akin ang prutas na kanyang binabalatan.

"Don't sleep too late, may pasok ka pa bukas." Malambing na sambit niya at dahan-dahang umalis. Napangiti ako sa tinuran ni Mommy at dinala sa taas ang fruits na hinanda niya para sa akin. Minadali ko na 'rin ang assignments ko para makapag-pahinga na.

Napaunat akong binalik ang libro sa bag. Isasarado ko na 'rin sana ang bintana ng natigilan ako dahil may lalaking nakadungaw sa kabilang bintana at titig na titig sa akin.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon