Thirty Nine

110 6 0
                                    

Thirty Nine

Nakahalukipkip si Gus habang inaantay ako sa hamba ng pintuan ng aking opisina. Dinampot ko ang bag at lumabas ng office, sumunod rin naman siya sa akin. Inakbayan niya pa ako pero dahil sa pagod, hinayaan ko na lamang siya at hindi na sinaway pa.

Pagkarating namin sa parking ng hospital, pinatunog niya ang kanyang sasakyan kaya inaantok akong dumiretso doon. Binuksan ko ang pinto sa tabi niya at napapikit. Tahimik ako. Ayoko na muna siyang asarin about kay Samantha dahil nakikipagdigmaan talaga ang talukap ng aking mga mata.

"Iidlip na muna ako Gus. Gisingin mo nalang ako kapag sa office na tayo ni Axel." Tumango si Gus sa sinabi ko kaya pumikit na ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong naidlip basta pag-gising ko nasa opisina na kami ni Axel. Kumunot ang noo ko ng mapansing wala na si Gus sa driver seat. Kinalas ko ang seatbelt at binuksan ang pinto. Nahagip ng mata ko si Gus na nakapamulsang nakasandal sa kanyang sasakyan at hinihintay ako.

"Why are you there?" Tanong ko.

"I'm waiting for you. I waited for you to wake up. Mukhang pagod na pagod ka." sabi niya habang sinusuri ang matayog na building na nasa harap namin.

"Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko ulit habang inaayos ang aking suot.

"Nope. Kakarating lang rin." tugon niya. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob. Inayos ko ang buhok kong nagulo dahil sa pagkakahilig ko sa upuan ng sasakyan ni Gus. Dire-diretso ang pasok ni Gus sa revolving door ng opisina ni Axel. Sinulyapan ko sandali ang itsura ko sa reflection ng door at buti na lang at hindi na ako mukhang janitress ng building na ito. Sinuot ko ang damit ko nung pumasok ako kahapon sa Hospital.

Sa lobby pa lang, kita ko ng nag-aabang si Ms. Delia sa amin, ang secretary ni Axel.

"Sir Gus and Mam Riel, good afternoon po. Dito po tayo, ako na po ang magdadala sa inyo Sir Gus sa meeting with Sir Axel." tumango si Gus sa sinabi ng secretary ni Axel at bumaling rin siya sa akin. "Mam Riel, kayo naman po ay di-diretso sa office ni Sir Axel." sabi niya at ngumiti. Ngumiti na lang rin ako sa kanyang pahayag.

Tahimik kami sa loob ng elevator at pansin ko ang kaba ni Ms. Delia dahil sa presensya namin ni Gus. Siniko ko si Gus na matalim akong tiningnan at nagbibigay ng 'what' look?'.

"Ano? Kaya mo ba ang meeting?" panunuya ko sa kanya.

"What do you think of me? I'm not affected Riel!" Napa-halakhak ako sa sinabi niya. Maging si Ms. Delia ay nakatingin na rin sa tawa ko.

"W-Wala naman akong sinabi na affected ka ah." natatawa kong sabi. "Tinatanong lang naman kita kung kaya mo ba? I mean the meeting, not about that thing..." .panunuya ko sa kanya.

Narinig ko ang mariin niyang buntong hininga. Huling-huli na kita Agusto Jerl! Hindi mo na ito matatanggi sa akin ngayon.

"So you're affected, huh?" panunuyo ko ulit sa kanya. Sinamaan niya na lang ako ng tingin at bumukas ng ang elevator. Iminuwestra na ni Ms. Delia ang pintuan para kay Gus kaya sumunod na 'rin si Gus dito. Sinenyasan ko si Ms. Delia na kaya ko ng umakyat since alam ko na rin naman ang opisina ni Axel.

Bumukas na ulit ang elevator at walang katao-taong office ni Axel ang naabutan ko. Nagiisip pa ako kung saan ako maghihintay? Sa sofa ba sa labas o sa loob ng opisina niya? But since wala namang tao, pumasok ako sa opisina niya at naupo sa swivel chair. Pinagmasdan ko ang mga document sa table at napangiti habang dinarama ang pirma niya rito. He also has a round globe map and a picture frame? Kinuha ko ito at tiningnan. It was Axel, Alex and his parents, their family picture and next to it, is my picture. This is taken from a magazine. I was smiling in that picture.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon