Twelve
Augustus Jerl Madrigal / Gus POV
Nakasukbit sa aking balikat ang varsity bag na dala papasok ng campus. Hindi 'rin ako nag-uniforme dahil siguradong try-out at meeting lang ang gagawin mag-hapon. Hindi pa ako nakakalayo sa gate, pansin ko agad ang naghihintay na si Axel. Palinga-linga siya na wari'y may hinahanap sa likod ko. Kaagad namuo ang ngiti ko at kakaiba siyang tiningnan. Malalaki ang hakbang niya palapit sa akin. Natawa ako sa itsura niya, halatang puyat kagabi.
"K-Kakarating mo lang?" anang niya at tumunghay kaagad sa aking likuran. Halatang hinahanap si Reil.
"Ah ou, hindi 'rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi." makahulugang asar ko. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya.
"W-Why?"
Halos mapasipol ako sa emosyong inilalabas niya ngunit nagpigil ako. "S-Si Reil ka-" pinutol niya ako at kinakabahan nagtanong.
"What about Reil?" Ang sarap i-film ng kinakabahang emosyon niya habang inaabangan ang isasagot ko. Feeling ko iba ang iniisip niya sa nangyari sa amin kagabi.
"Dami niyang tanong kagabi. Nilayasan ko na lang, wala din naman akong balak sagutin lahat ng tanong niya magdamag." pagsisinungaling ko. Sinuri ko ang emosyon niya at para siyang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko.
Lumapit ako sa kanya at mapanuksong siya siniko "Why? Iba ba naiisip mo?" Napalunok muna siya at umiling.
"No. Let's go. May meeting pa kami ngayon." medyo naging masigla na ang tono ng boses niya habang binabagtas namin ang room.
Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng aming president about sa gagawing school fair nang nakatanggap ako ng tawag kay Axel.
"Yow!" bati ko."Do you have any idea why Riel is absent?" tanong niya.
"No. Why?"
"W-Wala lang. Wala kasi siya" Pilyong pumorma ang labi ko at tinukso.
"Bakit? Miss mo na? Kaya kanina mo pa inaabangan?" Hindi na niya ako nagawa pang sagutin at pinatay na niya ang tawag. Napaghahalataan talaga ang mga lalaking ito.
Pagkababa niya ng tawag, tinawagan ko 'rin agad si Reil ngunit bulyaw niya agad ang sumalubong sa akin, ang aga-aga..
"What? I'm busy. Istorbo ka. Bye!" anang niya. Ni hindi man lang ako pinagsalita. Kakaiba talaga itong babaeng ito.Palabas na ako ng classroom at diretso ang pasok sa room ni Axel. Naupo ako sa upuan ni Reil at tinitigan ang nakatulalang si Axel.
"Are you okay? Wala ka na naman sa sarili mo?" saad ko. Inilihis niya lang sa akin ang paningin at tumingin sa malawak na field.
Komportable akong naupo habang pinapanuod ang busy niyang mga kaklase na seryosong naguusap sa magiging plano nila.
"What time try out natin?" rinig kong tanong ni Axel sa akin. Napatingin ako sa relo ko.
"We only have 30 minutes." sagot ko. Napansin ko ang pagtayo niya at kuha ng bag ngunit natigilan 'rin nang may narinig kaming pangalan.
"Yes. Reil?" Kaagad kumunot ang noo ko at sinundan ang tingin ni Axel at nakakunot na ngayon, mariin niyang tinititigan ang president nila habang kausap nito si Reil sa kabilang linya."She's absent and yet she's calling him." mahinang bigkas niya na nag-pangiti sa akin. Hindi niya siguro napapansin na sinasabi niya ang tanong ng isip niya.
Pareho naming pinanood ang president nila habang kausap si Reil sa kabilang linya. Kinuha ng president ang notebook na may nakatalang mga notes at may sinabi kay Reil. Ang huli ko na lang narinig ay sabi niyang. "Sure. Sure. Don't worry. Kaya mo yan. Okay." at pinatay na ang tawag.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomantikChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...