Ten
Lumipas ang exam na parang ordinaryong araw lang. Pinabalik na 'rin sa dating ayos ang aming mga upuan. Tahimik akong naupo sa aking pwesto habang inilabas ang librong binabasa. Nakaupo na rin sa tabi ko si Axel na kanina pa may pinapa-kinggan sa kanyang phone.
Hindi nagtagal, pumasok na ang aming adviser. Tiniklop ko ang libro at nag-focus sa kanya.
"How's your exam? Nagaral ba?" bungad niya kaagad sa amin.
Kanya-kanyang reklamo ang buong klase habang ngumingiti ang ilan. "By the way, malapit na ang vacation natin but before that, alam niyo naman siguro anong meron bukas, hindi ba?" nagtanguan kaagad sila na kinakunot ng noo ko.
Nagtama ang tingin namin ni Axel at mukhang nakita niya ang nagtatanong kong reaksyon. Nag-iwas agad ako ng tingin at tumingin sa harap ngunit nagsalita na siya.
"It's school fair." Simpleng saad niya.
"H-Ha?" Nauutal na tanong ko. Nginuso niya ang buong klase.
"School fair ang tinutukoy nila. Since 2 days ang exam, the remaining 3 days of this week are preparation for the next week school fair." sagot niya. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa sinabi niya at hinayaan sa pag-discuss ang aming advicer.
"So guys? Isip na kayo ng plan niyo, you only have 5 days including Saturday and Sunday. See you in school fair. Bawal umabsent, magche-check ako ng attendance. Goodbye." Pagkalabas ng aming adviser ay tinake-over din kami kaagad ng aming president.
"Anyone who wants a suggestion?" saad niya. Hinayaan ko na lang silang magusap-usap at nag-focus na lang sa aking binabasa. Ilang beses din ako napa-papahinga ng malalim sa tuwing nahahagip ko si Axel na nakikinig sa pinag-uusapan ng buong klase.
Nagpanggap akong nagba-browse sa phone nang mapansin ko ang pananahimik ng buong klase. I-off my phone at tumingin sa kanila ngunit 'agad kumunot ang aking noo nang mapansin kong nakatingin sila lahat sa akin. Sumulyap din ako kay Axel at nakapanga-lumbaba pa siyang tinititigan ako.
"W-Why?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
"They want you to join a contest." naiwang naka-awang ang aking labi at hindi maproseso ang sinabi niya sa akin.
"Contest?" tanong ko at kaagad niyang inguso ang aming president.
"So final? The new comer will be our representative for our section?" pahayag ng aming president na kina-sangayon ng buong klase. Maging si Axel na katabi ko ay narinig ko 'ring nag "Yes!"
What just happen? Naiwan akong naguguluhan sa sinasabi nila. Parang final na ang desisyon nila sa way ng usapan. Ni hindi nila tinanong kung payag ba ako? Mamaya ko nalang siguro kakausapin ang aming president regarding sa sinasabi nilang contest.
Sinigurado kong makinig sa meeting na nangyare at halos buong section namin ay nagparticipate sa gagawing school fair.
After the meeting ay isa-isa ng nagsisi-alisan ang aming mga kaklase, maging si Axel ay nauna na 'rin. Mukhang may try-out sila ng basketball ngayon dahil kanina pa nagbubulong-bulungan ang mga babae sa harapan at nagtatalo kung manunuod ba sila.
Iniligpit ko na 'rin ang aking gamit at lumapit sa class president namin na si Calix. And like what ideal class president looks, he's wearing a big eye glass at nakahati rin sa kaliwa ang kanyang nagki-kintabang buhok.
"Uhm, I mean, Calix. Pwede ba kitang makausap?" Lumingon kaagad siya sa akin.
"Sure, sure." Sabik na sagot niya. Napalingon muna ako sa paligid at nang makitang kami na lang ang tao ay 'tsaka ako naupo sa harap niya.
"About the contest that you've all mention, pwede bang maghanap ka na lang ng ibang participants? Yung willing? Hindi kasi ako sanay sa mga ganyan. And marami namang mas deserving kaysa sa akin." Malamya niya niya akong tinitigan at tiningnan ng seryoso.
"So you want to say is ayaw mo nang role mo?" Paglilinaw niya kaya tumango ako.
Huminga siya ng malalim at masungit na tumingin sa akin. "Look Ms. Transferee, we are not discussing earlier to ask your permission, it was all final. Nakita mo naman siguro ang votes ng mga kaklase natin diba? Ikaw lahat ang tinuturo. Kaya final na 'yon. And it is also your time para maging belong ka sa room na ito." Hindi na ako nakapagsalita pa sa sinabi niya. Napayuko ako at napalunok. Gusto kong umalma pero may parte sa aking tama siya.
"If pino-problema mo 'yong mga susuotin mo? Props? Don't worry, may naka-assign na for that. All we want is your confidence na maipapanalo mo ang section natin. Okay?" Saad niya at nauna ng umalis sa akin. His statement was final, bawal ng umalma. He is so controlling at sigurado sa desisyon.
Nanlumo ako, ngayon ko lang napansin at nakausap ang class president namin at napaka-controlling niya pala in terms of school activity. Ni hindi ako naka-sabat habang nagsasalita siya.
Ano na ang gagawin ko nito? Paano ko naman dadalhin ang classrom na ito ng with confidence kung nilayasan ako ng salitang 'yon.
Nilisan ko ang classroom na iyon ng lugmok ang mukha. Siguro kailangan ko itong sabihin kay Mom para matulungan niya ako.
Pagkalabas ko ng building, naagaw ang atensyon ko ng gymnasium na napupuno ng hiyawan. Sinulyapan ko ang oras at maaga pa pala naman, for sure wala pa ang sundo ko kaya nagpasya muna akong sumilip at manuod sa try-out na nagaganap.
Naghanap ako ng pwesto, kung saan hindi ako mapapansin ng iba, lalong lalo na ni Gus. Sa tuwing naaalala ko talaga ang ginawa niya noong huli akong nanuod ng laro nila, nakakahiya!
Luminga-linga ako at napangiti nang may makitang magandang spot, mabuti na lang at may malaking tao sa unahan kaya natatakpan niya ako. Naupo ako at tahimik na nanuod. Magka-team ang buong 3rd year at 4th year. Kaya magkasama sa team si Gus at Axel. Marami rin palang gwapo at fans ang 4th year, hindi ako magtataka kung bakit halos rinig na rinig sa labas ang hiyawan nila.
Naabutan kong hawak ng 4th year ang bola habang naka-depensa naman ang 3rd year. Nang mai-two-point shoot ng 4th year ang bola ay halos nahati ang gym sa hiyawan ngunit dismayado ako.
Sunod na may hawak ng bola ay ang 3rd year at hawak ito ni Axel. Kitang-kita ko mula rito ang paghahanap niya ng mapapasahan ngunit napakalayo ng kakampi niya at napaka-higpit din ng ginagawang depensa ng kalaban. Halos wala akong narinig na ingay sa paligid habang sabay-sabay naming pinapanuod ang gagawin niya.
After a second, wari'y tumigil ang oras at kitang-kita ko mula rito sa itaas ang pawis na tumatagaktak sa mukha niya habang hinahanda na niya ang kanyang sarili sa three point shoot.
When the ball finally got in, halos napatalon ako. I never knew that I can be this excited watching this kind of game. Punong-puno ng hiyawan ang buong gymnasium at mas napatitig ako ng kitang-kita ko mula rito ang napakalawak na ngiti niya.
He's happy. Knowing na friendly game lang naman ito at hindi pa totally competition. At habang pinagmamasdan ko siyang nakangiti habang isa-isang nakikipag-apir sa ka-team niya, makes me remember his 'yes earlier about the contest na sasalihan ko.
Naging buo ang loob kong pagbutihin ang mangyayaring contest. I suddenly want to win at nagbabakasakaling kapag nanalo ako ay makikita ko ulit ang ngiti niyang tulad nito.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomansaChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...