Twenty Four

133 9 0
                                    

Twenty Four

Nakita ko ang sarili kong walang ganang kumakain sa convenience store sa baba ng aming condominium. Naiwan ko ata ang sarili ko sa labas ng unit ni Axel at kung ano-ano na ang naiisip ko sa ginagawa nila ngayong oras na ito.

Napahinga ako ng malalim at tinigil ang pagsubo ng pagkain. Niligpit ko 'yon at kumuha na lamang ng ice cream 'tsaka nagdesisyon na maglakad lakad sa labas. Naupo ako sa may playground area at pinagmamasdan ang mga naglalarong bata.

Nangangalahati na ako sa Ice cream nang may maramdaman akong presensya sa tabi ko. Unti-unti ko itong nilingon at agad kumislap ang mata ko ng makita ko si Axel.

"Nandito ka lang pala..." he said in whisper tama lang para marinig ko.Lumingon ako sa likuran niya at baka kasama niya si Sam pero wala naman. I pursed my lips while my eyes found him.

"Why? Kanina mo pa ba ako hinahanap?" Mabilis kong sagot, konting-konti na lang, matatampal ko na talaga itong bibig ko. Kung anong kinatahimik ko nung High School ganoon naman ang kinadaldal ko ngayon. I don't know maybe nakuha ko ito sa line ng work ko. Bawal kasing maging mahiyain once na naging Doctor ka, remember I am dealing with different people. I need to explain everything to them, even to their guardians about the improvement of their illness or worse. Napapikit ako dahil sa bilis ng sagot ko sa tanong niya.

Nagsalubong ang mata ko nang makita ko siyang ngumiti kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong. "Why? Why are you laughing?" His smile slowly fade as he look at me. Nagtama ang tingin naming dalawa habang inaantay ko siyang sagutin ang tanong ko.

"Wala. I just remembered how shy you were when we were seat-mate. Ni halos walang lumalabas sa bibig mo all day but now, you became so talkative na kahit ako di nasanay."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinitigan ang mga batang naglalaro. "Well, people just change and become mature. Maybe I became part of that." tugon ko.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Sinuri ko ang suot niya sa aking peripheral view and he's wearing a black pajama and white t-shirt dahilan para mapangiti ako. Ang simple lang naman ng suot niya ngayon pero litaw na litaw sa aking peripheral view ang kakisigan niya. Napalunok ako at kinain ang ice cream na hindi ko napansing nalulusaw na pala sa kamay ko.

Bigla kong naalala si Samantha kaya tinanong ko ito sa kanya. Lalakasan ko na ang loob ko, wala din naman akong maisip na topic naming dalawa.

"By the way, where did you meet?" tanong ko sa kaniya habang hindi pinapahalatang interesadong-interesado sa tinatanong.

Mukhang hindi niya nakuha ang tanong ko. "Sorry?" He said, confused..

"Samantha...Where did you meet? And how long have you been together?" Mas lalong kumunot ang tanong niya sa tanong ko.

"What do you mean how long we've been together?" Napahinga na ako ng malalim at pinaliwanag sa kanya.

"Sinabi niya kasing boyfriend ka niya so I am asking if–" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko siyang ngumiti sa harap ko at natatawa. Titig na titig ako sa mga ngiti niya. It's been years since I saw that smile.

Kitang-kita ko ang napakalalim niyang dimple and unknowingly I pressed it...again. I just cant help it, it so hypnotizing. Para akong hinihila ng lalim noon. Nahinto ang pagtawa niya at nagtama ang tingin namin. When I realized what I've done, agad kong binawi ang hintuturo kong na nakalapat sa dimple niya at mabiliis na nagiwas ng tingin. Dali-dali kong kinain ang Ice cream na wala na palang laman. Kung kailan kailangan ko ng malamig dahil sa init ng mukha ko 'tsaka naman naubos itong Ice cream na kinakain ko.

Umalis na lang kaya ako? Magkulong sa unit ko?

I heard him clear his throat. "About Samantha? We're not the way you think we are. We're cousin and their family are the one who–" hindi niya matuloy ang sasabihin niya kaya napatingin ako sa kanya.

"...who are looking out at me" malungkot niyang sabi, parang may kung ano sa sinabi niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko. What did he mean by that? They're cousin? And their family is the one who keeps looking out at him? Why? Where's Tita and Tito? Ang daming naglalarong tanong sa isip ko na gusto kong itanong sa kanya ngunit di ko magawa dahil napansin ko ang biglaang pagkalungkot ng mata niya.

May nangyari ba sa family niya aside from Alex? Masasagot kaya ito ni Gus kung tatanungin ko siya? May alam kaya niya?

Gusto ko rin sana itanong kung paano sila naging mag-kamag-anak ni Samantha pero baka next time na lang.

"I heard you become a Doctor?" Basag niya ng katahimikan naming dalawa. Napangiti ako at ngumiti bilang sagot.

"I thought you became a business woman since I know how big your company is, hindi sumagi sa isip ko na magiging Doctor ka. You're really unpredictable" he said proudly to me. Naalala ko na naman ang mga pakikipag-away ko kila Mom para makuha ang kursong Medicine.

"Me too. Hindi ko rin akalain na ito ang magiging career ko." Tugon ko habang nakatanaw sa kawalan.

"So what inspire you to took medicine?" Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at nagbalik tanaw. Ano nga ba naginspire sa akin? Napasulyap ako kay Axel at kitang kita ko ang pananabik niya sa sagot ko.

"You know I have this Tito named Raiden, he's already married, but his wife died young after they got married because of some serious illness. I saw what pain it brought to him after he lost her. Even now, I can still see that pain of him longing for her. And Alex too, he's also part of the reason why I took medicine. Hindi ko man kayang mapagaling lahat, but I hope I can help them the best that I can and also sympathize with them." Nagtama ang tingin namin.

And you 're also the main reason why I took Medicine. Maybe by helping or saving the one you love helps you to not be in pain anymore. I want to heal and save all the people around you so you can not worry anymore. I want you to get out of the pain of losing someone.

Mga salitang hindi ko kayang sabihin sa harap niya kaya sa isip ko nalang ilalabas lahat. Hindi ko alam ang mga iniisip niya ngayon dahil sa titig niya sa akin. But I want him to know that I still remember Alex, his brother.

Napansin ko ang pamumula ng mata niya kaya dali-dali siyang nagiwas ng tingin sa akin.

Katahimikan na naman ang namayani sa aming dalawa habang hinahayaang namin ang hangin na hawiin ang bawat hibla ng aming buhok.

"Thank you..." he said so genuinely that even the wind felt it. .

"Uhm..." Nagtama ulit ang tingin namin.

"Thank you for remembering Alex. Thank you." I saw his genuine smile while saying that word to me. Bago pa tuluyang mahulog at maghurmitado itong puso ko, nagyaya na akong umakyat sa itaas. Medyo napapatagal na rin ang kwentuhan namin at maaga pa ang duty ko tomorrow.

Nasa harap na kami ng kanya-kanya naming unit.

"Goodnight." Paalam ko sa kanya.

"It's nice to talk to you again, Riel. Thank you for today." I smile in front of him at nauna ng tumalikod sa kanya.

"Me too. Thank you" I said before closing my door.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon