Nine
Halos dalawang araw akong nakakulong sa bahay dahil sa pagrerebyu. Hinilot-hilot ko pa ang aking batok habang humihikab papasok ng school. Ngunit bigla akong natigilan dahil nakita ko si Axel sa aking unahan na naglalakad. Dumistansya ako sa kanya ng konti at hinayaang panoorin na lang siya sa paglalakad. I smile, hindi ko lubos maisip na papasok akong excited sa araw-araw dahil sa presensya niya.
Nakaupo na siya sa upuan niya ngunit nag-aalangan pa 'rin ang paa kong pumasok. I compose myself at bumalik sa aking usual self. Tahimik akong tumabi sa tabi niya at nagmasid sa paligid. Ilang beses ko 'rin siyang sinulyapan. Nagpakawawala ako ng malalim na paghinga at nagbukas ng notes na ginawa ko for this exam.
Makaraan ang ilang minuto ay dumating na ang aming proctor. Pinaghihiwalay lang niya ang aming upuan at ni-ramble ang aming mga pwesto just to avoid cheating. Sa unahan nakapwesto si Axel samantalang nasa gitna naman ako.
Ilang sandali ay ipinamahagi na 'rin sa buong klase ang exam kaya nag-focus na 'rin ako sa pagsagot. Hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi nang makitang halos lahat ng lumabas sa exam ay nabasa ko kagabi. Mukhang maaga akong matatapos ngayon.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasagot nang matigilan kaming lahat dahil tumayo na si Axel at binitbit ang mga exam na natapos niya. Isinukbit na 'rin niya ang kanyang bag sa balikat. "Tapos na siya?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Ou. Masanay ka na." confident na saad nang babaeng nakarinig sa akin.
Iwinaksi ko ang aking isip sa kanya at ipinagpatuloy ko ang pagsagot. Hindi 'rin nagtagal ay tumayo na ako at binitbit ang limang exam na natapos ko na.
"Tapos ka na rin?" tanong nung proctor. Ngumiti lang ako at tumango.
Kinuha na niya sa akin ang exam paper at pinalabas na ako. Narinig ko pa ang bulong-bulungan ng aming mga kaklase sa aking likuran kaya isinawalang bahala ko na lamang ito.
Paglabas ko sa classroom ay nanibago ako dahil sa napaka-tahimik na hallway. Hindi ako sanay na walang nakikitang mga estudyante sa paligid at naguusap. Sinilip ko 'rin si Gus sa kanyang klase at wala narin ito. Baka tapos na 'rin sa exam niya? Naglakad-lakad ako at dinala ako ng aking paa sa gymnasium. Walang kataotao sa loob at nakapatay 'rin ang ilaw. Nagdesisyon akong dito na lang muna manatili at magpalipas ng oras.
Kumuha ako ng isang libro at inilapag ko ang aking bag sa upuan at humiga 'tsaka ko ipinatong sa aking mukha ang libro. Mabuti na lang at nasa pinakamataas ang nakuha kong pwesto kaya kung may darating man na estudyante tiyak na hindi ako pansin. Ipipikit ko na sana ang aking mata nang natigilan ako sa tunog ng bola. Sinilip ko ang ilalim at namataan ko 'roon si Gus na nagdi-dribble habang si Axel naman ay nagpapaikot sa kamay niya ng bola.
Naririnig ko silang nagtatawanan kaya hinayaan ko na lang muna sila. Nahiga ulit ako at pinilit na matulog ngunit hindi na ako tinantanan ng ingay na nilikha nila. Nag one on one na ang laro nila. Pinanood ko sila sa kanilang paglalaro at nang matapos, napangiti ako dahil kitang-kita ko mula rito ang busangot na mukha ni Gus dahil nalamangan siya ni Axel.
Hingal na hingal silang nakahiga sa sahig ng gym at nagpapaligsaan sa paghinga. Tipid akong napangiti habang nakamasid.
"Now ask me, what about Reil?" Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ko sa bibig ni Gus. Mukhang kanina pa nila ako pinaguusapan at ngayon lang sasagutin ni Gus ang tanong sa kanya ni Axel.
"Why she's like that? What happen to her?" tanong ni Axel. Napalunok ako at nagtangka na sanang umalis ngunit mas nanaig sa akin ang manatili.
I sighed at nahiga ulit habang pinapakinggan ang pinag-uusapan nila.
Matagal bago nagsalita si Gus. "I still don't know; all I know is Tita cheska want me to watch and protect her here." Ngumiti si Gus habang may inaalala. "Yeah, may pagka-masungit talaga siya pero ibang-iba siya noon when our parents get together. Iba ang ngiti niya, ngayon halatang-halata na may nililihim at pinagdaranan na ayaw niyang aminin kahit kila Tita." malungkot ang boses ni Gus.
"Kaya ba bigla siyang nagtransfer?"
"Ou. Samantalang noon halos ayaw niyang pumunta ng Manila kahit nandito na parents niya. She preferred to stay in that remote area kahit mag-isa siya, kaya nagtaka kami nang biglang gusto niya ng mag-aral dito. We know something's wrong; she even deactivated all her social media accounts. Pero nakukutuban kong related lahat ng ito sa past school niya. Gusto sana naming magpa-investigate kaso ayaw nila Tita. Hayaan na lang daw namin na siya mismo ang magovercome at magopen up ng problema niya, of course kapag handa na siya." katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawang samantalang naiwan akong puzzled. Lumalim ang aking iniisip dahil sa sinabi ni Gus. Somehow what he said answered my question about my parents. Sadyang ayaw lang nila akong i-pressure sa pagsasabi ng pinagdaraanan ko, they are all waiting for me to overcome it. Namuo ang luha sa mata ko dahil sa naiisip.
Hindi nagtagal ay napansin kong umiba ng posisyon si Gus at mapanuring tiningnan si Axel.
"Teka, why does it sound like you're so interested in her? Don't tell me–"
Ngumisi si Axel at binatukan si Gus. "No! Nacurious lang ako kung bakit siya nag-transfer. And besides kaibigan mo pa kaya tinatanong ko."
Napahilata ulit si Gus at huminga ng malalim. "Sabagay. Kahit 'rin naman ako nagtaka."
Binalot na naman sila ng katahimikan at halos mapabangon ako sa sunod na tanong ni Axel kay Gus. "Do you like her?" seryosong tanong niya 'rito..
"Sino? Riel?" he swallowed hard and nodded.
"No! Riel is just my older sister, kaya lang ako overprotective sa kanya minsan is because of Tita Cheska. At sasapakin 'rin ako ni Dad kapag hindi ko inalalayan si Riel dito sa school. I don't know, mas mahal pa ata ni Dad si Riel kaysa sa akin." hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa sagot ni Gus."Ikaw? Do you like her? She's simple, elegant and beautiful. Matalino 'rin si Riel. Hindi ba 'yan ang tipo mo?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa walang kalatuylatuy na tanong ni Gus sa kanya. Napalunok ako at hinintay ang kanyang sagot.
"Who, Riel?" Tanong niya na nagpatango kay Gus. Matabang siyang ngumiti 'rito, kadahilanan ng pagkadismaya ko.
"No. Ilang beses na ata akong nakitang may kahalikang babae noon and I know, iba na 'rin tingin niya sa akin." He paused, nangapa ng idudugtong. "At hindi rin pwedeng magustuhan ko siya." matabang na sagot niya."Why? Bakit bawal?" Curious na tanong ni Gus sa sagot ni Axel. Isang malalim na buntong-hininga lamang ang sinagot niya at nagkibit-balikat. Naiwan akong nakatitig sa reaksyon ng mukha niya at nagbabakasakali na dudugtungan niya pa, ngunit wala akong nakuhang sagot.
Hindi na naging klaro sa aking isip ang sunod nilang pinag-usapan ngunit naririnig ko parin. Sinilid ko na sa bag ang librong hawak ko at naglakad palabas.
"Paano naman kasi, tigil-tigilan mo na kasi 'yang pagiging mabait mo sa mga babae. Daig mo pa ako, kulang na lang ibigay mo sarili mo sa kanila." pangaral ni Gus sa kanya. Tuloy pa 'rin ang pag-uusap nila habang nag-aayos na ako ng gamit.
"You know, I can't Gus." sagot niya. I heard them both sighed, parang may malalim na reason si Axel sa ginagawa niya na sila lang ang nakakaalam.
"Masyado mo naman kasing ginawang general ang bilin sayo. Ano na lang ang sasabihin mo sa babaeng magugustuhan mo/ That you have a warm heart? Lalong lalo na sa mga babae na nangangailangan ng tulong mo? Hindi pwedeng magbigay ka lang ng magbigay, Axel, you also need to prioritize yourself." mahabang sambit ni Gus sa kanya.Nasa tapat na ako ng pinto nang sumulyap ako sa kanilang dalawa, my eyes found Axel. I saw him smiling while having a deep conversation to Gus.
I know it's the start of my unrequited love for him.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomansaChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...