Sixteen

206 12 1
                                        

Sixteen

After Axel and I part ways that time, hindi na ulit kami nagkita sa mga sumunod na araw. Sunod-sunod na ang mga laro nila samantalang halos wala na rin akong pahinga sa mga rehearsals at mga photo-shoot.

It's Friday, meaning today is the day of the pageant and last day of the event. Sa sobrang pagod ay halos tanghali na ako nagising. Mamayang hapon pa naman kami required sa school at kailangan 'rin namin ng pahinga.

Sumulyap ako sa oras habang sumusubo ng pagkain, its already one o'clock in the afternoon. Si Mom ay inaayos na ang mga ibang costume na gagamitin. Hinihintay na 'rin niya ang pagdating ng make-up artist na binook niya for this event samantalang si Jennifer naman ay nagche-check list ng mga kailangan dalhin. Hinayaan ko sila sa mga ginagawa nila at nag-focus na lang sa pagkain.

"Riel, after you eat. Maligo ka na, aalis na tayo mamaya." Saad ni Mom.

"Po? Hindi ba masyado pang maaga?" Bwelta ko at reklamo sa kanila.

"Nope. Tama lang ang oras for the preparation, mimi-makeupan ka pa at aayusan." Sabat kaagad ni Jennifer kaya hindi na lang ako nagsalita. After ko kumain, umakyat na rin ako sa itaas at mag-aayos na sana ako ng gamit nang bigla kong masilayan si Alex sa bintana.

Ngumiti kaagad siya ng makita ako. "Ready for the pageant?" Napamaktol ako sa harap niya, naupo at nakapangalumbabang umiling sa kanya.

"Why? Akala ko ba, well prepared ka na?" Tukso niya.

"Ready naman na, kaso hindi pa ganoon kataas ang confidence ko. Kinakabahan ako na baka habang rumarampa 'e matapilok ako at mahulog sa stage."

Natawa siya sa sinabi ko at mapansuksong sinabing "Huwag kang magalala, sasaluhin naman kita." Halos mapasipol ako sa mga linya at masuka-sukang ipinakita ang ekspresyon ko.

"By the way, by 5pm siguro ako makakapunta sa school niyo. Okay lang ba?" Tumango ako agad.

"Ou naman, maaga pa nga yun, for sure kasi 7 o'clock ang start ng event. You know naman, filipino time." Nakangiting sambit ko.

"Its okay, gusto ko din maglibot-libot. See you later. Mag-ayos ka na, text na lang kita kapag nasa audience na ako at hinihintay ka." Saad niya habang may napakalawak na ngiti kaya ngumiti din ako at tumango.

"Asahan kita ah. Sige, see you." After ko magpaalam sa kanya. Diretso ang pasok ko sa loob ng banyo upang makapag-handa. After sa banyo ay naghanap ako ng medyo casual na damit at nagpatuyo ng buhok ayon sa bilin ni Mom. Makaraan ng ilang minuto, pinusod ko na lamang ang aking buhok at nagsandals na bumaba sa sala.

Isa-isa ng pinasok nila Mom ang mga dadalhin sa sasakyan. Kasama na din namin ang make-up artist na kausap ni Mommy. Pinauna nila ako sa sasakyan. Naupo ako sa tabi ng driver at habang naghihintay binuksan ko muna ang aking phone at sari-saring mga messages ang nagsipasukan, lahat ay mga encouraging word sa magaganap mamaya. Halos lahat ng text ay galing sa aking mga kaklase. I scroll again at nagbabakasakali na may Axel akong makikita ngunit wala. Isang text lang kay Gus ang napansin ko at iyon ay ang

"Goodluck, you can do it" A.M

Sandali akong natigilan at in-open ang text ni Gus sa akin at unti-unting namuo ang ngiti.

It's Axel!

Hindi mapawi ang ngiti ko habang nilalakbay namin ang daan patungong school. Pagkarating sa school, tinulungan ko agad sila Mom sa mga dala-dala nila. Dinala ko sila sa likod ng stage, kung saan naroon ang mga participants. Sa soccer field sinet-up ang stage kaya medyo maluwag at inaasahan naming napakaraming attendees sa last event na ito.

Pinaupo agad ako ng makeup artist upang mapahinga ko muna ang sarili ko. Ilang beses na din kaming napapalingon sa aming mga katabi. Medyo nagsisimula na ang lahat sa pagaayos at late na ata ang dating namin. Nakaayos na lahat ng mga gagamitin kong dress and heels for this pageant tanging sarili ko nalang talaga ang kailangang ihanda. Itinabi na din nila Mom sa tabi ko ang violin na gagamitin ko for talent portion.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon