Thirty Two

102 3 0
                                    

Thirty Two

Hinarang ko ang aking mga kamay sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Finally, after thirty-six hours of straight duty, makakauwi na rin. Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at tatawagan na sana si Axel nang biglang mag-flash ang pangalan niya sa screen. Napangiti ako.

"Hello" masiglang bati ko sa kabilang linya.

"Did you eat your lunch? I'm sorry, I can't go to your office. I'm still in the meeting."

"No. Pauwi na ako, do you want me to go with you? Para magsabay na tayo sa lunch?"

"Is it okay? Baka gusto mo na magpahinga. One hour pa bago ako matatapos." Bigla akong napangiti sa sinabi niya.

"It's fine. I'm also curious about your office. So, pupunta na ako?"


"Okay. I'll wait you here." Naririnig ko ang meeting sa kabilang linya kaya ibinaba ko na ang tawag. Kumuha ako ng taxi at sinabi ang building ng kompanya nila.

Makaraan ang ilang minuto, nakarating na ako sa building ng kompanya nila. Suot ang blue uniform, pumasok ako sa building nila. Hindi na ako nakapag-palit pa ng damit. Nasa lobby palang ay pansin ko na ang tingin ng mga tao sa akin, napasuri tuloy ako sa suot ko. Hindi naman ako madumi at iniisip ko na 'rin namang uuwi na ako kaya hindi na ako nag-abala pa. Hawak ko sa kabilang kamay ang doctor coat or lab coat at mabilis na humakbang patungong sa reception area.I forgot to ask Axel's floor number.

"How may I help you Mam?" tanong ng nakangiting receptionist.

"Uhm. Axel Morata po?"

Sandali siyang nagdalawang isip at humarap ulit sa akin. "Do you have an appointment Mam? May I know your name po?"

"Uhm. I don't have an appointment with him but he's expecting me." Biglang uming-iling ang babae sa harapan at minata ako. Napasulyap ako sa paligid at halos malaglag ang panga ko'ng makita ang mga uniform ng utilities dito, parehong-pareho sa suot ko. Napalunok ako. Kaya hindi ako mapagkakamalang bisita ni Axel dito, mukha lang akong janitress dahil dito sa suot ko. Mariin akong napapikit at natatawa sa nangyayari. Hindi naman pwedeng suotin ang lab coat at mas nakakahiya 'yon.

"Mam sorry po, but we cant let you in po sa aming CEO kung wala pong appointment." as expected. Napatango nalang ako at bigong umalis sa receptionist.

Babalik na sana ako sa lounge area nang mabunggo ako sa isang babae at tumapon sa damit niya ang kapeng hawak niya.

"What the fuck!" sigaw niya sa akin. Nagtama ang tingin namin, hindi ko maiwasang hindi mangiti nang makitang si Samantha pala itong natapunan ko ng kape.

"Ches?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin na wari'y hindi niya inaasahang makikita niya ako dito.

"What are you doing here?" dugtong niyang tanong at tumingin sa paligid. Kumuha ako ng tissue sa bag at inabot sa kanya.

"No thanks. I don't need your help." sabi niya sa nanlilisik na mga mata. Kaya binalik ko nalang ulit ang tissue sa bag ko at nag-poker face sa harap niya.

If she didn't want my help, okay. Madali naman akong kausap. Maglalakad na sana ako ulit pahakbang sa lounge area ng bigla niya ulit ako hinila pabalik sa kinatatayuan ko.

"Wait! You didn't answer my question." Humalukipkip ako sa harap niya at tamad na tiningnan siya. "I'm not here for the trouble Sam, I'm just waiting for Axel." sagot ko ng walang ka-inte-interes sa harap kanya.

"What? Axel? Why are you waiting for Axel– I mean boyfriend pala?" sabi niya habang pinagdi-diinan ang salitang boyfriend sa dulo ng kan'yang salita. I rolled my eyes at her. Pagod na ako para pakinggan ang pagpapanggap niya I know that they're cousin. Akala niya ba mapapaselos niya ako sa mga sinasabi niya. Well, sabihin natin na noong una, halos nalugmok ako. Pero no'ng nalaman kong magpinsan sila ay matagal na akong nilisan ng salitang selos sa katawan ko.

"Come on Sam, I know that you are cousins" Biglang nanlaki ang mata ni Sam sa sinabi ko. I smirked.

She cleared her throat when I caught her, natigilan siya at nagiwas ng tingin sa akin "So, if you don't mind. Can I go to lobby now?" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Sam at naglakad na ako patungo sa couch ng lobby nila. I look at my former friends, the way she look at me screams sadness. Bigla tuloy akong nahabag sa sinabi ko sa kan'ya.

After ng ilang minuto ay may isang naka-corporate attire na babae ang lumapit sa receptionist at itinuro ako noong nakausap ko kanina. Pinagmasdan ko itong lumapit sa akin.

"Uhm. Mam are you Ms. Riel Salazar po?" tanong nito sa akin. Unti-unti akong tumango.

"I'm Delia, Mam, one of the secretaries of Sir Axel Madrigal. Can we go po? Naghihintay na po kasi siya sa office niya." Napatango ako at agad na sumunod sa kanya. Nakita ko pa ang pagsulyap ng secretary sa receptionist na wari'y pinapagalitan ito sa mata.


Tahimik akong nagmasid sa loob ng elevator hanggang sa dumating kami sa pinaka-top floor ng building.

Unang bungad sa akin ay ang glass wall and door na which is office ata ni Axel ang nasa loob. Sa harap nito ay office ng dalawang secretary niya, in front of it is their big sofa na siguradong pinaghihintayan ng mga gustong kumausap kay Axel.

Uupo na sana ako sa sofa nang pinigilan ako ni Ms. Delia dahil pinapapasok na niya ako sa loob ng opisina. Sinilip ko ang loob at marami pang tao, mukhang hindi pa sila tapos at papasok na ako? Nahimigan niya ang pagtatanong sa mga mata ko kaya nagsalita siya.

"Mam, you can go inside na po." pilit niya sa akin.

"No. I can wait here. Hindi pa naman sila tapos." sagot ko naman.

"Mam please po, pina-papasok ka na po niya Mam. Baka magalit po siya sa amin Mam. Please Mam,pasok na po kayo. I will inform him po." Wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto ng secretary niya at baka malagot pa kapag nag-matigas ako.


After she informed Axel about me, iginaya na niya ako sa loob. Nahihiya akong pumasok at tahimik na ngumiti sa mga nakatingin sa akin.When I sat down, titig kaagad ni Axel ang napansin ko.

I clear my throat at tahimik na umupo na lang. Nag-resume ang meeting at about sa company and proposal ang pinag-uusapan nila. Hindi ko talaga porte ang ganito, not my cup of tea. Walang challenge!

May sumunod na nag-present sa harap niya at isa itong magandang babae na kulang nalang ipahalik sa mga lalaki ang dibdib niya. I rolled my eyes, and he smirked while looking at me intently. Pinandilatan ko siya ng tingin at inginuso ang nasa harapan.

Habang tumatagal ang pagsasalita ng babae ay mas lalo akong inaantok. Napapahikab na ako nang mapansin ang halakhak ni Axel sa harapan ko. Natigil 'rin sa pagsasalita ang presenter at napabaling kay Axel, maging ang ibang kasama sa meeting. I clear my throat at umayos ng upo.

Finally, iniwas na rin ni Axel ang tingin sa akin. Nakinig na siya sa presenter habang tuluyan namang bumabagsak ang mata ko. Nakapangalumbaba akong pinipilit na makinig sa kanila.

"Meeting adjourned!" Iyan ang narinig ko at tuluyan na akong napamulat. Nag-tayuan ang mga nasa meeting at nag-palakpakan habang si Axel ay nakatingin sa gawi ko.

"Just send me the proposal, I will review it again, Jessie." sabi niya habang hindi nilulubayan ang tingin ko.

"B-But S-Sir, we can also discuss it in a meeting later or dinner?" mapang-akit ang tono ng boses ng babae kaya napatitig ako rito. She's sexy, yes? But she's not my type or Axel's type. 'So Riel paano mo naman nasabi na hindi nga 'yan type ni Axel? Bakit mo ba pinapangunahan!'

Napasimangot ako nang magtama ang tingin namin noong babae, lumapit siya at may binigay na papel sa akin.

Nagtataka akong tinitigan ang papel na binigay niya. "Can you throw it in the trash?" I froze, nagulantang sa sinabi niya. What the! Inuutusan niya ako? At wala man lang bang paggalang sa tono ng boses niya.? Knowing na inutusan niya ako! Damn it!

Mas lalong napa-awang ang bibig ko ng mapansing sunod-sunod ang lapit noong mga kasama sa meeting at binigay rin sa akin ang papel na hawak nila at pina-patapon.

"What are you all doing?" umalingawngaw ang galit ni Axel sa buong office dahil napansin niya'ng trato sa akin ng mga kasamahan niya.

."We just want to order the janitress to clean the scratch." sagot ng Jessie kay Axel. Napalunok ako. Alam kong galit na siya lalo na sa sagot noong Jessie sa kanya.

"Who's janitress?" Napapikit na ako ng mariin dahil alam kong mas lalo siyang sasabog sa magiging sagot nila. Hindi ko 'rin naman masisi 'rin ang mga ito kung napagkamalan akong janitress dito dahil sa suot ko. Parehong-pareho naman kasi talaga kami ng uniforme ng mga utilities.

Minata ako ng lahat upang sabihing ako ang janitress 'rito.

"What?! She's not part of this company. She's a fucking doctor." bulyaw ni Axel sa kanilang lahat. Nalaglag ang panga ng mga tao roon lalo na si Jessie na inutusan pa talaga ako.

Lumapit ako kay Axel at pinakalma siya sa galit niya. Pinanuod nila kung paano dumaosdos ang kamay ni Axel sa akin at hinila ako palabas sa kan'yang opisina.

Nakasakay na kami sa elevator pero ramdam ko parin ang galit niya.
"It's okay Axel, kapareho ko naman talaga ng uniform ang mga utilities niyo dito." Pabiro kong sinabi. Mariin niya lang akong tiningan at huminga ng malalim.

"You don't know how beautiful you are, when you wear that uniform of yours." Kaagad namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

Hindi na ako nagsalita at nagpaubaya na lang sa kanya hanggang sa nakarating kami sa restaurant upang makapaglunch. Habang naghihintay ng order ay hindi nakatakas sa akin ang mapanuring tingin ng mga taong kumakain. Mukhang halos empleyado ito ng AM Group dahil lahat sila nakatingin sa lalaking nasa harap ko.

I clear my throat habang malayang pinagmamasdan siya sa harap ko. He look so perfect and intimidated. Parang kung simpleng empleyado lang ako ay mahihiya at matatakot akong lapitan siya.

He looks snobbish, masungit and super manly. Tiningnan ko 'rin ang kamay niya at lalaking-lalaki ito. Kitang kita ko ang paglabas ng ugat sa bawat galaw. Ang laki talaga ng nagbago sa kanya. I wonder kung nag-wowork-out ba siya? Ang ganda ng built ng katawan niya.

Napansin niya ata ang mga titig ko kaya nagiwas na ako ng tingin.

"Are you free this saturday night?" tanong niya sa akin. Sandali akong napaisip at ni-refresh sa utak ang schedule ko that time.

"I don't think so. Why?" Napainom ako ng tubig.

Napalunok siya bago tumingin ng seryoso sa akin. "We have a party. I want you to be my date." Muntik ko na naman maibuga sa kanya ang iniinom ko pero dahil pinigilan ko lumabas ito sa ilong. Oh Great!

Nakita ko ang pag-aalala ni Axel at natatawang kumuha ng tissue at tinulungan ako sa pagpunas. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pag-ngiti niya.

"Why are you smiling?" inis na tanong ko ng makaahon sa pagkakasamid.

"You're cute and of course very gorgeous." my lips parted. Pulang-pula na ang ko mukha sa harap niya, I admit it!

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon