Eight
Napahilamos ako sa banyo habang ayaw ako tantanan ng ala-alang ginawa ko kanina.
Bakit mo naman kasi sinundot ang dimple nung tao Riel?! Na-amaze ako sa lalim. I also didn't know that I would be this attractive when it comes to his dimples.
Halos sumabog sa isip ko ang nagtatalo kong iniisip. Paano pa ako magpapakita sa kanya? Tapos magkatabi pa kami maghapon. Sana may meeting sila or may varsity practice? Hindi ako mapakali. Niloloko ko na naman ang sarili ko, paano pa magkakaroon ng mga 'yon kung next week na ang exam at kailangan namin mag-focus ngayon sa academic.
Okay relax Riel, pwede ka namang humingi ng tawad diba? At sabihing natuwa ka lang sa dimple niya?
Pero paano ko io-open 'yon sa tao kung halos hindi nga kami magimikan sa klase! At wala akong lakas ng loob na kausapin siya. Bahala na nga!
Lumabas na ako ng banyo dahil malapit na matapos ang breaktime. Ngunit, napa-atras ako ng bahagya nang makita ko silang nakasandal sa pader habang nakapamulsa, hinihintay ako. Nagtama kaagad ang tingin namin ni Axel kaya agad akong nag-iwas tingin.
"Ang tagal mo! Akala namin hinimatay ka na sa loob." Pambungad na sambit ni Gus, halatang iritable.
"Ha?" Sagot ko. Ramdam ko ang pamumula sa aking pisngi habang nakatingin siya sa akin.
"Lets go. Mali-late na tayo sa klase." Aniya at inakbayan ako ngunit bago kami tuluyang maglakad ay may inabot sa akin si Axel. Napatingin na naman ako sa pisngi niyang sinundot ko kanina. Nakakahiya talaga!
"Ay, oo nga pala. Kaya ka namin sinundan dito dahil diyan." At 'tsaka nginuso ni Gus ang wallet at phone ko na kakaabot lang ni Axel. Napatango ako at halos manginig, hinayaan ko na lang ang paghila ni Gus sa akin.
Pagkadating ko sa classroom ay pinili kong yumuko. Nahihiya pa 'rin ako dahil sa ginawa ko. Nagbabalak akong hindi siya pansinin ngayon. Sabagay di 'rin naman talaga kami nag-uusap.
When our teacher came in, halos lahat ng atensyon ko ay ibinaling ko sa harapan. Ilang beses din akong sumulyap sa kaniya and like what he usually do, nakatitig na naman siya sa labas. Walang imik at parang laging may malalaim na iniisip.
Uwian at nauna siyang lumabas sa akin kaya halos doon palang ako nakahinga ng maluwag. Finally! Nagligpit na 'rin ako ng gamit nang mapansin kong dumidilim ang langit. Kinuha ko ang phone sa bag at inopen ang text ni Manong driver.
"Ma'am Riel, mali-late po ako ng pag-sundo sa inyo. Napakalakas po ng ulan. Nandito pa po ako sa school ni Calvin." Napahinga ako ng malalim after mabasa ang text niya.
"Okay. Dont worry about me po. Hintayin ko na lang po kayo." Reply ko.
Isinukbit ko na ang aking bag at lumabas na sa classroom. May dalawang babaeng nasa unahan ko at nagkukwentuhan at sa sobrang lakas ng boses nila, hindi ko maiwasang hindi 'yon marinig.
"Gusto mo coffee tayo? May malapit na coffee shop sa labas ng school. Malilate daw sundo ko 'e." Anang nung mahabang buhok na babae.
"Sure. Basta treat mo." Sangayon noong kasama niya.
Palabas na ako ng building nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Naabutan pa ako! Balak ko sanang doon ko nalang hintayin si Manong sa coffee shop na sinasabi nila at naki-crave din ako sa hot chocolate ngayon kaso ang lakas naman ng ulan, wala pa naman akong dalang payong. Hintayin ko nalang siguro ang pagtila nito.
I've been here for 20 minutes already at wala atang balak tumigil ang ulan. I tried to contact Gus pero hindi niya sinasagot. Manghihiram lang naman ako ng payong sa kanya.
Inilabas ko ang aking kamay at pinakiramdaman bagsak nito sa aking daliri. Medyo humihina na. Kaya naging buo na ang loob kong sugurin na lamang ito. Ininahanda ko na ang bag sa gagawin ko, I cover myself in it nang matigilan ako dahil may biglang nagpayong sa akin.
Napalunok ako ng makitang si Axel ito. He's wearing his varsity shirt and short. May nakasukbit din sa kanyang varsity bag.
"Nandiyan na ba sundo mo? Halika na, hatid na kita." Saad niya habang hindi tumitingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumanggi.
"H-Hindi na. Sa may coffee shop lang naman-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang magtama ang tingin namin. Kitang kita ko ang pagpatak ng pawis sa mukha niya. Mukhang kagagaling niya lang sa try out. When he notice my intense look on his face, bigla siyang na-conscious sa mukha at amoy niya.
"Uh, I'm sorry. Mabaho ba ako? Galing kasi akong gym kanina, pinag-try out ako ni coach dahil sa absence ko." Paliwanag niya na mabilis kong inilingan. Siya na nga itong nagmamagandang loob, ako pa ang nababahuan sa kanya? Nakakahiya naman talaga.
"No! No! Wala ka namang amoy, I mean Okay lang." Halos sabunutan ko ang sarili dahil sa kapalpakan ko ng salita . Anong walang amoy ang pinagsasabi mo Riel? Inaamoy mo ba siya?
"So, let's go?" Alok niya habang hindi maiwasang mapangiti dahil sa sagot ko. Tinabil ko ang aking labi at nagpatianod na sa gusto niya.
Palabas na kami ng school nang mapansin kong halos kalahati na ng katawan niya ang nababasa. Ano ba naman kasing ine-expect ko e' pang-isang tao lang naman itong payong niya. Tapos nakisiksik pa ako. Great! I rolled my eyes while my thoughts were taking over my system.
I felt awkward when walking. Hindi naman kasi talaga kami sanay na nag-uusap. At isa pa nahihiya din ako sa kanya dahil basang basa na siya. Idamay pa natin ang ginawa kong pagsundot sa dimple niya kanina.
"A-Axel?" Nauutal kong tawag ng pansin niya. Tumingin naman siya sa akin
"N-Nababasa ka na ata. Pwede ka namang lumapit dito at—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla na siyang lumapit sa akin at inakbay ang kanang kamay niya sa balikat ko. My system stop, I didn't function.
"Okay na ba ito?" Nanigas ako at hindi makapagsalita sa ginawa niya. Nang magtama ang tingin namin ay hindi ko inaasahang sinukin sa harap niya. Ang bad naman ng timing nito.
"I'm so-sorry*" kaagad kong tinakpan ang bibig ko ngunit hindi pa 'rin ito tumitigil. At habang pinagmamasdan niya ako, for the second time around he smile widely again in front of me.
"You're cute." Aniya niya na tuluyang nagpalusaw ng puso ko. He guided me to the coffee shop. Nang magpaalam siya'y bigla ulit akong nagkaroon ng lakas ng loob magsalita.
"Malakas pa din ang ulan, gusto mo ng coffee? My treat as a sign of my gratitude for this." At tinuro ko ang payong. Napatingin muna siya sa loob ng coffee shop at nag-okay sign sa akin.
Nauna siyang pumasok kaya sumunod 'rin ako. Nasa counter na kami nang magtanong siya ng order ko.
"Hot chocolate." Saad ko. Hinayaan ko siyang magorder kaya nang hinanda ko na ang credit card ko para sa payment nabigla ako na siya ang nagbayad para sa aming dalawa.
Naiwan na naman akong nakakunot noo sa kanya at napansin niya 'yon. "It's not right for a girl to pay a things like this. And I don't want a treat from you. Instead I have a wish that you need to fulfill." Sabi niya. Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Wish?
"Like what wish?" Tiningnan niya lang ako ng kakaiba at ngumiti sabay kinuha na ang order naming dalawa.
"Soon. I will tell it to you soon. Here's your hot chocolate. I'll go ahead. Take care, bye." Pinagmasdan ko siyang lumabas sa coffee shop na 'yon at parang may tumusok sa puso ko nang makitang may nakaabang sa labas ng coffee shop My lips dropped when I realized who it was , it was that girl...again, 'yong babaeng palagi niyang kausap sa labas ng classroom.
I'm not familiar with what I'm feeling right now but the way my heart hurts when he's with another girl and happy when he's with me. I think I just hit that dangerous word called...love.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...