Thirty Six

100 3 0
                                    

Thirty Six

After our heart to heart talk, bumalik na rin kami sa loob. Hawak ang kamay ko'y hindi ito binitawan ni Axel. Kahit habang nakikipag-usap siya sa ibang mga directors at visitor, hindi niya hinayaan na umalis ako sa tabi niya. Hindi nakatakas sa akin ang mga mapanuring titig ng iba sa amin, and every time Axel finds a way, he always make sure to introduce me as his girlfriend.

Buong gabi ata akong awkward sa mga kumakausap sa kan'ya. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito. Mas okay pa sa akin na about sa mga sakit or treatment ang pinag-uusapan kaysa sa mga businesses.

"By the way, Mr. Delgado, this Riel my girlfriend." pakilala ulit sa akin ni Axel sa taong tingin ko'y bigating mga shareholders ng kompanya nila.

"Oh, I didn't know that you have a girlfriend, Axel. May plano pa naman akong ipakilala ka sa anak kong babae." Natatawang usal ng lalaking may katandaan na ang mukha,  naglahad siya ng kamay niya sa akin.

"I'm Romano Delgado, one of the AM Group shareholders. Nice to meet you Ms?" Pakilala niya.

Tinanggap ko ang kamay niya, "Chessy Riel Salazar po." nakangiting pahayag ko.

"She looks familiar. Nagkita na ba tayo dati?" singit ng isang ginang na nasa tabi ni Mr. Delgado. I think its his wife. I shook my head dahil hindi sila pamiyar sa akin, first time ko lang sila nakita.

"I don't think so Mam." tugon ko. Binawi ko na ang kamay kay Mr. Delgado at napatingin kay Axel na pinapaood ang bawat galaw ko

."But you look so familiar. I think I saw you..." kuryusong tanong ni Mrs. Delgado habang iniisip talaga kung saan niya ako huling nakita.

"By the way Ms. Riel, are you in business? Ano ang kompanya ng family niyo?" singit na tanong ni Mr. Delgado. Hinayaan akong magsalita ni Axel habang napapansin ko ang pagdaosdos ng kamay niya patungong aking bewang. His hand rested there while observing my socialization skills.

"No Sir, I'm not into business po. I'm a Doctor po actually, but my family runs a business. The Cristobal Empire po, are you familiar with that?" I heard Axel smirked as we watched the two people in front of us shocked at my statement.

"Cristobal Empire? Are you the daughter of Cheska Cristobal and Rio Salazar?" tumango-tango ako bilang tugon. Nakitaan ko sila ng pagkamangha dahil sa nalaman.

"But the C Empire were already huge, why didn't you choose to rule there?" sabat ni Mrs. Delgado na para bang nahihinayangan siya sa daang tinahak ko.

"They can manage that and also my Tito Raiden is super hands on, kaya kahit wala ako, for sure they can make it big." humble kong tugon.

Napatango-tango na lamang sila at kahit marami pa silang gustong itanong, wala na silang nagawa dahil nag-greet pa kami sa iba. Nauna ng umuwi sa amin sila Mom, gusto ko na rin sanang umuwi kaso hindi ako basta-basta makakauwi, dahil busy pa si Axel sa pagbati sa ibang mga bisita. Ayoko namang iwan siya dito. Iniwan niya ako sandali sa may upuan at hinayaan akong magpahinga. Hindi nagtagal, napansin ko na may tumabi sa akin at nakita ko si Gus roon na malapad ang ngiti.

"So..." patiuna niya habang may hawak na wine at ininguso sa akin si Axel.

"Kanina ko pa nakikita ang pagdikit-dikit niyo sa isa't isa. Is he finally maki–" hindi ko na siya pinatapos dahil for sure malalaman at malalaman niya rin naman.

"Sinagot ko na siya, he's now my boyfriend." diretsong sabi ko.

Sumilay ang ngiti niya at napainom ulit ng wine. "Congratulation finally gagraduate na ako sa pagiging cupid sa inyong dalawa." makahulugang sambit niya.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon