Seventeen

224 11 2
                                    

Seventeen

I am now wearing a long gown, I decided to win this thing kahit na ayaw mawala ng isip ko sa natunghayan ko kanina. And beside kahit si Axel ang isa sa reason kung bakit gusto ko itong ipanalo, na-overwhelmed 'rin ako sa mga support na nakuha ko sa family, Alex and my classmate kaya kahit hindi na para sa kanya, kahit para sa kanila na lang.

I walk like I own the stage as I'm wearing this super gorgeous long gown that our class prepared. Puro hiyawan ang naririnig ko at wala akong ginawa kung hindi ngumiti at itago ang lungkot sa likod nito.

"You have so many supporters here. Ms. Chessy!" Hiyawan na naman sa madla ang maririnig. I smiled and winked at them at mukhang mas dumami pa lalo ang supporter ko.

"Baka at the end of this pageant, makikita ko nalang ang sarili kong ini-stalk ka sa social media." Tawanan ang narinig sa buong event dahil sa biro ng MC.

"Sorry but you can't stalk me. I'm not a social media person." Bwelta ko naman na nagpa-aww sa madla at maging sa host.

I stand up straight with poise as the MC leads me to the judges, it's the question and answer portion.

"Introducing to you our Principal of this school. She will be the one who will ask the question for this beautiful Riel." Saad ni Mc.

Ngumiti ako ng matamis at humarap sa principal.

"Good evening, you look so gorgeous ija. So here's your question, " She clear her throat at nagsimula ng magtanong.

"If I was a genie in a bottle and could grant you any wish, what would it be?" She asked kaya binigay kaagad ni MC ang microphone sa akin.

"Good evening, If you Ms. Principal is a genie in a bottle, my wish would be, "Let me win this crown!" I said playfully, napuno ng hiyawan ang buong crowd at nakita ko din ang ngiti nila Mom and Dad dahil sa sagot ko, maging ang Principal ay napa-thumbs up din.

"But kidding aside, yes of course that was included? But if you were really a genie in a bottle that could grant my wish, I have these 3 wishes that I want you to fulfill, the first was, yes, I already said it. To win this crown. Second, let me graduate without having trouble?" nagtawanan na naman sila "And last will be, let me have an enjoyable high school life for the last 2 years. I was so sure that I will treasure these memories in my adulthood, so If you would grant me, let me have it, be free in love, to have a crush, to feel how the world will go on even if you didn't pass the exam or quizzes and to be free in everything. Thank you." And I bow. Napuno na naman ng hiyawan at palakpakan ang crowd.

"That was a beautiful answer and witty. You made us all laugh Ms. Chessy." Saad nung MC kaya napangiti na lang ako at tumayo sa isang tabi. Nagtama ang tingin namin ni Alex at napangiti ako nang makita ko siyang pumapalakpak habang panay thumbs up.

For the last portion, isa-isa na kaming tinawag ng MC dahil sa announcement of the winner at halos umikot na ang sikmura ko dahil sa kaba. Maging ang aking mga kasama ay hindi na rin mapalagay.

Nakatayo na ako sa stage together with the candidates. Kanya-kanya na din ang hiyawan ng iba't ibang mga estudyante. Pero kahit narito sa stage ay halos ma-overwhelmed ako sa lakas ng cheer para sa akin. Hindi naman halatang handang-handa sila.

"Are you all Excited?!" Excited na sigaw ng MC na nagpadagundong ng buong school.

"Me too. Finally, Hawak ko na ang mahiwagang enveloped!" Halos mabingi na ako sa mga hiyawan ng mga tao sa paligid. Hindi ko na 'rin masyado makita sila Dad and Mom dahil nagkukumpulan na sa unahan ang mga tao dahil sa inaantay na announcement.

"But before we proceed to our winner. Let's cheer up first. I want you to shout your biases at these candidates. Let's Start with....."Hindi ko na gaano narinig pa ang sinabi ng MC dahil hiyawan ng mga tao ang nangingibabaw. Ang naintindihan ko na lang ay isa-isang sinisigaw ng MC ang mga pangalan namin at kanya-kanyang hiyaw at ingay ang naririnig ko.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon