Seven
Tamad na tamad akong bumaba ng sasakyan nila Mom. It's monday again!
Tahimik akong naglalakad papasok sa school nang marinig ko ang boses ni Gus sa aking likuran. Tamad ko siyang nilingon at kaagad napukaw ang atensyon ko nang makitang kasama niya si Axel habang nakapamulsang naglalakad.
"How's your weekend?" Tanong ni Gus sa akin.
"Not bad." Sagot ko naman. Napapagitnaan nila akong dalawa sa paglalakad kaya medyo nailang ako sa tingin ng mga tao. Nasa kanan ko si Axel habang nasa kaliwa ko naman si Gus. Bawat nakangiting nadadaanan namin na babae ay ngini-ngitian ni Gus samantalang si Axel naman ay tahimik at naka-pamulsa lamang. Kitang-kita talaga ang kaibahan ng ugali nilang dalawa.
Naunang magpaalam sa amin si Gus dahil nauuna ang classroom nila sa amin. Tahimik kong tinatahak ang room nang magsalita si Axel sa tabi ko.
"Are you okay now?" Walang emosyong tanong niya. Namula ako dahil sa tanong niya. Simula noong nangyari, about my period ay never na kaming nag-usap ulit. Hindi ko na 'rin tinangka pang iopen up 'yon sa kanya dahil nahihiya ako.
Dahan-dahan na lang akong tumango at umalis, dahil may tumawag sa kanyang babae.
Siya pa 'rin 'yong babaeng nakita ko last week. Halos araw-araw silang magkasama Kumunot ang noo ko habang sinulyapan silang dalawa. Kung totoo man yung sinabi ni Gus na kaya siya may kasamang babae, dahil tinutulungan niya ito, then I guess mabait nga siya.
Tahimik akong naupo sa aking pwesto at nabasa ng libro. Kalaunan naramdaman ko na ang presensya ni Axel sa tabi ko. Wala kaming imikang dalawa. Wala rin naman akong gustong sabihin sa kanya.
Maglaon ay may lumapit sa aking tatlong babae at pinalibutan ako. Isa-isa silang nagpakilala sa akin pero clueless lang ang ipinakita ng mga mata ko sa kanila.
"You're Riel right? Chessy Riel?" Blangko ang aking emosyon habang tumango.
"Can we friends? We really want you to be part of our circle." Natigilan ako sa hinihiling nilang mangyari. Sumulyap ako kay Axel na mukhang nanunuod. Maging siya ay naghihintay sa isasagot ko.
Binalik ko ang tingin sa kanila at nginitian bago nagsalita. "I'm sorry but I'm not really a friendly person. Maybe you can find another one that you can get along with." Bigo nila akong tinalikurang tatlo at bumalik sa kanilang pwesto. Out of frustration, naikuyom ko ang aking kamao. If only, I sighed at pilit sinantabi ang pagkabigo sa tinuran.
"Why? Is there something wrong? They're great people, why can't you let them?" Sabi ni Axel. Hindi ko siya magawang tingnan. At yumuko na lamang. Napaisip ako sa tanong niya at isa-isang pinagmasdan ang mga babaeng lumapit sa akin. And like what he said, they are great and simple, that's why I can't, because I feel like I don't deserve them.
I sighed deeply at nakuha ko ulit ang atensyon niya. Nang nagtama ang tingin namin 'tsaka ko siya sinagot. "I just can't trust people anymore." Matabang kong sagot at nag-focus na sa librong hawak ko.
That day was also the last time I talk to him. Sa mga sumunod na araw ay hindi na siya pumasok. Nalalapit na rin ang exam pero di parin siya pumapasok. I wonder kung may nangyari ba sa kanya o sa kanila? Ilang beses ko 'ring tinanong si Gus pero maging siya ay walang alam.
Friday, tahimik kong binabagtas ang hallway papuntang room nang marinig ko ang boses ni Gus sa likod ko.
"Malapit na exam, nag-review ka na?" Tanong niya ng masabayan ako sa paglalakad. Tamad ko lang siyang tinanguan at naglakad ulit. Nauna siyang mag-paalam sa akin. Pagkaupo ko sa upuan, napansin ko kaagad ang bag ni Axel na nakapatong sa mesa.
Pumasok na siya? Nilingalinga ang aking ulo upang hanapin siya at hindi mapawi ang ngiti ko nang masilayan ko siyang nasa unahan at nakikipag-usap sa class president.
Wait! Stop there! Why am I so happy? And why was there a butterfly in my stomach when I saw him? Why is my heart beating faster? Napakaraming tanong na gusto kong sagutin. It's my first time having this kind of emotion.
Nahuli niya akong nakatingin sa kanya, while smiling at halos sabunutan ko ang sarili ko dahil sa pagkakataranta. Nagiwas ako ng tingin at kumuha na lamang ng notebook, nagpanggap akong nagsusulat. Makaraan ang ilang minuto ay nararamdaman ko na ang pagtabi niya sa tabi ko. Mas lalong nagwala ang puso ko. Nakagat ko na ang aking labi upang maitago itong nararamdaman ko.
Nang medyo kumalma ang sarili, unti-unti ko siyang sinulyapan, nakatingin na naman siya sa bintana habang nakapangalumbaba. Sinuri kong maigi ang katawan niya at kapansin-pansin ang pagpayat nito. Halata din ang malaking eyebags sa mata niya.
Biglang dumating ang aming guro kaya napaharap na ako sa unahan. During the discussion, ilang beses nangusap ang mata ko na sulyapan siya ngunit pinigilan ko ang lahat. Bakit parang biglang naging sabik ako sa presensya niya? Dala lang ba nito nang pagkawala niya? Dahil ba sa naninibago ako dahil wala akong katabi? I don't know! I'm not expert in dealing this kind of emotion.
Nang tumunog ang bell ay nauna akong tumayo, pakiramdam ko hindi na ako makahinga.. Dinampot ko ang aking wallet at cellphone at diretso ang hakbang patungong cafeteria upang makakain. Nakatanggap din ako ng text galing kay Gus ngunit binalewala ko lang ito. After cafeteria, binitbit ko ang pagkaing binili sa soccer field kung saan ko napiling magpalipas ng oras. Ito na lang ang alam ko para mapakalma itong nagwawala kong puso. Gusto ko 'ring mag-isip ng maayos.
Malakas na umihip ang hangin at inalon nito ang napaka-haba kong buhok. Pinagmasdan ko ang malawak na damuhan habang sumusubo ng pagkain. Pinikit ko sandali ang aking mata at pilit na pinapakalma ang sarili sa nararamdaman. Hindi nagtagal, kumunot ang noo ko nang marinig ko boses ni Gus sa tabi ko.
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Anang niya at naupo sa tabi ko. Napalingon din ako sa kaliwa ko at nakita ko si Axel na umupo. Pareho silang may bitbit na pagkain. Halos nabilaukan ako at iritang tiningnan si Gus na nasa kanan.
Siguro kong nakasandal kami sa pader baka kanina ko pa nauntog ang ulo ni Gus. Hindi ba siya nakakahalata na kaya hindi ko sinagot ang text niya ay dahil ayoko silang makasabay sa pag-break?! And now they're here! O God!. Okay sana kung siya lang, ang kaso kasama pa si Axel!
Ano ba! Gusto ko lang naman takasan siya sandali kasi simula kaninang umaga pa ako hindi makapag-focus dahil sa presensya niya. And now katabi ko na naman siya? Paano pa ako makapag-isip ng maayos nito.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at 'tsaka inubos ang pagkaing hawak ko. Hinayaan ko na rin silang mag-usap sa tabi ko.
"Bakit ka nga pala wala nitong nakalipas na araw? May nangyari ba?" Tanong ni Gus kay Axel. Agad na lumaki ang tenga ko sa kaliwa at naghihintay ng isasagot ni Axel.
"W-Wala naman. I just want some space." Matabang ang aking emosyong napatingin kay Axel dahil sa sagot niya. Space? Space from what?
"Space? Why? May girlfriend ka ba at kailangan mo ng space?" Halos magdiwang ang tenga ko dahil sa follow up question ni Gus.
Pareho kami ni Gus na naka-abang sa isasagot niya ngunit isang malawak na ngiti ang pinakawalan niya dahilan upang matigilan ako at mas lalong magwala itong puso ko.
It's my first time seeing him smile. He has a deep dimple that can crush my heart and soul. I am hypnotized by him and I unknowingly touch his dimple.
Nang matauhan sa ginawa, kitang-kita ko ang gulat niyang reaksyon, ganoon 'rin si Gus. Sa sobrang hiya ay tumayo ako at wala sa sariling nagpa-alam.
"I-I think,I'll go ahead."natataranta kong paalam.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...