Eighteen
Hindi ko maitago ang aking ngiti habang masayang bumaba ng hagdan. It's weekend at hanggang ngayon ay parang nasa alapaap pa 'rin ako dahil sa nangyari kagabi.
"Morning Mom" Masiglang bati ko kay Mommy na nasa sala at nanunuod.
"Himala, good mood ka 'ata." bati niya sa akin
"Of course. I take the crown kaya." Proud kong sambit sa kan'ya. Simpleng ngiti lang ang pinakawalan ni Mom at itinuro sa akin ang pagkain.
"By the way Reil, ikaw muna bahala sa kapatid mo. May aasikasuhin lang kami ni Daddy mo sa office." Tumango ako bilang tugon kay Mom at naupo na upang kumain.
Nakaraan ng ilang oras ay napatayo ako sa sala at tinawag ang aking kapatid.
"Wanna play outside?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Mabilis naman kaagad ang tango ni Calvin sa tanong ko. Pinagayos ko lang siya at maya-maya'y sabay na kaming lumabas ng bahay.
Pareho kaming nakabike habang papuntang Park. Isinandal namin sa malilim na puno ang bisikleta'ng dala namin at naupo. Hinayaan ko 'ring maglaro si Calvin sa playground at pinapanood siya.
I felt my phone vibrated kaya kinuha ko ito sa bulsa ng short ko.
Gus texted me. "Good Morning to our Ms. Winston." For sure inaasar na naman ako ng lalaking ito.
Hindi ko hinayaang sirain niya ang araw ko kaya sinakyan ko nalang ang trip niya. "Good Morning 'rin." I replied. May sunod pa siyang reply pero hindi ko na tiningnan at nag-focus na lang sa kapatid kong nagpapadulas sa slide.
Panay 'rin ang tawag niya sa pangalan ko habang napakalawak ng ngiti. Hindi nagtagal ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi at nang lingunin ko, nakangiting si Alex ang bumungad sa akin.
"Congratulations again for winning!" Nakangiti niyang bungad sa akin. Ang lawak ng ngiti kong nakatitig sa kanya.
"And thank you for coming!" Sagot ko naman. Pareho kaming nakangiti sa kapatid kong naglalaro.
Unti-unting napawi ang ngiti ko ng maramdaman kong bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Pagtingin ko ay walang malay na Alex ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mata ko sa nangyari.
"Alex? Alex? Are you okay?" Kalabit ko sa kan'ya pero wala pa 'ring response.
"Alex? Alex!" Still no response. Biglang kumalabog ang dibdib ko sa kaba at dali-daling tinawag si Calvin. Inalalayan ko siyang mahiga sa lap ko habang natataranta.
"What happened to Kuya Alex, Ate?" Paulit-ulit na tanong ni Calvin sa akin ngunit di ko siya masagot dahil sa pagkakataranta.
Kahit anong gawin ko, ayaw magising ni Alex. Nanginginig akong kinuha ang phone ko at tumawag ng emergency. I also called my Mom dahil naging blanko na ang isip ko sa gagawin ko. Wala naman akong contact ng parents niya para tawagan.
"Calvin try to call Daddy, I don't know what to do!" Nasisigawan ko na siya at halos mamutla na ako habang nakikita ang walang malay na si Alex. Nanginginig na ang kamay ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Maging si Calvin ay natataranta na 'rin, we try to call for help pero wala kaming makitang ibang tao sa paligid. I also try to find Alex phone pero hindi niya 'ata nadala.
"Ate, on the way na daw sila Dad!" Natatarantang sabi ni Calvin sa akin.
"Is Kuya Alex Dead?" Halos mamutla ako sa tanong niya.
"Anong Dead? No!" sagot ko
"Why he's not breathing..." anong— hindi ako makasagot at nanginginig na hinawakan si Alex sa kanyang leeg to feel his pulse, wala akong maramdamang tibok, I also tried to feel the breathing on his nose but it's so weak. Ilang beses kong iniling ang ulo ko at inalis ang nakakatakot na conclusion sa isip.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...