Twenty Nine

112 4 0
                                    

Twenty Nine

Suot ang royal blue na dress at flat sandal bumaba na ako sa dining area. Nahuli ko kaagad ang seryosong tingin ni Axel habang namamanghang pinagmamasdan ako.

"Your crush is here, huh?" Napabaling ako sa kapatid kong mapangasar na nakasunod pala sa likod ko.

"Shut up, Calv," I said. He just smirk at me at nauna ng bumaba sa hagdan.

I cleared my throat when I sat beside Mom, kaharap si Axel na katabi ni Calvin, while Dad was at the center table. Nakahain na ang dinner sa harap namin kaya tahimik na muna kaming kumain. Napapansin ko ang madalas na pagsulyap sa akin ni Axel. Malaking palaisipan pa rin sa akin ang tanong kung bakit nandito siya?. Nasa dessert na kami ng basagin ni Dad ang katahimikan.

"So Riel?" Tawag niya ng pansin ko.

"Yes Dad?" Sagot ko at baling sa kanya.

"Did you rest well? Ilang araw ang day off mo this month?" Napaisip ako sa tanong ni Dad. Hindi ko mabilang, alam ko hindi lalampas sa lima ata? Dahil kailangan ako sa mga surgery. Everytime na nag-tipon-tipon kami, they are all asking me this kind of question. They're worried about me at s'yempre dahil malayo ako sa kanila, mas hindi nila ako natutu-tukan kung ilang oras lang ba ang tulog at pahinga ko. They just know that the schedule of Doctor is always been on-call.

"6? Or 5 days?" Walang kasiguraduhang sagot ko. I heard Mom heavily sighed at halatang nagaalala kaya para maibsan ang kaba nila humirit kaagad ako "But don't worry, I always eat on time." I said sweetly while I hold my Moms hand for assurance.

Nagtagpo ang tingin namin ni Axel na animo'y maging siya ay nagaalala sa working schedule ko.

"This is why I don't really want you to take medicine. Walang pahinga, almost 24 hours na need on duty and on call." Si Mom na isa sa pinakamortal enemy ko sa pag-take ko ng Medicine.

"Its okay Mom. I love what I'm doing." Napabaling ako sa kapatid kong biglang natawa sa sinabi ko, pati si Mom, Dad and Axel ay nakatingin na rin sa kanya.

"Love? Stress kamo! You always call me in the middle of the night, crying every time you lose a patient." I glared at him. Kung pwede lang pumatay ng kapatid, baka nasa sementeryo na 'tong lalaking ito.

"What happened to my lovable brother when he was a little? Tinangay na ata ng panahon" asar ko sa kanya. He looks so pissed every time I mention the 'lovable brother'.

Narinig ko ang halakhakan ni Mom and Dad dahil sa pagaasaran naming dalawa ni Calvin. I even saw Axel smile while he looked at me.

"So..." naputol ang pagpapatayan namin ng tingin ni Calvin ng magsalita si Mom.

Napainom ako ng tubig at naghihintay ng sasabihin niya nang mapansin ko ang pagtitinginan nila ni Mom and Axel na animoy nagse-senyasan kung sino ang magsasalita. I sip again on my water, when I saw Axel looking so serious while looking at me. His eyes also surveyed Calvin, Mom and Dad. Pormal siyang tumuwid ng upo habang ako'y sunod sunod na uminom ng tubig. Bigla akong kinabahan sa way ng mga titig niya.

"I already called Tita Cheska yesterday about this. So I want to formally ask your approval..." nabitin sa ere ang pagsasalita niya at seryoso itong tumingin sa akin. My eyes narrowed, biglang kumalabog ang puso ko kaya napainom muna ako ng tubig upang maitago 'yon. "Approval that I want to legally court Riel" Naibuga ko ang tubig na iniinom ko kay Axel. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Te-Teka? Seryoso ba siya?

Court? Legally? Liligawan niya ako? Nakita ko ang parang asong ngiti ng kapatid ko. Si Dad naman ay nagtatago ng ngiti at si Mom na animo'y teenager na kinikilig.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon