Four

238 15 0
                                    

Four

As a minute goes by hindi na ulit kami nag-usap ni Axel at sa bawat minutong nagdaan, walang ginawa ang tiyan ko kung hindi ang kumulo nang kumulo. Hindi nga pala ako kumain ng agahan kaya nagpasya akong kumain na muna since mahaba pa naman ang oras for the 2nd subject.

Tumayo ako at binitbit ang wallet. Nadaanan ko 'rin ang room ni Gus at nahuli ko lang siyang nakikipaglandian sa kaharap niya habang discussion.

Like father, like son talaga.

Ako lang ang tao nang makarating sa cafeteria. Naghanap agad ako ng makakain at tahimik na naupo sa bakanteng upuan. Ilang minuto pa ang nagdaan at niligpit ko na rin ang aking pinagkainan.

Naglalakad na ako pabalik ng classroom nang bigla kong mapansin ang phone ko. Don't tell me! Bigla kong naalalang nilapag ko nga pala sa table ko 'yon. Napamura ako sa aking isip. Hindi naman siguro titingnan ni Axel 'yon 'hindi ba?

Naka-homescreen pa naman ang litrato kong puro kalokohan. Nilkhan ko na ang hakbang ko para makarating kaagad sa classroom. At tama nga ang hinala ko, nasa mesa ko nga ang phone. Dahan-dahan akong napaupo at kinuha ito.

Napatingin agad ako kay Axel na nakaheadseat habang nakatanaw sa bintana. Hindi naman niya siguro ginalaw phone ko? And besides ano naman ang gagawin niya rito? Napangiti ako sa iniisip at agad binulsa ang cellphone.

Iniyuko ko na lang sandali ang ulo ko at pumikit. Halos pabagsak na rin kasi ang mata ko dahil sa antok
Unti-unti akong napamulat at mga mata agad ni Axel ang nakita ko. Did he just watch me while I'm sleeping? Napalunok ako at agad nagiwas ng tingin. Umayos ako ng upo dahil nandito na 'rin pala ang aming guro.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa namalayan ko na lang breaktime na pala. Nagliligpit palang ako ng aking gamit nang marinig ko ang boses ni Gus sa labas ng classroom at tinatawag ako. Napahinga ako ng malalim at napailing. Dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya, sapilitan na siya pumasok sa loob ng aming classroom at naupo sa harap ko.

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "Gus pwede ba!" inis na saad ko sa kanya.

"What? Wala pa nga akong ginagawa, tinawag ko pa nga lang pangalan mo." Sinamaan ko siya ng tingin at mas nanuya ang mga ngiti sa akin bago tumingin kay Axel sa tabi ko.

"Sabay ka na sa amin ni Riel?" anyaya niya rito. Hindi ko alam kung umayon ba si Axel sa tanong niya o hindi. Pero kahit umayon siya o hindi wala rin naman akong balak na sumabay sa kanilang dalawa sa pagkain. Ayoko ring pagpyestahan ng mga tingin ng estudyante sa tuwing kasama sila.

Sabay silang tumayo at naglakad palabas ng classroom, sinipat ko lang sila at pinagmasdan.Mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan.

Nauuna silang maglakad sa akin as I also keep my distance from them. I plan to not eat today at busog pa ako dahil sa breakfast ko kanina. Balak kong magtungo sa auditorium at doon na lamang magpalipas ng oras. Madilim kasi doon at gusto kong mapag-isa habang susubok umidlip.

Ang dami kong nakasalubong na mga estudyante na nagkukwentuhan, may napapansin din akong mga lalaki na napapa-sulyap sa akin ngunit wala sa kanila ang atensyon ko. All I want now is sleep.

Pagkabukas ko ng auditorium, halos mapangiti ako nang makitang walang event doon at napaka-tahimik. Naghanap ako ng pwesto at naupo. Sandali akong nag-browse sa aking phone at naghanap ng kanta. I also set the alarm clock para magising ako at hindi mahuli sa klase.

Sinubukan kong ipikit ang aking mata and thank God dahil nakatulog agad ako.

Nagising ako nang marinig ang napakalakas na alarm sa aking tenga, pinatay ko ito at napaunat-unat. Napansin ko rin ang napakaraming misscalls ni Gus. Pagkalabas ko nang auditorium, I dialed his number too but I stopped in the middle of it when I saw Axel with another girl?

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon