Thirty Four

92 3 0
                                    

Thirty Four

He intertwined our hands as he pull me towards the elevator. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga kamay namin.

"Thank you Riel..." unti-unti kong inakyat ang aking tingin ko sa kanya at nagtama ang tingin namin. Kitang kita ko ang pagkislap ng mga mata niya habang sabik ang tingin sa akin.

"For what?" wala sa sariling tugon.

"For making me the most happiest man in the world right now." sumilay ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "You don't know how many times I have longed for this day." he said in a calm voice at titig na titig sa akin.

Ako din... I said in my mind. Hindi ko rin naman inakala na mangyayari ito. Akala ko nga ang unrequited love ko para kay Axel ay isang pangarap lang na hindi matutupad. Pero habang tinitingnan ko ito ngayon sa harap ko. Love really find its way to whoever it belong like what happen to my love for him.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa bulwagan, nasa bukana pa lang kami ng Hotel ay napapalibutan na kaagad kami ng media. Mas lalong hinigpitan ni Axel ang hawak sa kamay ko habang sunod-sunod ang kuha nila ng litrato.

"Mr. Axel Morata, is your date today is your girlfriend?" Natigilan si Axel sa paglalakad at sinagot ang reporter.

"Yes, she is." Pagkasabi niya noon ay mas lalong dumami ang mga naki-usisa sa amin at kung ano-ano na ang mga binabatong tanong.

"May I know how you two met Mr. Axel?"

"Is she also a businesswoman Sir?"

"She's beautiful, Can I ask your name Mam?" tanong ng isa sa akin. Ngumiti lang ako sandali at nagpa-tianod na sa paghila sa akin ni Axel palayo sa kanila ngunit hindi pa nga kami gaanong nakakalayo ay mas lalo silang lumapit sa amin na para bang kilala na nila kung sino ako.

"Mam you are the viral doctor right?"

"Sir you are dating Ms. Riel Salazar, a doctor po?" Hindi ko alam kung tamang place ba na sagutin ang mga 'yon dito gayong event ito ng kompany nila Axel.  Narinig ko pa ang pagtawag nila sa ibang reporter at mas lalo kaming dinagsa ng mga tanong tungkol sa akin. Napabuntong hininga ako at malungkot na tumingin kay Axel.

"I'm sorry." nginitian niya lang ako at hinawakan ng mahigpit.

"I didn't know that you were this popular. The press almost doubled because they found out you were here." I smirked.

"Ngayon lang yan since the viral video. Lilipas rin yan." Medyo nakakalayo na kami sa kanila at napansin ko na rin ang mga naka-corporate attire na mga tao. Hindi kalayuan, natanaw ko na sila Mom, Dad and Calvin. Palapit sila ngayon sa amin at pansin ko ang kakaibang tingin ni Mama sa aming kamay na magkahawak. She smile widely.

"Kanina pa po ba kayo Tita?" unang bungad na tanong ni Axel sa kanila.

"Nope. Kakarating lang rin."Si Dad ang sumagot. Napatikhim si Daddy habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Napansin ni Axel ang papalit-palit na tingin nila Mom and Dad sa kamay namin kaya dahan-dahan akong bumitaw ngunit mas hinigpitan ni Axel ang hawak roon. Napalunok ako.

"Ah Mam and Sir," Bigla akong kinabahan dahil sa  pagiging pormal niyal habang nakatingin kila Mom and Dad. Naramdaman ko ang kaba niya habang hawak ang kamay ko.

"Riel has already answered me. And I am his boyfriend now." Napa-awang ang bibig ko sa diretsahan niyang pag-amin sa aking magulang. Nagkatitigan kami at kitang-kita ko sa mga mata niya ang nag-uumapaw na emosyong. Nangingilid ang luha sa mata ko dahil hindi ko mapigilang matuwa sa nangyayari.

Lumapit sa amin si Mommy at kinuha ang dalawang kamay naming magkahawak. "I'm so happy for the both of you." Aniya sa aming dalawa. Tumingin rin siya kay Axel at niyakap ito habang hindi binibitatawan ang kamay ko. "Welcome to our family ijo." she said amusingly.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon