Eleven
Hindi ko na tinapos pa ang try out at nagbabakasaling maabutan ko pa ang aming class president. Bumalik ako sa classroom at wala na siya, hinanap ko 'rin siya sa library at nagbabakasali, ngunit wala akong makita ni isang estudyante doon. Huli kong choice ay gym na puno ng tao. Sinikap kong hanapin siya sa kabila ng nagtatalunang mga estudyante at gayun na lamang ang ngiti ko ng makita ko siya sa may sulok at nanunuod.
Dire-diretso ang hakbang ko patungo sa kanya. Kinalabit ko siya habang ramdam na ramdam ko ang tagaktak kong pawis. Sumulyap muna ako sa gym at napakunot noo nang makitang nakatingin pala sa akin si Gus at Axel. Mukhang nagpapahinga ang buong team. Hindi ako nag-focus sa kanila at mabilisan kong kinuha sa aking bulsa ang aking phone.
"Can I get your number Calix?" Kitang-kita ko ang pag-awang ng bibig niya dahil sa sinabi ko. Halos magsalubong 'rin ang kilay ko nang mapansing nakatingin sa amin ang nasa paligid. Mukhang napa-lakas yata ang boses ko.
"Huh?" naguguluhang tanong niya sa akin. Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa ginawa ko. Mukhang namisinterpret nila ang ginawa ko.
Napalunok ako at bumulong sa kanya. "Your number, kailangan kong malaman para sa mga gagawin kong preparation regarding the contest." bulong ko at inabot ulit ang aking phone.
"So you mean, okay na sayo?" ngumiti ako at tumango sa sinabi niya. Napangiti 'rin siya at tinanggap ang cellphone ko. He input his number while talking "Make sure to win this contest, sayo kami aasa." sabi niya.
"I can't promise, but I will do my best." sambit ko. Binalik na niya sa akin ang phone at akmang aalis na sana ako ngunit may naalala ako, kaya humarap ulit ako sa kanya. "Baka wala ako bukas, I will inform you. Pwede bang sayo na lang ako makipag-coordinate about this?"
"Sure, sure. Just call me." nakangiting sambit niya kaya napangiti na rin ako.
"Sige. I'll go ahead." paalam ko kaya tinalikuran ko na rin siya.
Nakangiti akong lumabas ng gymnasiyum habang naiisip na ang gagawin kong paghahanda for the last 5 days of preparation.
Agusto Jerl Madrigal / Gus POV
"Is that Riel?" tanong ko kay Axel nang mapansin kong may kausap siyang lalaki. Hindi ito sumagot kaya napasulyap ako sa kanya. Titig na titig siya kay Riel at hindi kumukurap. Kinalabit ko ulit siya para makuha ko ang pansin niya.
"Huh, What?" wala sa sariling usal niya.
"Si Riel 'yon diba?" tanong ko ulit.
"Yeah. I guess?" saad nito at wala na sa sarili. Anong nangyare sa kanya kanina lang hindi mawala ang ngiti niya dahil lamang kami sa game ngayon para naging tuliro na.
"Can I get your number Calix?" Nakuha ulit ang atensyon ko ni Riel dahil sa sinabi niya. Wait! Did she just want that nerd number? At kailan pa naging friendly si Riel sa ibang tao? Tinapik ko ulit si Axel at maging ako ay napakunot noo dahil parang mabubutas na niya ang bolang hawak niya habang kanina pa titig na titig kay Riel at doon sa nerd na kausap nito
May hindi ba ako nalalaman sa mga ito? Nagkaroon ng ideya ang isip ko ngunit itinago ko na lamang ito.
"It's the first time..." bulalas ni Axel na kinagulo ng utak ko.
"First time?" naguguluhang tanong ko.
Tinalikuran na niya ito at nagsimula ng bumalik sa katinuan. "First time to see her talking to a guy beside us." Simula 'nun ay nawalan na ng gana si Axel maglaro, nawalan na rin ng interes ang mga sumusuporta sa amin dahil tambak na tambak na kami ng mga 4th year.
4th Quarter break, binigyan ko siya ng tubig. "What happen to you? Parang nawalan ka bigla ng gana. Is there a problem?" tanong ko.
"Ha. Wala! Malakas lang depensa nila." malamyang sagot niya at bumalik na ulit sa court.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Roman d'amourChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...