Twenty Three

199 7 0
                                        

Twenty Three

Isinukbit ko kaagad ang aking stethoscope ng makarating ako sa hospital.

"Doc nasa ICU po." bungad sa akin ni Nurse Liya ng makita niya ako. Halos takbuhin na namin ang ICU upang makarating kaagad.

Pagpasok ay diretso kaagad ako sa loob at chineck ang pasyente. Ang lawak ng ngiti ko habang pinapaliwanag sa kanya ang successful operation kagabi.
After ay kinausap ko naman ang kanyang guardian at hindi maipinta sa mga mukha nila ang galak at pagpapasalamat. Pabalik na ako ng office ng mapansin ni Nurse Liya ang suot ko.

"Hindi ka umuwi Doc?" Anang niya. Natahimik ako at naiilang na lamang na tumango habang papasok sa loob ng aking opisina. Pagod na pagod akong napaupo sa upuan at sandaling pumikit. Naramdaman ko 'rin ang pag-vibrate ng aking phone kaya sinagot ko muna ito.

"Uhm, Hello?" I said without looking at my phone.

"Your Dad wants you to have a dinner with us this weekend." Si Mom pala.

"This weekend?" Napasulyap ako sa calendar at tiningnan kung may schedule ba akong operation that time. And thank God, wala naman.
"Okay. I'll be there after work. Sige na Mom, tinatawag na nila ako."

"Sige sige. Make sure to eat."

Simple na lamang akong napangiti at binaba na ang tawag. Ipinikit ko na ulit ang aking mata nangmakarinig ako ng katok sa pinto.

Sino na naman yan?

"Come in." Tanging naging hudyat ko upang makapasok siya.
Sa sofa palang ay kitang-kita ko na ang nakakalokong ngisi ni Gus habang may dalang pagkain.
Nakatanggap siya ng masamang tingin sa akin. "Kumain ka na. Dinalhan kita ng pagkain" aniya habang inaasar ako ng tingin.

"Alam ko namang hindi ka pa kumakain dahil sa pagmamadali." Makahulugang dugtong niya habang inaabot na sa akin ang bento box na dala niya.

"Galing mo talaga e," sarkastiko kong sabi sa kanya.

Mas lalong naging mapanukso ang tingin niya at siniko ako. "Ano? Kamusta ang pagkikita niyo ng first love mo? May improvement na ba?" Asar niya pa. I rolled my eyes at him habang binuksan ang pagkaing dala niya.

"Improvement your ass! Sa tingin mo ba sa trabaho ko, may oras pa akong makausap siya ng matagal.

Unang bungad sa akin ay tawag ng nurse at pinapamadali akong pumunta dito." I sighed deeply while ranting at him.

"Sayang naman. Binigyan ko na nga kayo ng pagkakataon at oras para makapag- you-know catch up?" Mas lalong naging matalim ang tingin ko kay Gus dahil sa mga pang-aasar niya.

"Ikaw Gus, sa susunod kung ise-set-up mo ako, make sure na clear ang schedule ko after. Okay?"

Sarkastiko kong sabi. Mas lumawak ang ngisi niya dahil sa pasaring ko.
Maya-maya natigil rin ang asaran naming dalawa at nag-focus na lamang sa pagkain. Nagpahinga kami sandali at parehong nagpapatunaw ng pagkain nang biglang pinukaw ni Gus ang atensyon ko.

"By the way did you meet the new Doctor? He was assigned to ER. Balita ko pinagkakaguluhan daw ng mga nurses." Sabi niya. Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya at nagpakita ng walang kainte-interest sa kinukwento niya.

Hindi nagtagal, nagpaalam na rin si Gus sa akin kaya nag-ayos na din ako ng sarili at hinarap ang aking mga pasyente. Buong maghapon akong nasa office lang at ni-review ang mga chart ng aking pasyente. Pagsapit ng alas singko, mabilis na akong nagliligpit at nagbilin na lamang sa aking mga nurses na on-duty.

Naglalakad na ako sa lobby ng hospital nang bigla akong kalabitin ni Gus. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwede ba Gus, layo-layo ka nga muna sa akin. Kaya tayo napag-uusapan na may something sa atin dahil sa mga pagdikit mong ganito."

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon