Twenty Five

112 6 0
                                    

Twenty Five

Napaigtad ako sa lakas ng tunog ng aking phone. Inaantok ko itong sinagot at agad nawala ang antok ng makita ko ang pangalan ni Liya.

"Doc, we need you here. Mr. Velin is in critical condition." natatarantang bungad niya sa akin.

"Okay, brief me while I'm changing." Mabilis kong sagot. Habang nag-aayos, ni-report naman sa akin ni Liya ang nangyari sa magdamag kay Mr. Velin. After her briefing, pinatay ko na kaagad ang tawag at isinarado ang unit ko.

Ilang beses kong pinindot ang elevator bago nito tuluyang iniluwa ang pawis na pawis na si Axel. Napaiwas ako ng tingin at matipid na ngumiti. Parang may kung ano sa dibdib ko ang nagwawala na naman.

"Work?" Tanong niya sa akin. Mabilis akong tumango at pumasok sa nilabasan niyang elevator.

Nabasag ang katahimikan namin ng mag-ring ulit ang aking phone.

"Doc–" kaagad kong pinutol ang tawag ni Liya.

"Yes, I'm coming. I'll be there in a minute." Sagot ko at tuluyang nagsarado ang elevator habang titig na titig sa akin si Axel.

Bigla akong nakahinga ng maluwag nang sumarado ang elevator, pinaypayan ko agad ang aking sarili dahil sa pag-iinit na nakita ko kanina.

Nakarating ako ng hospital na nagmamadali. Mabilis akong sinalubong ni Liya nang makita niya ako sa lobby. Halos tinakbo niya ang distansya namin at agad siyang nang-inform sa kalagayan ni Mr. Velin. Mabilis ko siyang in-instruct sa mga dapat na gagawin at sa mga ida-dagdag na gamot.

Direrso ako sa aking opisina at kinuha ang doctors gown at mga ibang gamit bago nagtungo sa kaagad sa ICU.

After checking to Mr. Velin ay diretso na rin ako sa ER upang i-discharge ang iba ko pang pasyente na need ng ma-discharge.

Tanghali na ng magdesisyon akong umakyat sa aking office nang may pamilyar na tao akong namatamaan sa may OPD section. Unti-unti akong lumapit upang kompirmahin kung sino 'yon nang biglang harangin ni Apolo ang tinitingnan ko.

He's wearing his sweetest smile while looking at me pero wala sa kanya ang atensyon ko.

"Lunch? You can join me." Aniya habang nakangiti sa akin.

Inirapan ko siya habang nakapamulsa sa harap niya.

"No thanks. I'm not that hungry to join you." Maldita kong tugon.

"Ito naman." Sumunod na siya sa paglalakad ko. "Don't tell me you still didn't move on from our break-up?." Asar niya sa akin. Salubong ang kilay kong hinarap siya.

"Pwede ba Apolo!" inis kong utas sa kanya.

Mas lalong naging malagkit ang mga tingin niya na para bang nagustuhan siya sa nagiging reaksyon ko sa mga sinasabi niya.

Nakita ko ang pag-angat ng kanyang kamay at idadapo na sana sa aking pisngi nang biglang manlaki ang mata ko dahil sa paghawak ng kamay ng isang lalaki roon. Unti-unti kong inangat ang aking mga tingin at nakita ang galit na titig ni Axel kay Apolo.

"Aray!" Daing ni Apolo habang hindi parin binibintawan ni Axel ang kamay niya.

"A-Axel" tawag ko sa kanya ngunit nagbabaga pa rin ang kanyang mga matang nakatingin sa lalaking nasa tabi ko,

Napalunok ako at hindi malaman ang gagawin.

Nakita kong pabagsak na binitawan ni Axel ang kamay ni Apolo na alam kong kanina pa irita dahl sa ginawa ni Axel.

"Please be mindful to your hand next time." Galit na bulalas ni Axel kay Apolo. Nakita ko ang biglang pag-igting ng panga niya at tinitigan si Axel ng masama.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon