Six
Nakatunghay ang aking ulo sa bintana habang napapaunat-unat. Sa wakas it's weekend at wala kaming pasok. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti habang iniisip na maayos kong nairaos ang isang linggo sa bagong school. I turned on my bluetooth speaker at sinasabayan ang indak ng musika. Isinaayos ko 'rin ang mga libro kong naka-kalat sa study table.
Paglingon ko sa orasan, nanlaki ang mata ko nang makitang tanghali na pala. Dali-dali akong bumaba upang maka-kain na ng tanghalian. Nadatnan ko si Mom na nasa sala at may binabasang mga papeles, si Dad ay sigurado akong nasa study room niya. Diretso ang hakbang ko patungong kusina at napangiti nang makita ang aking kapatid na naglalaro habang kumakain.
Tinabihan ko siya habang hinahandaan na 'rin ako ni Aling Sining ng pagkain.
"Good Morning." bati ko kay Calvin. Ngumiti siya at malambing na lumapit sa akin.
"Why?" tanong ko sa kanya dahil alam kong may kailangan na naman ito kaya nanlalambing.
"Pwede ba tayo lumabas mamayang hapon? Gusto kong maglaro sa playground at magbike, please?" His eyes form cutely while pouting . Napaisip muna ako bago nagsalita.
"Alam na ni Mom?" tanong ko.
He pouts more while having a sad face. "Ikaw na magpaalam Ate, please." Napahinga na lamang ako ng malalim at nag-okay sign sa kaniya. After ko kumain, sinundan agad ako ng tingin ni Calvin, pinapanood ako sa gagawin. Lakas loob akong tumabi kay Mommy sa sala.
"Mom." Tawag ko ng pansin niya.
"Yes?" Saad niya habang abala sa pagbabasa.
"Pwede ba kaming lumabas mamaya ni Calvin? We just want to play outside. Bike lang sa clubhouse." Sabi ko at malambing na ngumiti.
Nakakaloko niya akong tiningnan at sinulyapan din si Calvin na nagaabang sa likuran ko. After a second of thinking about what I said, ngumiti siya at tumango. "Okay. Make sure that you will look and protect your brother" bilin niya, ngumiti ako at tumango sa utos niya. Me and Calvin smile widely at each other, para kaming nanalo sa lotto.
Umakyat ako sa kwarto at may ilang oras pa naman bago ang pinaalam kong oras kay Mom. Naupo ako sa study table at nakapangalumbabang sinuri ang tanawin. Sikat na sikat ang araw at ramdam ko 'rin ang init na binubuga ng hangin ngunit hindi 'yon naging hadlang upang isarado ko ang bintana.
Napakatayog na ng puno sa tabi ng bahay. Sinuri ko rin ang paligid ng bakuran at tanaw na tanaw ko mula rito ang swimming pool sa kabila. Napangiti ako.
Balak ko na sanang isarado ang bintana, ganoon na lamang ang pagkunot ng aking noo nang may mapansin akong lalaki sa kabilang bahay na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan.
Siya 'rin ata iyong lalaki na lagi kong nakikita tuwing gabi.
Tumunghay siya sa bintana at kumaway sa akin. Nagtaka ako ngunit di ko maiwasang hindi siya pansinin kaya kumaway na rin ako.
"I've been watching you this whole time." Nakangiting saad niya.Natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin siya nga 'yong ilang gabi kong napapansing nakatingin sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Really?" Nakangiting sagot ko.
"Yep." Saad niya habang tumatango. Nagbalak na sana akong isarado na ang bintana ng sumigaw na naman siya.
"By the way I'm Alex. And you are?" hinintay niya ang isasagot ko.
"Chessy Riel but you can call me, Riel." Tipid kong pakilala at tuluyan ng sinara ang pinto.
Umupo ako ng komportable at nagbukas ng libro upang magpalipas ng oras.
Makaraan ang ilang oras ay napansin ko na ang presensya ni Calvin sa tabi ko kaya nagbihis na ako upang makalabas na kami.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Storie d'amoreChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...