Twenty Six

123 5 0
                                    

Twenty Six

Weekend at wala akong duty sa hospital. Tanghali na ako bumangon at kinuha ang cellphone habang palabas ng kwarto.

I scroll on my phone at nakita ang simpleng 'good morning with rest well' text ni Mom. Napangiti ako ng bahagya at binuksan ang refrigerator upang kumuha ng tubig. Sinuri ko 'rin ang laman nun at wala akong makitang pagkain, kahit instant noodles ay wala. Mukhang need kong mag-grocery. I open the TV habang naupo sa sofa, bitbit ang baso na may lamang tubig. Naghanap ako ng magandang palabas at nag-settle sa isang morning talk show.

Napasulyap ako sa orasan at 10:30 na ng umaga. Kailangan kong lumabas at bumili ng breakfast. Nagpalit ako sa kwarto ng simpleng white shirt at pajama bago kinuha ang phone at lumabas ng unit.

Natigilan ako at sandaling nasulyapan ang unit ni Axel habang hinihintay ang elevator.

Nandito kaya siya? Pero mukha siyang busy this past few days. Hindi na 'rin kami ulit nagkita after nung lunch-out namin kasama si Gus. Napagalaman kong siya na pala nagha-handle ng family business nila kaya sobrang hectic ng schedule niya. Even me, punong-puno ang schedule ko ng operation this past few days kaya halos hindi na ako nakakauwi ng bahay at sa hospital na naabutan ng umaga.

Kaagad akong pumasok sa elevator ng bumukas ito. Diretso ang lakad ko patungo sa coffee shop sa baba lamang ng condominium namin.

I ordered a hot cup of white chocolate mocha.

"Name Ma'am?" Tanong nung barista

"Riel" I said. At agad na niya pinunch ang order ko. Hinanda ko na rin ang phone for payment ngunit nagtaka ako dahil bigla niya akong pinapunta sa side kung saan aantayin ang order ko. Kunot noo ko siyang pinagmasdan, hindi niya hiningi ang bayad ko.

"Excuse me, hindi pa ako nagbabayad?" Tawag ko ng pansin sa barista.

He smile sweetly at me. "No need Ma'am. Nabayaran na po ito." Naiwang naka-awang ang labi ko at nagtataka. Bayad na? Sino? Luminga ako sa paligid at hinanap kung sino maari ang nagbayad ng coffee ko but aside from a woman behind me, parang wala naman akong kilala sa paligid.

"Teka pero hindi pa ako–" hindi niya na ako pinatapos.

"A man named Sir Axel, paid your coffee po." magalang na sabi niya. Naiwan akong nakatingin sa kawalan habang ina-accommodate niya ang panibagong customer sa likuran ko.

After a minute of waiting tinawag na ang name ko para sa coffee.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil may simpleng note na nakasulat doon.

"A coffee for you. Enjoy your day."

Bitbit ko ang coffee papasok sa unit habang hindi mapawi ang ngiti. Halos 30 minutes ko lang ata naubos 'ang kape at dumiretso na sa aking silid upang makaligo makaalis..

Suot ang black v-neck shirt at padded maong short with small sling bag ay umalis na ako ng condo.

Binati ako noong guard nang makita niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik.

Almost 20 minutes ang naging takbo ng biyahe patungong grocery. Kinuha ko ang push-cart at namili ng mga ka-kailangan sa unit.

Ano kaya ang magandang lutuin ngayon? Parang sinisipag akong magluto. Paano kaya kong bigyan ko siya ng ulam para sa coffee treat niya sa akin kanina? Hindi ba nakakahiya 'yon?

Namula ang pisngi ko sa mga pinaplano. Kaya mabilis kong kinuha ang aking phone at naghanap ng mga filipino cuisine na madali lang lutuin.

Adobo?
Bicol?
Caldereta?
Menudo?

Tawagan ko kaya si Gus at baka may ideya siya sa mga gusto ni Axel kaso panigurado aasarin na naman ako 'nun. Tinitigan kong maigi ang mga sinearch ko. I should stick to adobo since medyo may idea na ako sa pagluluto noon.

Inabot ng halos isang oras ang pamimili ko at umuwi sa condo. Bitbit ang pinamili, hirap na hirap akong buhatin lahat ng 'yon sa unit ko, mabuti nalang at may lalaking naawa sa kalagayan ko at tinulungan ako.

"Tulungan na kita Miss." He said while looking at me.

"No, thanks." Tanggi ko pa pero gusto ko, please sana tulungan niya ako.

"No. Mukhang mababalian ka ng kamay kapag pinush mong iakyat yan sa unit mo." Aniya at kinuha na sa akin ang ibang dala ko. Nahiya pa ako pero hinayaan ko nalang. Tama naman siya, mababalian nga naman ako at nag-magandang loob 'yong tao. Nasa loob na kami ng elevator nang masuri ko siya ng tingin. Pamilyar siya sa akin, alam kong isa siya sa unit owner dito, pero hindi ko lang alam kung anong floor niya.

"Unit 1702" Sabi ko nang makitang inaantay niya ako na pindutin ang elevator button.

"Ow, I'm 1602." He said while smiling. Ngumiti nalang 'rin ako at inabangan ang elevator. I awkwardly watch the floor number in the elevator. Saktong pagbukas ng elevator door ay ang pagluwa ni Axel 'rito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kaya nabaling sa kasama ko ang atensyon ko.

"Hmmm, thank you." Lumapit ako sa kaniya at isa-isang tinuro ang mga pinamili ko. "But I can handle this na." mabilis niyang inilayo sa akin ang kamay niya kaya para akong nailang.

"Open the door first, I can leave this things at your door, para hindi ka na mahihirapan sa pag-bitbit nito." Napalunok ako at marahang umayon sa gusto niya..

I followed him at binuksan nga ang pinto ng unit ko, ngunit bago ko pa makuha sa kanya ay sapilitan ng inagaw ni Axel ang bitbit niya.

I clear my throat while looking at the tension between them. Igting ang panga ni Axel na tiningnan ang lalaki. Nakakahiya, ako na nga ang tinulungan tapos ganito pa.

"Sorry Sir about that." Hingi ko ng pasensya sa kanya. Pansamantala kong inirapan si Axel dahil sa ginawa niya.

"No Sir, just call me Eian." I smile at him at nagpasalamat ulit. Nakita ko na siyang pumasok na ulit sa elevator kaya hinarap ko si Axel na salubong ang mga kilay.

"What are you doing?!" Inis ko na litanya sa kanya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang grocery na hanggang ngayon ay hawak hawak niya. Biglang nagtagpo ang mga kamay namin dahilan upang mas mapaiwas ako, parang may kung anong gumapang sa sistema ko..

Nag-iwas ako ng tingin dahil para na akong mababaon sa riin ng titig niya. Kumawala ako sa paglapat ng mga kamay namin at iritableng ipinasok ang pinamili ko sa unit. Pagbalik ko sa pinto, ganoon na lang ang gulat ko dahil nakasunod pala siya sa akin. Malalaki ang hakbang niyang tumayo sa harap ko, inis at galit. Lumapit pa siya sa akin, halos naamoy ko na ang bango niya. My lips parted while I watched him being frustrated about something.

"Ilan pa ba?" Halos bulong na ang mga binibitawan niyang salita sa harap ko.

"Ilan ang alin Axel?" naguguluhan kong tanong

Pumikit siya ng mariin at parang binabaon ang sistema ko sa mga titig niya.

"Ilan pa ba silang lalaki ang makikita kong umaaligid sayo." Napa-awang ang bibig ko at nabigla sa sinabi niya. Nakita ko ang paglalakbay ng mga tingin niya mula sa aking mata pababa sa aking labi.

Sobrang lapit na niya sa akin na ultimo paghinga niya ay naririnig ko na. Damn it! Axel! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na alam kong napaka-visible na nito sa pandinig niya.

"Why are you like this Axel?" Tanging tanong na hindi ko inaasahang lalabas sa bibig ko.

"Like what?"

"Why are you acting like you're jealous?"

Nakita ko ang pagkislap ng mata niya at pagtitig nito sa aking labi. His fiery eyes became gentle as he watched my lips in front of him

"... because I'm flirting with you, Riel."

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon